The scar series #3
Former title: Tears from the moon
--
Fort Santiago, 2019
Ikaw pa rin ang nais na makilala kahit ano pa ang maging hugis ng mga susunod na pagsilay ng buwan.
---
(cover is not mine, credits to the owner)
For those who feel like they have been left behind. Remember, there's still a moon that gives light at night.
°°
Fort Santiago, 2019
"Ikaw pa rin ang nais na maka-sayaw kahit ano pa ang maging hugis ng mga susunod na pagsilay ng buwan."
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
°°
Panimula
Lakad takbo ang ginawa ng isang binatang may suot na salakot, may takip na tela ang ilong nito at bibig. Tumitigil lang siya sa pagtakbo sa tuwing hinihingal na siya, saka niya papaspasan nang takbo sa tuwing naririnig ang yabag ng mga sapatos. Nagsisimula na rin sumakit ang kanyang mga talampakan, bukod sa mahapdi sa paa dahil kanina pa siya tumatakbo, napapakagat na lamang siya sa kanyang labi upang pigilan ang mapasigaw sa tuwing naapakan ang mga nakausling bato.
Nawalay siya sa grupo at hindi na niya alam kung nasaan pa ang iba niyang mga kasamahan. Tanging nasa isip niya na lang ay ang makatakbo sa mga kastila tumutugis sa kanya.
Nag iisa lang siya, samantalang sampu ang tumutugis sa kanya. Bago pa siya makasugod sa mga, yon, ay baka nabaon na ng mga bala ang kanyang katawan.
Hinihingal na nagtago siya sa isang malaking puno. Dahil gamay na niya ang pag akyat sa mga puno. Walang kahirap-hirap siyang nakaakyat at nagtago sa mga mayayabong na dahon nito.
Napatingala siya sa bilog na buwan, na sumisilip sa madilim na langit, kung wala sana siya sa sitwasyon na ganito. Magagawa pa niyang purihin at pagmasdan nang matagal ito. Napapikit siya at wala sa sariling bumulong.
Nawa'y malagpasan ko ito.
Naidilat niya ang kanyang mga mata nang marinig niya na papalapit na ang mga yabag. halos magpigil siya ng hininga para lang hindi siya mahuli na nasa itaas siya ng puno. Saka lang siya tuluyang nakahinga nang maluwag nang magdire-diretso ang mga ito at nilagpasan ang punong pinagtataguan niya.
Nang masiguro na wala na ang humahabol sa kanya, dahan-dahan siyang bumaba sa puno. Tinali niya ang buhok niya na hanggang balikat. Saka siya nagmadaling bumalik sa kabilang direksyon kung saan galing kanina ang humahabol sa kanya.
"Parar!" nanlaki ang mata niya at kumaripas muli ng takbo dahil sa sigaw ng isang kastila na nahuli sa grupong lumagpas sa pinagtataguan niya. Hindi niya napansin ito dahil sa madilim. Naiwan ito ng mga kasamahan dahil umiihi ito sa puno.
Kaya naman sinamantala niya ang pagkakataong kumaripas ng takbo papunta sa ilog. Doon ay tumalon siya habang pinapaulanan siya ng bala. Bumulusok sa tubig ang katawan niya at napaubo dahil nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang tagiliran. Humalo ang kulay pula sa tubig dahil sa sugat niya.
Nagtalo ang kanyang isip, hindi siya pwedeng umahon dahil baka matuluyan siya, pero kung hindi siya aahon mauubusan naman siya ng hininga at mamatay sa pagkalunod.
Mula sa ilalim ng tubig tanaw na tanaw niya ang bilog na buwan, humalo sa tubig ang patak ng kanyang luha, unti-unting kinakapos ang kanyang hininga habang pinagmamasdan ang buwan.
Kailangan ko pang makabalik sa kapatid ko.
Bulong ng isip niya hanggang sa tuluyang sumara ang talukap ng kanyang mata. Hinarang naman ng mga ulap ang buwan kasabay ng tunog ng kampana mula simbahan ng San Sebastian.
----
Paalala:
Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Pasintabi sa mga bayani na mababanggit. Ang kwento ay sinunod sa pangyayari ng kasaysayan at may mga pangyayari na gawa-gawa lamang ng malikot na imahinasyon ng may akda. Ang mga pangalan, lugar, pangyayari o eksena na may kagaya ng iba ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.