01

62 4 1
                                    

"Pasalubong ha? Isang chicken pesto lang sa akin...Sa'yo?... Bunso, Pork ribs daw kay kuya."

Napakamot ako ng ulo habang pinakikinggan ang mga nagkakagulo sa kabilang linya. "Pumunta na lang po kaya kayo rito?"

"Take out na lang, sayang yung damit na susuotin at makakatulong pa kay mother earth yung di natin pag gamit ng kotse," sagot ng isang boses na galing kay Kuya Christian. Na alam ko namang nagpapalusot lang dahil tinatamad silang lumabas.

"Huwag kang magpagpanggap, kuya. Baka palayasin ka ni mother earth." hinalo ko ang iniinom kong Cafe Americano (na i-ni-order ko sa kabilang coffee shop ) gamit ang coffee stirrer at nilipat sa kaliwang kamay ang hawak kong phone.

"bili ka rin ng dalawang box ng krispy kreme,"pahabol ni kuya Tristan bago tuluyan naming napag desisyunang putulin ang tawag.

Basta talaga pagkain. Napa iling na lang ako habang kinukuhanan ng video at picture ang paligid ng La Cathedral Cafe para may pang-story ako sa Instagram.

Ang ganda kasi ng set-up ng cafe, saktong nasa roof deck at puno ng mga lanterns at vine plants. Nakapatay pa nga lang yung lantern kaya hindi mo siya ma-appreciate pag may araw. Bumawi na lang yung view ng katabing Manila Cathedral at yung pagkain, para tuloy akong nasa venue ng kasal dahil sa mga arc ng bulaklak at mga tanim sa paligid.

Agad ko namang nilapag ang phone pagkatapos kong mag-post at tinuloy ang pagkain sa ini-order ko.

Sunday ngayon, kaya naman ay napa-solo date ako nang wala sa oras dahil may sari-sariling date ang apat kong kaibigan. Ayaw ko namang maging third-wheel, saka time nilang mag jo-jowa na bumawi sa isa't-isa.

Kung wala kang ka-date, edi i-date ang sarili.

Napairap ako, hindi naman issue sa kung mag isa ako ngayon. Mas gusto ko nga ang solo, makakapag muni-muni at magkakaroon ako ng time para sa sarili ko.

Malinaw ko na natanaw ang harap ng Manila Cathedral mula sa kinatatayuan ko patunay na nandito na ako Intramuros, kanina kasi yung pwesto ko sa cafe yung gilid lang ng simbahan yung natatanaw ko.

Tutal nasa Quiapo church na ako kanina. Naisipan kong dumiretso na lang sa Intramuros para kumain at sa inaasam kong solo date.

Hindi ko napigilang mapangiti sa mga natatanaw kong building habang naglalakad ako. Nakakaramdam talaga ako ng kilig pag nakakakita ako ng mga lumang building. Kaya naman pag nagsisimba ako sa Quiapo Church at may extra akong pera, dumidiretso na ako sa Intramuros.

At hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam na parang first time ko magpunta, dahil hindi pa rin nawawala ang excitement ko pag nasa Intramuros ako.

Kung may sinasabi silang comfort place, ito na siguro ang para sa akin. Napaka-weird lang dahil sa madilim na kwento ng mga lumang building.

Isa na siguro sa nagustuhan ko sa lugar na 'to ay dahil sa mga kwento sa likod ng mga makakapal at nilulumot na pader.

Ang kasaysayan, ang nakaraan.

Eksaktong six ng gabi tapos na akong mag ikot-ikot sa Fort Santiago. Nagsisimula na rin buksan ang mga ilaw na nagpadagdag ng sigla sa paligid. Mas marami na rin kasi ang tao kesa kanina.

Nasa bandang baba ako ng Fort Santiago, sa gilid ng ilog Pasig. Ang mga building na matataas ay nagkakaroon na rin ng ilaw na nag reflect sa tubig ng ilog. Kaya naman ang ganda na tingnan dito sa pwesto ko.

Napatakip ako sa ilong nang lumapit ako sa gilid. Kahit malinis na ang ilog, mabaho pa rin ang amoy nito. Nakakalungkot lang na itim at green na ang kulay ng tubig.

Pero atleast, wala nang nakalutang na basura.

Napangiti ako.

Sana, ito na ang simula ng pagbabago sa mga polluted na tubig at lupa. Na sana ito na ang simula sa pagbawas sa mga nagkalat na basura sa lungsod.

Sa taon-taon na pabalik-balik ko sa lugar na 'to. Nakikita ko ang unti-unti nitong pagbabago. Hindi man kaagad na tuluyang maibalik sa dati. Mabawasan man lang ang mga kalat nito.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may gumalaw sa tubig. Sa pag aaakalang isda ang nakita ko, lumapit ako. Dahil kahit na mabaho ang tubig, may ilan pang mga isda akong nakita kanina nung maliwanag pa.

"Huwag mong sabihing may nag night swimming sa ilog Pasig?" wala sa sariling tanong.

Nakatakip pa rin ang ilong ko habang pinagmamasdan ang tubig. Hindi ko na gaano makita, dahil bukod sa kulay ng tubig ay madilim na. Tatalikod na sa sana pero ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang may taong umahon mula sa mabahong tubig.



Itutuloy..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pahimakas Where stories live. Discover now