V

222 3 0
                                    

To: Bens

Celebration today at coffee cauldron! We and Agatha's Restaurant are partners now! See you at 7 PM!

Sent!

PAT's POV

Kauuwi lang namin from Davao, all of us actually except for MIgs and Karelle whose of course ay nasa honeymoon. Tbh biglaang getaway yon, then recently agnes and i decided to give mama a small restaurant in Baguio para naman may mapagkaabalahan sila ron, tumutugtog din don yung mga kapatid niya kapag hindi sila busy. Oh diba? Mahilig magsurprise 'tong asawa ko. Napapansin ko rin na mas naging sweet siya, well x10000 sa normal niya na sweet, nakakapanibago pero nasanay na lang din ako.

Agnes: you okay?

Pat: (ngumiti) mahal later yung celebration ha

Agnes: right! Won't forget it. (hinalikan sa lips si pat) i'll see you later okay?

Pat: okay.

Agnes: i love you

Pat: (kiniss sa lips si agnes)

Normal pa lang yan, also minsan napapansin ko na ang weird ni agnes kapag andiyan si agatha, mas nagiging clingy siya, naka-akbay or hahawakan yung kamay ko, not that i'm complaining ha, syempre kinikilig din ako. Well for jam and poch? No news pa rin eh. Nagpaparamdam si poch no scratch that nanunuyo si poch pero si jam, pusong bato ata. Civil naman silang dalawa, si jam na lang talaga ang hinihintay naming lahat. Darating sila mommy at daddy mamaya at excited 'tong si agatha matagal niya na raw kasing hindi nakikita ang mga magulang ko.

Well, Agatha is my first love, pero alam ko na hindi yung seryoso, kumbaga siya yung una kong minahal pero iba sa nararamdaman ko kay agnes. After kasi nung break up namin ni agatha, hindi na talaga kami nagkita. Nung pinuntahan ko siya sa bahay nila sa Laguna non at wala na siya, akala ko nga nung una patay pero buhay pa pala... sama ko ba? The reason kung bakit kami naghiwalay, dahil yun sa may mga plano na ako sa buhay and as much as I want to see a future with her hindi ko talga kaya, gusto ko naman talaga maging magkaibigan kami. Afterall ako naman yung nakipaghiwalay, ako na rin yung makikipagkaibigan.

POCH's POV

Andrew: so ganun na lang bro?

Keifer: hahayaan mo na lang?

Poch: ewan.

I've been making efforts para iparamdam kay jam yung intentions ko sa kanya, we were together before pero life happens, we broke up, pero hindi ako tumigil na mahalin siya, nung nalaman ko na she's still single sinabi ko sa sarili ko 'to give it a shot. For the last time. Kung iniiisip man niya na baka hindi mag work o na baka iiwan ko siya, eh nagkakamali siya kasi hindi naman yun mangyayari.

Pao: anong plano mo?

Andrew: may event pa naman tayo mamaya sa coffee cauldron

Poch: (sigh) hindi ko na talaga alam mga papi, baka naman hindi na talaga ako mahal

Keifer: diyan ka naman nagkakamali

Pao: mahal ka nun

Poch: joke ba yan?

Andrew: wanna test it?

Poch: (tumingin sa kanila)

We were in the mall, ewan ko ba sa mga 'to. Gusto magpalipas ng oras before going to coffee cauldron later. Hindi naman ako sumagot sa duggestion nila at heto may pinaguusapan na agad sila.

Relationship Status: Married to Pat LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon