Capítulo Ocho

95 1 0
                                    

Between Two Immortals {Vampire Royalties}
Capítulo Ocho: King Apostol

Selina's POV

Nandito ako ngayon sa palasyo. Sa terrace ng kwarto ko, masayang pinagmamasdan ang paligid. Mukhang may simpleng kasiyahan pang nagaganap sa Vampyrs Parco. Parang gusto kong gumala, tutal tapos na ang part ko, nakatulong na ako sa preparation sa Ball. Tsaka para makalimutan ko naman kahit sandali ang mga problema ko.

Naglakad na ako papunta sa Parco, nang walang kasamang guards. In short, tumakas ako, hehe!

Nang makalapit ako, narinig ko agad ang kumakantang lalaki. It's Id Cheerun. Vocalist ng isang banda. He's singing Thinking out loud. And it's my favorite song of him.

Ang ganda talaga ng boses nya. Naki-sing-along nalang ako. Ang saya dito, makakalimutan mo lahat ng problema mo. Ang saya ng aura.

Nathan's POV

Natutulog ako nang bigla akong ginising ni Nathalie, kailangan daw ako ni Ate Nathalisha, kaya pumunta ako sa kwarto nya.

"Ate naman, nagpapahinga ako, eh" inistorbo ang tulog ko.

"Wag kang mag-inarte, pinapasundan ko na kay King yung prinsesa. Parang ako lang ang gumagawa ng paraan, ha? Anyway, tuloy ang plano ha? Pupunta ka sa Whihearts Grand Masquerade Ball, oh kumpleto 'yan." she smirked.

"Okay, babalik na ako sa kwarto ko," inaantok pa talaga ako. Pinupuyat ako ng pag-iisip ko kay Selina lagi, haaaay.

"Wit! Wit! Wit!" Parang kabute naman to si Madam Shawla. "Panoorin nyo muna ang mga kaganapan sa Vampyrs Parco," utos nya.

"Hi, Princess!" Ito siguro si King, yung spy kuno ni Ate Nathalisha. Kasing edad lang pala namin sya.

Nagulat ako sa nakita ko sa bolang kristal, hindi ba si Selina yun? Sya ang prinsesa?

"Nathan.. si Selina at ang prinsesa ng mga Whihearts ay iisa.." Halatang-halata sa mukha ni Ate ang pagkagulat. "Mas mapapadali ang plano, Nathan." Bigla syang naging seryoso.

"Hello!" Parang bata naman na sagot ni Selina, "Anong name mo?" dagdag pa nya.

"I'm King Apostol, nice to meet you, Princess Selina."

"Nice to meet you, too! Ang saya pala dito! Ang cool!"

"Oo naman! Pero pwede mo ba akong tulungang makapasok kung saan ka pumapasok ngayon?" Tanong ni King.

Parang pakiramdam ko, ang sama-sama kong tao-este bampira pala.

"Ah yun ba? Sorry ha, sa Human's kasi ako nag-aaral e! Gusto mo rin ba? I'll help you," she smiled.

"Ah ganun ba, ano bang name ng school nayan? Susubukan ko."

"Endirone Colleges!" she replied.

"Kitakits nalang next time, bye princess!"

Pagkatapos nun, lumayo na si King sa kanya.

At nawala na sila sa bolang kristal.

"Madam Shawla, nalalaman mo yung mga pangyayari sa future diba?" Tanong ko.

"Oo naman, pero hindi ko ito basta-basta sinasabi, may mga pagkakataon na kailangan ko lang itago ito, para sa ikabubuti ng lahat," matapos nyang sabihin an mga salitang yun ay naglaho na sya at ang kanyang bolang crystal.

"Ate, atras na ako, ayako na ng ganito. Bakit kailangan si Selina pa? Kaibigan ko sya,"

"Ayun nga ang maganda, kaibigan mo sya. Ayaw mo bang matapos agad ang dapat mong gawin? Mag-isip ka, malaking pagkakataon na to. At ito pa, ipapasok na kita sa school nayan sa lalong madaling panahon,"

Lumabas nalang ako at bumalik sa kwarto ko.

Ayako. Ayakong gawin 'to. Baka kasuklaman ako ni Selina, hindi pwede. Sya nalang ang kakampi ko.

Alalahanin mo ang pagkamatay ng Reyna.

Selina's POV

"Hi, Princess!" nagulat ako dahil biglang may tumabi sakin.

"Hello! Ano name mo?" Ang gwapo nya ah!

"I'm King Apostol, nice to meet you, Princess Selina." Lakas naman maka-royalty ng name nya.

"Nice to meet you, too! Ang saya pala dito! Ang cool!" Masaya kong sabi.

"Oo naman! Pero pwede mo ba akong tulungang makapasok kung saan ka pumapasok ngayon?" Tanong ni King.

"Ah yun ba? Sorry ha, sa Human's kasi ako nag-aaral e! Gusto mo rin ba? I'll help you," I smiled.

"Ah ganun ba, ano bang name ng school nayan? Susubukan ko."

"Endirone Colleges! Sige, good luck ha!" I replied.

"Kitakits nalang next time, bye princess!" Nagwave na ako sa kanya.

Nagpatuloy lang ako sa pagkanta. Mamaya, bumaba ng stage si Id Cheerun at lumapit sya sakin at dinala ako sa stage. OMG! The feels! Parang nasa big dome talaga!

So honey now,

Take me into your loving arms,

Kiss me under the light of a thousand stars,

Shemay! Nagduet kami ng Thinking Out Loud! Kinikilig ako! Pakshet lang!

Place your head on my beating heart,

I'm thinking out loud,

That maybe we found love right where we are,

"Thank you, Id! Love you!" At hinug ko sya, naririnig ko naman ang tilian ng audience. Mas lalo akong kinilig. Gersh!

After ng show, umuwi na ako. Kailangan kong makatulog para kapag pumunta ako sa Human's may energy ako kapag naggala kami ni Nathan.

Pagkagising na pagkagising ko, nag-toothbrush agad ako. At naligo. Tsaka kumain.

Here I am Togoytoy!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between Two Immortals {Vampire Royalties}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon