Between Two Immortals {Princess of Vampires}
El Capítulo Dos: The PendantDismissal.
"Selina, diba sabi mo pupunta tayo sa Illyriath Falls?" Excited talaga 'tong si Adriana. Palibhasa, nakwento ko sa kanya na pupunta doon ang mga members ng S.S.G ng Vampire's Camp kung saan President si Marcus.
"Seryoso, Selina? Nagpaalam ka na?" Sam.
"Oo naman! Yayayain ko ba kayo kung hindi pa? Tsaka kahit naman hindi, okay lang kay Dad. Anyway, anong gusto nyo? Lakad lang or sasakay?" Actually, malapit lang dito sa Endirone yung Vampyrs Portal. Kayang-kaya lakarin.
"Parang mas masaya kung maglakad tayo!" Nakangiting sabi naman ni Genevieve. "Tara na?" Mas mapapadali nga kung ito gagawin namin. As you all know, we can lep large distances. But of course, we'll not do that. Baka may makakita saming tao o Blaheart.
"Okay! Let's rock this Vampirkada!" Sabi naman ni Sam.
"G.7, maglalakad lang tayo ngayon. Hindi na namin kailangan ng napakaraming guards. Kahit mga 5 nalang." Sabi ko doon sa isa sa mga guwardiya ko.
They bow as the sign na alam na niya/nila ang gagawin.
"Blood-thirst!!!" Sigaw naman ni Genevieve na nanghihina.
"Genevieve, 'yan na nga ba ang sinasabi ko, tamad na tamad ka kasing uminom ng dugo. Sa simpleng panghuhuli lang ng baboy ramo e. Hindi mo naman sinasabi sa'min." Sabi naman ni Adriana. As we get older, dapat kami na 'yung humuhuli ng hayop para sa amin, but alam nyo namang prinsesa ako, so may taga-huli ako. Royal Families lang ang maaring may taga-huli.
"Ilang days ka na ba hindi nakakainom?" Tanong naman ni Samantha.
If a vampire does not feed on blood for one to two months, it will develop withdrawal symptoms and become gradually weaker. Kapag mas tumaal doon, we'll eventually die.
"Actually, 4 weeks palang."
"Seryoso ka? 4 weeks?! E usually one to two months bago manghina." Pagtataka ko.
"May sasabihin na ako sa inyo," pag-uumpisa naman ni Genevieve. "Hindi ako Pureblood Vampire, I had a human existence before becoming a vampire.." Kaya pala ang bilis nya mauhaw at manghina. "I was a Minion.. I'm sorry," So, isang turnblood vampire si Genevieve.
Minions - these are the humans who serve vampires. In exchange for fortune and vindication. And there's a possibility that they will be vampire, as the reward for their service.
"Okay lang sa'min 'yun. That's not a big deal. Ang mahalaga ngayon ay ang pagkakaibigan natin." Sabi ko naman.
"Thank you, Selina" I smiled.
"Kami rin ni Sam, walang magbabago, tsaka hindi naman talaga big deal 'yun e, past is past." Pagko-comfort ni Adriana kay Genevieve.
"Anyway, kailangan na nya uminom ng dugo. Guards! Extra-blood! As fast as you can, go!" Pag-uutos ko sa mga guards. Tumigil muna kami sa isang tabi. Buti nalang walang masyadong tao dito.
Around 20-30 minutes, nakabalik na agad sila at may dala ng blood. "Thank you!" they bowed.
Makalipas pa ang ilang mga minuto, naging okay na si Genevieve at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Then while we're walking, biglang may lalaking nagmamadaling tumakbo at natabig ako. "Sorry, miss.." Paghihingi ng paumanhin nung lalaki, ang gwapo nya. My kind of boy.
Pag ako talaga nginitian nito, hindi ko mapipigilang kagatin 'to! Hahahaha! Joke lang. Baka ma turn-off sa'kin, sabihan pa akong halimaw.
"Sorry talaga,"
"Okay lang, basta ba kasing gwapo mo e.." Pabulong lang 'yung part na'yun. Haaaay, ang landing bampirang prinsesa ko naman!
"Sige, nagmamadali ako, bye!" nginitian nya ako. Hutaenaaaaaa! Is it real? Lalong ang gwapo nya. I cannot. Sana makita ko sya ulit. Sana.
Pero may napansin ako sa kalsada, may pendant. Siguro sa kanya 'yun. Nagmamadali e. Tsaka malapit lang sa'min. VB yung nakalagay sa pendant. I guess initials nya 'yun! Mwehehehe!
Baka Viel Bartolome name nya! Joke! Saan ko napulot 'yun? Anyway, sana nga makita ko pa 'yung cute guy na'yun.
Ang corny ko na talaga, porket nakakita lang ako ng gwapo. At dahil na-crush at first sight ako sa kanya, ako kumuha nung pendant! Itatabi ko 'yun noh! Malay mo magkita pa kami. Maraming gwapong nakikipag-flirt sa'kin, pero bakit gan'on? Talagang sa kanya lang ako natulala. Napanganga ako, swear!
Hahalikan ko na sana e! Tsk! Bakit gan'on? Parang wala lang nung nakita nya 'ko? 'Yung iba nga halos matunaw na ako sa katitingin nila.
"Ahhhh! I'm so excited to see my loves!" Haaay, Adriana talaga. Pagdating kay Marcus e.
"Ang haroooot!" Sabi naman ni Sam.
"O's'ya! Portal na! Ang dami nyo pang sinasabi!" Pagrereklamo ko naman. "Tiwala lang, makikita ko 'rin si VB d'un!"
"ANG HAROT MO!" Saba'y-saba'y nilang sabi. Okay, pinagkaisahan nila ako. At saka nagtawanan ang mga bruha!
Papasok na sana kami ng portal, nang biglang may lumabas sa kabilang side, syempre may entrance at exit diba?
"Kuya!!!" sigaw ko kay Kuya.
"Selina.. husme.. Ang gwapo talaga ng Kuya mo.." Sabi naman sa'kin ni Sam nang lumapit ito.
"Hiii!!" Maharot talaga. Hindi ata dapat Vampirkada ang tawag sa'min. Mahaharot dapat!"Hello!" Sagot naman ni Kuya with a smile.
"Hoy, Selina! Bakit may pendant ka na ganyan?!" Hala? Bakit parang galit si Kuya?!
"Huh? Wala lang. May problema ba sa pendant na'to?"
"Itapon mo 'yan." Ano bang problema nito?
"Kuya naman! Hindi pwede!"
"Itatapon mo 'yan o grounded ka?"
"Ano ba 'yan, Kuya! Ano ba kasing problema sa pendant na'to? Mahalaga 'to sa'kin! Bawal itapon. Final. Vavu! Papasok na kami sa portal! Let's go guys!"
"Seli----" Bago pa nya makumpleto ang pangalan ko, nakapasok na kami sa Vampyrs Landia! Wooooh!
"HB masyado 'yung Kuya mo sa pendant! Kalerks!" Samantha.
"Kaya nga e! Abnormal talaga 'yun kahit kelan e." Sabi ko naman na may halong pagka-irita. "Si Babe may-ari ni to e, bakit ko itatapon?"
"Abnormal ka rin e, Selina! Maharot na'to! Hahaha!" Siraulo 'tong si Genevieve! Walang utang ng loob! Hahahaha! Pinabigyan ko na ng ng dugo e!
"We love you, Selina!" Isa pa 'tong si Adriana.
"Sumakay na nga tayo papunta sa Illyriath! Dami nyong alam."
"Shoo-wah! Shoo-wu-wah!" Saba'y saba'y naming sinabi.At Isa-isa ng dumating ang aming mga Flying V.
Sakin kulay Violet and black! Astig noh? 'Yung kanila black lang. Pwede kasi akong pumili ng sarili kulay ng Flying V ko. May korona pa 'yung sa'kin, syempre prinsesa ako. You know, bizarre air creatures.
"Wooooh! Ang saya!" Sigaw naman ni Sam, habang naglalakbay pa rin kami sa himapapawid.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating din kami sa entrance ng Illyriath.
NOTE: Hello! Comment guys hahahaha! I would I know if you liked it? Lels, joke. Hahahaha. Labyuuuuu. Until next chap! xoxo
BINABASA MO ANG
Between Two Immortals {Vampire Royalties}
FanficThe worst feeling in the world is when you know you both love each other, but still you just can't be together.