#FAIRYTALEISNOWHERE

91 5 1
                                    

My Bestfriend is a Two-timer and A matchmaker.

                Hi there! I'm Jerlyn Rubina from Laguna... pero nandito ako ngayon sa Manila nag-aaral ako sa Hersburg University. With the course of BS in Entrepreneur. I'm a former president of SOH 'Student's Organization of Hersburg'. Let me tell you a story.

 (TG/N: Picture of Jerlyn Rubina attached.... :) )

                Sa aking kabataan (naks! Kabataan talaga? Napaghahalataan na matanda na siya...Hahaha) Stop it author! Well I'll proceed. Mayroon akong bestfriend na lalaki. And he's my First love and I guess until now. He's my everything way back then, siya lang ang tao kong natatakbuhan at laging nakakasama.

Hindi niya inintindi ang mga sinasabi ng iba tungkol sa akin. Lagi siyang andyan para makinig at ipinagtatanggol ako lagi sa mga taong umaapi sa akin.  May laging umaapi sa akin nung elementary pa lang ako dahil sa estado ng buhay ko at sa pagkatao ko.  Siya si Ryan Vince Limongco,  Ang bestfriend ko for long time. Pero dahil sa may mahal na siyang iba dati, hindi kailanman magiging kami. Tanggap ko kasi simula pa lang ay hindi niya ako minahal na bilang 'He's Girl'.

 Kahit ano namang gawin ko WAEPEK na kapag may  nagmahalan na dalawang tao. Hindi ko na ito mapipigilan. Masaya ako na kahit siya lang iyong Masaya sa amin. Atleast may isang Masaya sa amin kaysa sa magkasama nga kami pero hindi naman kami nagmamahalan.  Pinaubaya ko na siya kay Georgina. Masaya ako para sa kanila. Kasi kahit na hindi pa nila inaamin na mahal nila ang isa't isa ay nararamdaman ko na.

( TG/N: Hindi niyo po kilala si Georgina at Ryan? You better look for my  second story.  He's A Blackmailer. Iyan po mga Tresis. The best po iyan. Kasing the best niyo. Okay byiiee na! wooooshhh...)

 Simula ng mag-aral ako ay Scholar ako lagi ng Mayor sa Santa Cruz,Laguna. Kahit na sa Maynila pa ako nag-aaral ay pinapadalan nila ako ng pangtuition. Basta I-maintain ko lang daw ang high Grades ko.  Kaya kahit mahirap kami ay natutustosan ang pag-aaral ko kahit na mahal ang Tuition fee sa Hersburg.  Hindi po kasi ako mayaman.

 Nasagot ko na yung problema sa estado ng buhay ko pero yung problema sa pagkatao ko ay hindi pa. wag po kayong mabibigla pero.                

  Isa po akong Aswang.

 

 

 

 

 

 

DEJOKE!!! Hahahahaha

 

                Isa po akong anak ng Pokpok. Tama po kayo ng nabasa. Anak po ako ng isang babae na dating model na napariwara ang buhay.  Isa po akong bunga nang katangahan ng Nanay ko na nagpapagamit sa ibang lalaki para lang sa pera. Alam po ni Ryan ang tungkol dito. Pero kahit na ganoon ang Nanay ko ay kinaibigan niya pa rin ako. Ang bait niya talaga no? sayang talaga! Kung pwede lang na maging mataray ako at agawin si Ryan kay George ay ginawa ko na. Pero hindi ko kaya ih! Masyado akong mabait.

 Hindi ko kilala kung sino ang nakabuntis sa nanay ko. At wala akong kinilalang tatay sa mga lalaki ni Nanay. Hindi naman talaga nila ako tinatratong anak. Pinagpaparausan lang ng kalibugan nila ang Nanay ko. Sorry for the wrong term pero ayon talaga ang nakikita ko. At ito namang Nanay ko para lang sa Pera ay nagpapagalaw. 

Sa tinagal-tagal ng trabaho niyang iyan, hindi parin ako nasasanay at hanggang ngayon hindi parin ako sang-ayon sa trabaho niya.  Kaya nga pilit akong nag-aaral ng mabuti para mapatigil na siya sa trabaho niya.  Nasasaktan ako pagnauwi ako sa bahay namin sa Laguna at makikita siyang naiyak dahil sa niloko na naman siya ng lalaki niya at iniwan na naman siya. Siyempre masakit sa akin iyon kasi sa tingin ko second choice lang lagi si Nanay.

My Bestfriend is a Two-timer and a MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon