MBIATAAM IV
“Palabasin mo ko…” seryoso kong sabi.
“No.” simpleng sabi niya habang nakakalat ang kamay niya.
“Bakit mo ba ako dinala dito!” nagtataka siguro kayo kung saan ko gusto lumabas no?
Sa Condo ni John Brent. Nandito kami, Kinaladkad ako kaya hindi ako nakatakas at naka-alma. At ang siraulo niya lang kasi sa hagdan kami umakyat. Buti na lang pang 6th floor lang ang unit niya. Ayaw niya daw magelevator kasi baka makatakas ako at magpumiglas. Tsaka marami daw tao sa elevator kasi maraming gumagamit. Baka daw mapagkamalang loka-loka ang kasama niya kung saka-sakaling sisigaw ako doon at magwawala.
“Bakit ka nagpahigit dito?” sabi niya habang nakangisi. Doon na nagpanting ang tenga ko.
Hindi ko siya maintindihan! Nung una Snob sya… tapos biglang maging mabait… tapos magiging snob ulit. Tapos magiging hero. Tapos magagalit tapos ngayon naman may topak. Ano ba ito? ADIK?!
Hindi ko siya maintindihan. Ang gusto ko lang ngayon ay umuwi para makausap at matulungan sa pagpapaliwanag si Dia kay Lloyd. Hindi dahil sa ang gusto ko ay akin si John Brent hah? (Pero kasama yon sa hidden agenda nya…..)Ang gusto ko lang ay ang mahal niya talaga ang makatuluyan niya.
Dahil sa inis ko sa adik na ito ay tinabig ko yung kamay niya at tinulak siya para makapunta na ako sa pinto na hinaharangan niya.
Pahawak na ako sa seradura ng pinto pero bigla niya akong hinigit paharap sa kanya.
Nakipagtitigan lang siya habang masama ang tingin sa akin. Now what?! Galit na naman siya?!
Napatayo ako ng tuwid ng tumingin siya sa labi ko at mabilis na nilapit ang labi niya sa labi ko. He’s Kissing me…
As in…… KISSING ME!!!
Alam niyo ba kung anong ginagawa ko?
Hindi ko rin alam pero may luhang lumabas sa mata ko.
Di ba dapat Masaya ako? Kasi yung Mahal ko hinahalikan ako.
Pero ayoko ng ganito siya. Ayoko yung ginagawa niya sa akin ngayon.
Ayoko na pinaparamdam sa akin na meron siyang part sa akin na gusto niya. Gusto ko buong ako yung gusto niya.
Mahal niya ba ko? Enough love to kiss me like this?
Tinulak ko siya pero hinalikan niya lang ulit ako. Tinulak ko ulit siya pero bumalik ulit ang labi niya sa labi ko.
Umulit ng umulit hanggang sa humagulgol na lang ako at tinakpan ko ang mukha ko na ngayon ay basing-basa na ng luha.
Siguro hindi niya talaga ako mahal kasi pinapabayaan niya akong umiyak.
Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang buhok ko.
Dahil doon tinanggal ko ang kamay ko sa mukha at tumingin sa kanya ng may pagtatanong sa mata.
Nagulat siya sa itsura ko.
“Y-You’re crying? How did you---- You cry silently... Why?” sabi niya habang pinupunasan niya ang mga luha ko sa pisngi.
Atlast na halata niya rin…
Hindi ako sumagot at tumingin sa ibang direksyon.
Nagulat ako kasi hinawakan niya yung baba ko para mapaharap ako sa kanya.
“Sorry…” tapos hinalikan niya na naman ako. This time I froze because of confusion.
Sorry for what? Sorry for kissing me a lot? Sorry for letting me cry a lot? Or for kissing me again?!
Hinapit niya ako kaya naman lalo pa akong nalunod sa mga halik niya…
Paano ako makakaayaw sa pangyayari na gusto ko?
Katulad ng inaasahan nyo, Tumugon ako sa halik habang humihikbi.
Lumibot ang mga kamay nya sa likod ko habang ang kamay ko ay hinapit ang batok niya.
Ang shunga ko lang kasi nilaban ko pa yung pride ko tapos lulunukin ko rin pala.
Hinila niya ako papunta sa kwarto nya habang magkadikit pa rin ang mga labi namin.
Hiniga niya ako sa malambot na kama at pumatong siya sa akin.
Lalong lumalim at agresibo ang kaniyang naging mga halik.
Naghiwalay kami ng naghahabol sa hangin. Hindi pa ako nakakahigop ng saktong hangin para makalma ko ang aking paghinga ay nakita ko siyang nakatingin sa akin ng may pananabik.
Hinaplos nya ang mga mata ko na medyo mugto pa dahil sa aking pag-iyak.”ako lang dapat ang lalaki na minamahal nitong mga mata mo” pinadaan niya ang mga kamay niya sa pisngi ko papunta sa labi ko….
“Ako lang dapat ang laging kausap ng labi mo… Ako lang dapat ang nakakahalik saiyo dito... At sa kahit anong parte mo” Bumaba ito papunta sa leeg ko at tumigil sa dibdib ko. >////<
“Akin lang ang lahat ng ito….Lahat ng ikaw ay akin lang…..”sabi niya at binalik ang mga kamay nya sa mga pisngi ko. Tumango naman ako bilang sang-ayon sa mga gusto niya.
Hinalikan nya ulit ako… Doon ko nasigurado na simula ngayon…. Hindi na ako mag-iisa. Magiging Masaya na ako. Doon ko nasigurado na hindi ako matutulad sa nanay ko na iniiwan lang.
Dahil sa piling at sa mga salita nya? Naniniwala at nanalig ako na magkakatotoo.
Wala na sigurong mas titibay sa pagsasama kung may tiwala ka sa iyong kapareha.
Isa lang ang sigurado ako… Dahil sa kanya hindi ako matutulad sa nanay.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Two-timer and a Matchmaker
HumorMy Bestfriend is a Two-timer and a Matchmaker I'm a hopeless romantic and I believe that you can find love in many different places and be very conflicted. I've discovered as I've grown up that life is far more complicated than you think it is when...