#FAIRYTALEISNOWHERE.2
“JER JER!!!!! Andito na ko!!! Labas ka na dyan sa lungga mo! May bisita tayo!” sigaw ni Dia mula sa labas ng kwarto ko.
“Sino yan?!” sabi ko sa kanya habang may tamad na tono.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ng Clash of Clans ng sumigaw siya kaya parang tamad na tamad akong lumabas ng kwarto…
“Yung boyfriend ko!!!” sigaw niya, hindi ko parin siya pinansin dahil busy ako pero unti-unting nag-eecho yung sagot nya sa akin….
Yung boyfriend ko…..
*BLAAG!*
“Ay kagulat ka naman…. Excited much? By the way, meet my boyfriend… JB! ”Lumipat ang tingin ko mula kay Dia papunta sa tinutukoy niyang bisita namin…
Kanina ko pang nararamdaman ang malamig na tingin niya… Si Jon Brent…
Mula sa balikat ni Dia pababa sa mga kamay nila na magkadaop then pataas ulit sa mga kamay ng seatmate ko papunta sa mukha nya ang tingin ko…
Ang lamig ng mata niya… as in parang lantang bata na ewan.
“Hi!” sabi ko habang ino-offer ang kamay ko para makipag-kamay.
Naghintay ako ng matagal pero wala akong nahawakan na kamay niya kasi tumalikod na siya sa akin.
Bakit kailangan na lagi siyang ganyan sa akin? Bakit lahat na lang ng minamahal ko ay hindi ako gusto?
Ano bang mali sa akin? Bakit parang nangyayari sa akin ang mga nangyari sa nanay ko? Sumpa na ba itong maituturing?
“Pagpasensyahan mo na mahiyain kasi…” bulong sa akin ni Dia na nakapagpabalik sa akin sa ulirat.
Pumunta na lang ako sa kusina para kumuha ng tubig… Para kasing natuyo ang lalamunan ko sa nararamdaman ko ngayon.
“Bakit kayo magkasama sa iisang bahay?” Nabilaukan ako sa paginom ng tubig ng may mag-usap sa likod na lalaki.
*cough* *cough*
“Nakikiupa ako *cough* sa kanya *Cough* *cough*” nilagay ko sa sink yung baso at umubo na ng umubo… Grabe kasi naman may pumasok ata sa ilong kong tubig.
“Hey? Are you Ok?” sabi niya at hinawakan ako sa braso para mapaharap ako sa kanya pero ubo pa rin ako ng ubo…
Umiling na lang ako habang umuubo.
Nagulat ako ng yung mga kamay niya ay pumta sa likod ko at hinimas ito ng marahan…
“cough**cough*” sabi ko habang ganun parin ang pwesto naming… Parang konting tulak ko na lang sa sarili ko sa kanya ay yakap ko na siya.
Pwede ko bang gawin yun? Kung may magagalit sa akin na importante sa buhay ko?
Umikot ako para mawala ang kamay niya sa likod ko at kumuha ng panibagong tubig at uminom ulit…
Medyo nawala na ang pag-ubo ko pero masakit parin…
“Nasa kwarto niya si Dia… may tumawag kasi.” Sabi niya sa akin at umupo sa may lamesa.
Hindi pwedeng magtagal na kasama ko siya. Baka kung ano pa magawa ko.
“Ah… ok…” sabi ko at paalis n asana pero pinigilan niya ako gamit ang kamay niya.
Hinawakan nya kamay ko… Diba dapat matuwa ako kasi nangyari na yung gusto ko kanina? Yung mahawakan siya? Pero hindi ih…. Mali… Parang ang hirap sa akin na matuwa gayong nangyayari na yung gusto ko.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Two-timer and a Matchmaker
HumorMy Bestfriend is a Two-timer and a Matchmaker I'm a hopeless romantic and I believe that you can find love in many different places and be very conflicted. I've discovered as I've grown up that life is far more complicated than you think it is when...