Chapter 1

17.1K 420 51
                                    


"THAT was the correct answer. Very good Miss Dino," puri kay Angelique ng Algebra professor niya pagkatapos nitong tingnan ang problem na isinulat nito sa board na mabilis niyang nasagutan. Kanina ay wala sa mga kaklase niyang gustong sumagot niyon. Kaya siya na lang ang nagboluntaryo dahil madali lang naman iyon para sa kanya.

Proud na ngumiti siya at lumakad pabalik ng silya niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang bulungan ng dalawang babaeng kaklase niya nang mapadaan siya sa puwesto ng mga ito. "Show off na naman si manang," bulong ng mga ito na sinundan pa ng pigil na hagikhik. Hindi na lang niya pinansin ang mga iyon at taas noong bumalik sa upuan. Sanay na siya sa mga taong gaya ng mga ito. Kapag may mas magaling sa kanila ay hahanap at hahanap ang mga ito ng maipipintas sa taong iyon. In her case, it's the way she looks.

Nakapalda siya na hanggang sakong ang haba at simpleng blouse na hanggang siko ang manggas. Ang buhok niya ay mahaba at tuwid na tuwid na simpleng naka ponytail. She doesn't wear any make up. She admits she's not as fashionable like most people her age. But she's not bothered by it. Confident siya sa kung ano siya at hindi niya masyadong pinapansin ang opinion ng iba tungkol sa kaniya. Sabi ng tita niya, maganda siya at iyon lamang ang pinaniniwalaan niya.

"Nice one Angelique. You are really a genius," pabulong na puri sa kaniya ng seatmate niyang si James. May malawak na ngiti sa mga labi nito at kung makatingin sa kaniya ay tila hangang hanga ito sa kaniya.

Hindi niya napigilang gumanti ng ngiti rito at mabilis nang itinutok ang atensyon sa harapan. Ayaw man niyang aminin ay kinikilig siya. Ang totoo ay crush niya si James. No, actually ay hindi lang crush ang nararamdaman niya rito. It's something deeper.

Guwapo si James at madalas na may ngiti sa mga labi. He is the prince charming type. Marami rin itong kaibigan na lalaki at babae na palagi nitong kasama saan man ito naroroon. Sa algebra lang niya ito kaklase. Unang araw pa lang ng klase nila ay agad na niya itong napansin. Medyo maingay kasi ito. Pero sa tingin niya ay masayahin lang ito kaya ganoon. He looks like an angel when he laughs.

Noong mga unang meeting nila ay hindi sila nagpapansinan. Malayo rin sa upuan niya ang puwesto nito at ng mga kaibigan nito. Siya man ay hindi rin naman nagtatangkang kausapin ito. Nagbago ang lahat ng magpa long quiz ang propesor nila at lumabas ang resulta. Halos lahat ng mga kaklase niya kabilang ito ay bumagsak. She got a perfect score. Hindi rin naman niya inaasahan iyon. That caught her classmates' attention. Kabilang si James.

The next day nagulat si Angelique nang tumabi ito sa kaniya. Kinausap siya ng lalaki. She was overwhelmed by his good looks and by his chatty personality. Hindi rin ito katulad ng mga kaklase niya na nilalait ang paraan niya ng pananamit at conservative na ugali. He even treats her to lunch. Kapalit naman niyon ay tinutulungan niya ito sa mga assignment nila. Masaya siya na kasama ito. Every time he's smiling at her she feels a tiny flickering feeling on her chest. Siguro dahil sa buong buhay niya, ito pa lamang ang lalaking nagpakita sa kaniya ng ganoong atensyon. Ito ang unang lalaki maliban sa mga pinsan niya na nakakausap niya ng matagal at nakakasama niya kumain. She knew it was a prelude to love.

Biglang natigilan si Angelique sa naisip niya. Love. It was something she should avoid according to her auntie. Mahigpit nitong bilin iyon sa kaniya nang payagan siya nitong mag-aral sa unibersidad na iyon. Pero heto siya at hinahayaang mahulog ang loob niya sa isang lalaki.

Palaki siya ng tiyahin niyang si tita Emma. Matanda itong dalaga. Maaga siyang naulila sa magulang. Ang mama niya na siyang kapatid nito ay mahina raw ang puso at namatay nang ipanganak siya. Ang kanyang ama, sa labis na pighati sa pagkamatay ng mama niya ay nalulong raw sa alak. Isang gabing umuulan ay nagmaneho raw ang kanyang ama na lasing na lasing at naaksidente. Sumalpok ang sasakyan nito sa malaking poste ng meralco nang iwasan daw ang isang tumatawid na aso. He died on the spot. Sa tingin niya pwede pa naman itong makaligtas sa aksidenteng iyon. He just chose not to live. Mas pinili nitong makasama ang mama niya sa kabilang buhay kaysa sa kaniyang buhay na buhay. So her aunt took care of her.

TIBC BOOK 2 - THE LOVE COACHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon