Chapter 10

6.7K 420 25
                                    


"ANG ganda ng timing ng pag-uwi mo pare, reunion yeah!" masayang sabi ni Yuuji. Nasa resort sila ni George sa batangas. Doon gaganapin ang alumni homecoming ng batch nila bukas. Ni hindi niya inaasahang titiyempo iyon sa pagbabakasyon niya sa pilipinas. Hindi niya pa alam kung suwerte o malas iyon sa kaniya. Nagdesisyon silang pumunta na roon sa gabing iyon kahit bukas pa talaga ang get together. Reunion nilang barkada lang.

Tumungga siya sa bote ng beer niya bago nagkibit balikat. "So, may maipagpapasalamat pa pala ako kay Gwen." Naikuwento na niya sa mga ito kani-kanina lang ang tunay na dahilan kung bakit siya umuwi. At tulad ng inaasahan niya ay malakas na tumawa ang mga ito. "Teka bakit wala pa si Greg at Jet?"

"Sus yun si Greg busy iyon sigurado. News anchor at investigative reporter saan ka pa? Si Jet, alam mo naman iyon madalas may sariling mundo," sagot ni Yuuji.

Natatawang napailing siya. Kung saan-saan na nga sila napunta. Noon pare-pareho lang silang mga estudyanteng walang inatupag sa buhay kung hindi ang kumarera sakay ang mga motorsiklo nila. Mga estudyanteng sinusulit ang pagkakataon na malaya pa silang nagagawa kung ano ang gusto nila.

"Pare why don't you just stay here for good para mas masaya. Wala pa rito ang gustong mamikot sa iyo. If I were you that's what I will do," sabi naman ni Cedric na nagpunta talaga ng gabing iyon galing sa Suzuki Cup na sinalihan nito sa Japan. Aalis din ito kinaumagahan dahil hindi naman daw nila ito schoolmate hindi ito kasali sa reunion.

"Pare nandoon ang buhay ko," sagot na lamang niya kahit sa totoo lang ay hindi siya kumbinsido.

"Who knows you might change your mind," komento ni George.

"Yeah right." napakunot noo siya nang makitang nagtinginan ito at si Yuuji. "What?" takang tanong niya.

Ngumisi si Yuuji. "May magical power ang resort ni George akala niyo ba. Dito sila nagkabalikan ni Patricia."

Bahagya niya itong kinunutan ng noo. "So what's that got to do with me?" takang tanong niya.

Nagkibit balikat ito at ngumisi. "You'll never know," sabay pang sabi ng mga ito.

Hindi na lang siya nagkomento at tahimik na uminom. Reunion huh? With that he could not help but remember her again. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya pinigilan ang sariling alalahanin ito. Angelique, his angel. If he would just be given a chance to see her tomorrow, he swears he will never let her go again. He will do everything to make her listen to him. He will make her his.

"ANGELIQUE, okay ka lang? Bakit parang namumutla ka? Uminom ka ba ng vitamins mo kanina?" puna ni Millet sa kanya habang papasok ang sasakyan nito sa Calma Beach Resort kung saan gaganapin ang alumni homecoming nila.

Pilit siyang tumawa. "I'm okay. Namamangha lang ako sa ganda ng resort na ito grabe. Nagiging speechless ako," palusot niya kahit ang totoo ay ninenerbiyos siya. Kahit hinanda na niya ang sarili niya sa pagharap niya sa mga batchmates niyang siguradong pinag-usapan siya noon. Idagdag pa ang alalahanin niya sa kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niyang muli si Aio. Huminga siya ng malalim upang pawiin ang kaba.

"Oo no? Ang ganda ganda bongga," usal din ni Toni.

Saglit pa ay natanaw na nila ang maraming sasakyan sa malawak na parking space ng resort. Nang makalabas sila sa sasakyan ay nadinig nila agad ang malakas na tunog ng sound system, playing songs that were popular on their college days. Dinig na rin nila ang masayang kumustahan at tawanan ng mga ka-batch nila. Sabay sabay silang bumaba ng sasakyan at muling iginala ang paningin sa paligid.

"Well this is it!" usal ni Millet na ikinangiti nila ni Toni. Pagkatapos ay magkapanabay silang pumasok sa pavilion ng resort.

Pagkarating nila roon ay agad silang nakakita ng mga pamilyar na mukha. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang biglang pagbaling ng karamihan doon sa kaniya, particular sa kaniya. Hindi niya alam kung sinisino ba siya ng mga ito o natatandaan siya ng mga ito at ang chismis na kumalat patungkol sa kaniya.

TIBC BOOK 2 - THE LOVE COACHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon