"HINDI pwede. Gabi na Angelique. Hindi ka pwedeng lumabas," matigas na tanggi ng tita Emma niya nang magpaalam siya ritong lalabas siya.
"Tita naman," usal niya rito. Kanina pa siya nakikiusap dito pagkaalis na pagkaalis pa lang ng kaibigan nito pero ayaw talaga siya nitong payagan. "Matagal ko na pong gustong manood 'non tita. Sige na po," pakiusap pa niya.
"Huwag ng matigas ang ulo mo. Ang sabi ni Manuel ay bumababa raw ang dugo mo at kailangang magpahinga. Kaya pala ang madalas ka na namang maputla. Ang sabi niya ay baka madalas kang napupuyat. Kakalabas niyo iyan ng mga kaibigan mo. Kaya magpahinga ka na lang dito sa bahay. Umakyat ka na sa kwarto mo. Kailangan ko na ring magpahinga," matigas pa rin ang tinig na sabi nito.
Gusto na niyang maiyak sa desisyon ng tita niya pero alam niyang kapag ganoon ang tono nito ay wala nang magpapabago pa ng desisyon nito. Nang makitang lalakad na ito patungo sa silid nito ay napatayo na siya. "Tita please," pagbabakasakali niya pa rin.
Tumingin ito sa kaniya. "This is for your own good Angelique. Matulog ka na." Iyon lang at pumasok na ito sa silid nito. Walang magawang nagtungo na lamang din siya sa kwarto niya.
Ngunit kahit nasa loob na siya ng silid niya at patay na ang mga ilaw ay patingin tingin pa rin siya sa orasan. Lampas alas nuwebe na. Maaga sila matulog ng tita niya kaya sigurado siyang tulog na ito. Napatingin siya sa labas ng bintana. Paano na si Aio? Wala siyang cellphone kaya hindi niya rin alam kung ano ang numero nito. Hindi niya ito masasabihan na hindi siya makakarating. Siguradong naghihintay ito sa kaniya. She could almost picture him leaning on his bike while waiting patiently. Pagkatapos ay hindi niya ito sisiputin? Hindi niya iyon kaya. Sa huli ay napabuntong hininga siya at nakapagdesisyon. Mabilis siyang nagbihis at hinatak ang body bag niya. Pagkatapos ay maingat na sumilip at nakiramdam sa nakapinid na pinto ng silid ng tita niya. Nang sa tingin niya ay nahihimbing na ang tita niya ay walang ingay na lumabas siya ng bahay. Pagkuwa'y patakbong tinungo ang labas ng subdivision nila.
Sorry tita. This will be the first and last time that I will do this I promise. After this night, I will try to tell you about Aio. That's a promise.
KINAKAPOS na sa paghinga si Angelique nang makarating siya sa gate ng subdivision. Saglit siyang tumigil dahil sa bahagyang paninikip ng dibdib niya sa pagod. Nang bahagyang mapawi ang pagod niya ay agad na lumipad ang tingin niya sa kabilang kalsada kung saan palagi siyang hinihintay ni Aio. Napabuga siya ng hangin nang makitang naroon nga ito at nakasandal sa gilid ng motorsiklo nito. Pagkatapos ay patakbo siyang tumawid ng kalsada patungo rito. "Aio!" tawag niya rito.
Lumingon ito sa kaniya at dumeretso ng tayo. "Hey, you're here now," may munting ngiti sa mga labing sabi nito.
Hinihingal pa ring nginitian niya ito. "Sorry medyo na-late ako. I'm sorry that you always have to wait for me like this," hinging paumanhin niya.
He patted her head. "That's nothing. I would wait for you no matter how long you would take. Let's go?" anitong inabot ang isang helmet na nakasabit sa handle ng motor nito. Aabutin niya sana iyon ngunit sa halip na ibigay iyon sa kaniya ay ito na mismo ang naglagay niyon sa ulo niya. Napatitig siya sa mukha nito at hinayaan na lamang itong ayusin ang helmet niya. Pagkatapos ay nauna na itong sumakay sa motorsiklo nito. Mabilis na umangkas na rin siya sa likod nito at awtomatikong pinaikot ang mga braso sa baywang nito. Sa isang iglap ay nasa kalsada na sila. Malamig ang malakas na hanging tumatama sa kaniya dahil sa bilis nitong magpatakbo. But she was not bothered by it. In fact, she finds it soothing, or was it the fact that she was with Aio that relaxes her? Sa naisip ay napangiti siya. Ah, we can ride like this till forever and it will not bother me for sure.
BINABASA MO ANG
TIBC BOOK 2 - THE LOVE COACH
RomanceKahit matalino, tampulan pa rin ng panunukso ng kanyang mga kaklase si Angelique dahil sa ayos niya at paraan ng kanyang pananamit. Manang daw siya. Mabuti na lang, hindi ganoon ang pakikitungo sa kanya ng crush niya kaya bilang kapalit ay tinutulun...