MABILIS na kumalat ang balitang may "relasyon" si Aio at Angelique. Maging kina Millet at Toni ay hindi iyon nakalusot. There were all nagging her to spill out how she met Aio, one of their most loved Biker's Club member. And she did tell them. Muntik na yata siyang masabunutan ng mga ito sa sobrang frustration dahil hindi raw niya sinabi agad.
Mabuti na lamang at mas natuon ang atensyon ng mga ito sa bago niyang ayos kaya hindi siya masyadong na-usyoso ng mga ito. At nang sabihin niya sa mga ito na nag-aalala siyang baka magalit ang tita niya dahil bigla siyang nagayos ng ganoon ay nag-offer ang mga itong samahan siya at kausapin ang tita niya. Sa umpisa ay bakas ang disgusto ng tita niya pero nang magpaliwanag naman silang tatlo ay hinayaan na lamang din siya nito. Siguro ay pumasa din kasi rito kahit papaano ang mga damit na binili ni Aio para sa kaniya. Hindi rin naman nagalaw ang buhok niya na pinakamamahal nito kaya hindi siya nagkaproblema.
Ngunit nang silang dalawa na lamang sa bahay nila ay nilapitan siya ng tita niya at kinausap ng masinsinan. She was caught off guard when she saw the worry on her eyes.
"Why did you really decide to change how you look hija? Did something happen?" tanong nito sa kaniya.
Saglit lamang siyang nag-alinlangan kung sasabihin niya ang totoo o hindi. Sa huli ay nginitian niya ito. "Nothing really tita, I just feel like changing style. Hindi naman ho nakakabastos ang mga damit na – na ibinigay sa akin ni Millet," sabi niya rito.
She looked at her carefully. "Well, if that's what you say. Pero huwag mong kalilimutan ang mga paalala ko sa iyo maliwanag ba?"
Tumango lamang siya. Ayaw niyang sumagot dahil ayaw niyang hayagang magsinungaling dito. Sa huli ay tumango na lamang din ito at hindi na nagkomento pa.
"ANGELIQUE, seryosong tanong, talaga bang tinutulungan ka lang ni Aio kaya umaakto siyang boyfriend mo?" biglang tanong ni Millet habang nakaupo sila sa bench malapit sa classroom nang susunod nilang klase.
Napatingin siya rito. Dahil wala siyang inililihim sa mga ito nang matagal ay nasabi na niya sa mga ito ang lahat pati ang ginawa sa kanya ni James. Tulad nang inaasahan niya ay nagalit ang mga ito kay James at sinabi pa ng mga ito na tama lang ang ginawa niyang pagbabago. At least ay kinain raw ni James ang lahat ng sinabi nito. Kasama na sa mga sinabi niya ang tungkol sa gabing nakita siya ni Aio na umiiyak at ang offer nitong tulong sa kaniya.
"Oo nga. I also wonder about that. I mean hindi ba naipakita mo na kay James na maganda ka talaga at may lalaking magkakagusto sa iyo na higit pa sa kaniya. But then even after the whole campus has talked about your "relationship" ay palagi ka pa ring sinusundo ni Aio. Madalas din kayong magkasama kumain at madalas kayong makitang magkasama. Are all of that just for show?" tanong rin ni Toni.
Natigilan siya. Was that all for show? Of course it is, at least in Aio's part. Although she admits that she felt happy everytime they are together to the point of total comfort. She was also getting used to him that a day without being with him is already unbearable. Na sa tuwing kasama niya ito ay patindi ng patindi ang kakaibang pakiramdam sa sikmura niya tuwing kasama niya ito. It was as if what is inside her stomach were no longer butterflies but birds, huge birds that doesn't seem to want to stop from flying.
Sa totoo lang ay may ideya na siya kung ano ang nangyayari sa kaniya. Ngunit pilit niya iyong iniignora. Hindi lang dahil ayaw niya o dahil sa paalalang sinabi sa kaniya ni Aio nang gabing sabihin nito sa kaniyang tutulungan siya nito kung hindi dahil natatakot na siyang maranasang muli ang sakit na naranasan niya kay James noon. Because she had that feeling, that it will be a lot more painful when it comes to Aio than what she felt with James.
BINABASA MO ANG
TIBC BOOK 2 - THE LOVE COACH
RomanceKahit matalino, tampulan pa rin ng panunukso ng kanyang mga kaklase si Angelique dahil sa ayos niya at paraan ng kanyang pananamit. Manang daw siya. Mabuti na lang, hindi ganoon ang pakikitungo sa kanya ng crush niya kaya bilang kapalit ay tinutulun...