Prologue

811 21 1
  • Dedicated kay Khnlz Oteros
                                    

PROLOGUE

“Wala nabang nakalimutan?” tanong ni Papa kay Mama

“Wala na Hon. Ok na ang lahat” sagot ni Mama

“Ikaw Almira,wala kana bang nakalimutan?”

“Wala napo Papa”

“O sige Tara na”

Sumakay na kami sa kotse at nagsimula ng bumyahe. Papunta kami ngayon sa bago naming titirahan.

Ako si Almira Lou. 18 years old. Hindi ako solong anak ng mga magulang ko. Actually, tatlo kaming magkakapatid at pangalawa ako.

“Papunta nadin daw po sila Ate Ana,nagtext po si Yunasa” sabi ko kay Mama at Papa.

“Sa wakas at makukumpleto na tayo ngayon, hindi ba Almira anak?” mula sa passenger seat ay lumingon sakin si Mama. Dito ako sa nakaupo sa backseat. Kita ng dalawang mata ko ang pagguhit ng mga labi ni Mama, ang matamis nyang ngiti. Halata ang pagiging Masaya nya.

Ngumiti din ako.

“Oo nga po”

Si ate Ana ang nakatatanda kong kapatid. Limang taon ang agwat ng edad naming. Si Yunasa naman ang buso naming lalaking kapatid. Nasa labing limang taon na siya.

“Makikita ko na naman si Shakira” lalo akong napangiti nang maalala ko ang batang iyon. Si Shakira ang anak ni Ate Ana. Tatlong taon na sya. Si Ate na ang tinuring nyang ama at ina simula palang ng ipanganak ito. Bukod sila ng bahay samin at ngayon ay magkakasama na ulit kaming lahat sa iisang bubong.

“Matulog ka muna Almira, malayo layo ang byahe natin” sabi ni Papa habang nagdadrive. Mukhang napansin nya na naiinip ako.

“Bakit po ba kasi anlayo pa ng lilipatan natin?” tanong ko klay Papa. Pang limang ulit ko na atang tanong yan sa kanya.

As usual, yun padin ang sagot nya.

“Dahil mas malapit iyon sa bago kong trabaho anak”

Pang limang sagot nadin nya yan sa akin pero hindi padin ako makuntento sa sagot nya. Parang may hinahanap pa akong ibang isasagot ni Papa sa akin. Ewan. Basta.

Ipinatong ko nalang ang braso ko sa mas salamin at saka nagpangalumbaba. Tiningnan ko ang bawat dinadaanan namin.

Napagod nalang ako sa kakatingin sa kung ano ano kaya naglaro nalang ako sa cellphone ko. Pero tapos ko nalang laruin iyo e wala padin kami sa lugar kung saan kami bagong maninirahan. Sa sobrang boring ay natulog nalang ako.

Naramdaman ko nalang ang pagtapik sa mukha ko. Doon ay nagising ako.

Si Mama.

“Anak, andito na tayo” nakangiti niyang sabi.

Bumangon ako at nagkusot ng mata saka lumabas ng kotse. Pag lapat palang ng paa ko sa lupa ay may kakaiba na akong naramdaman.

Ano iyon?

Ang tanong ko sa aking sarili.

Tiningnan ko ang bagong bahay na titirahan namin. Maganda ito at kulay Peach. May dalawang palapag katulad ng dati naming bahay. May itim at medyo mababang gate at may maliit na garden na mayroong nagiisang swing.

Tiningnan ko ang paligid. Tahimik ang lugar. Walang tao na nasa labas maliban sa amin nila Mama at Papa. Lahat ng pinto nang bahay ay nakasara.

Bakit kaya?

Tiningnan ko ang suot kong relo.

Alas-singko palang naman ng hapon pero bakit walang katao tao ditto sa labas. Hindi ba dapat kahit papaano ay may mga batang naglalaro, mga kabataang naglalakad at tumatambay, at mga matatandang nagkukwentuhan. Ganoon kasi sa amin e. Pero bakit ditto hindi? Sa bagay, iba naman doon at iba dito.

Lalo akong nakaramdam ng kakaiba ng maramdaman kong may nakatingin sa akin mula sa malayo. Agad akong lumingon doon pero wala naman akong nakita.

Shocks! Bakit ganon?

Bakit ganito ang pakiramdam ko sa lugar na ito?

Bumilis na ang pagtibok ng puso ko at ramdam ko na ang matinding kaba. Mula sa isang taong nakatingin sa akin kanina ay nagging dalawa na ito, nagging lima, sampu, dalawampu at higit pa. Mas marami na ngayon ang nakatingin pero as usual kahit anong hanap ko at lingon sa paligid ay hindi ko sila Makita . Kahit isa,wala akong Makita sa kanila.

“Anak tara na”

Doon nabaling ang atensyon ko kay Mama. Bukas na pala ang gate at papasok na sila sa loob dala-dala ang mga gamit.

“O-Opo Mama” kinuha ko ang bag pack ko at saka pumasok nadin sa loob kahit hindi parin nawawala ang tingin sa akin ng mga tao.

 

(a/n:  Ang kwentong ito ay hango sa napanaginipan ko. Hahahahaha. Inspired po ako magsulat dahil 2015 na. Bawal tamadin. Hohoho

 

This is my First Story , so Please support. Thanks:* )

She's Almira (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon