2

17 2 0
                                    

"Oi bakit di mo sinend yung nasa drafts mo?" Tanong sa akin ng kaibigan ko. Nawalan ako ng gana at karapatan para isend man ang napakahabang essay na ginawa ko kanina. It's not right.

"Jess naman! sa tingin mo ba magagawa ko yun kung gusto niya naman si Cora?" Inikot ko ang upuan ko para maharap ko siya. Ito na naman kami eh we've been arguing about this ever since this mess started, so about 4 years ago.

"Alam mo River di ko alam kung nagpapakamartyr ka o nagtatanga-tangahan ka na." Inirapan niya ako at humiga sa kama ko. 

"Pwede namang both." Pabiro kong sabi sa kanya. I tried to lighten up the atmosphere dahil the wound is still fresh kahit ang tagal na niya. Tumawa siya pero halatado namang pilit.

"So anong gagawin mo?" Tanong niya sa akin habang nakapikit ang mata. Alam ko naman na gusto ni Jessa na maging masaya ako, hindi yung ganitong nagkukunwari akong okay lang lahat. 

"Ano ako, kontrabida sa isang romance film na sila ang bida?" I joked. Pero mukhang di siya natawa sa sinabi ko. 

Bumagsak ang mga ngiti sa labi ko. 

"Jess naman, all I can do for now is ang mahalin siya ng malayuan. Again." Sa sinabi kong yun ay napatingin siya ng diretso sa mata ko. I can see disbelief and anger in them.

 Wala naman akong magagawa, kaibigan ko sila pareho and I don't want to hurt them.

"Hoi Ilog, gumising ka naman tangina! Ipaglaban mo naman kung anong meron kayo!" Tumigil siya ng bahagya at nag intay ng sasabihin ko pero wala akong masabi sa kanya kundi ang mga katagang.

"Walang kami." 

"Isang taon na since that di ba? even 4 years ago! wala pa sila ni Cora nun ganyan na sagot mo sa akin. Just for once ilaban mo naman yung inyo." Sabi niya. 

"Kahit ipaglaban mo na lang sana si Hiraya. She's already two years old River, at least fight for her place sa buhay ng tatay niya." dagdag niya na ikinadurog ng puso ko.

Sorry 'nak. Mom has been selfish hasn't she?

Hinarap niya ako sa kanya, I can't look directly at her eyes. I know she can read me like an open book so I wouldn't dare.

Tama naman siya eh. 

For Hiraya.

Sana hindi pa huli ang lahat.



"Jess tignan mo to ang pogi di ba?" kinikilig kong ipinakita sa kanya yung picture ng crush ko. Ang cute niya sa picture na 'to, nakangiti siya habang karga-karga niya yung aso niyang nakatingin din sa camera.

"Sino na naman yan? tska pang-ilang crush mo na ngayong taon yan ah." Tinawanan niya ako pati yung picture na ipinakita ko.

"Grabe ka naman di naman sila madami! Pang 25 siya sa top 100 ko." Nangingiting sabi ko. Di naman sila madami tska anong masama? happy crushes ko lang naman sila.

Nilait-lait niya yung mga naging crush ko, kesyo lahat daw naging malaki ulo at mayayabang nung nalamang may nagkakagusto sa kanila.

Kaya tinawanan ko na lang siya kasi ang OA niya para namang naging kami ng mga 'yun.

"Miguel sabi mo bibilhan mo kami ng Milktea? saan ka ba bumili sa baguio?" Narinig kong sumisigaw si Jess sa kanyang cellphone.

Lamang ang team nila Cora nung napatingin ako sa scoreboard. Too bad di ko makita yung sa may side ng crush ko, sana di na lang kami umalis sa pwesto namin kanina.

"Oh ayan na po ang utos niyo madam." Sabi ni Miggy habang padabog na nilapag sa bleachers yung mga dala niya.

"About time, ang tagal mo nagugutom na ako." Umirap si Jessa. Minsan iniisip ko na lang na pinaglihi ata talaga 'tong babae na to sa ampalaya eh

"Cora bebi!" tawag ko sa pangalan ng isa sa mga matalik na kaibigan ko.

"Congrats sa pagkapanalo niyo!" bati ko sa kanya at sa mga teammates niya na nasa kanyang likuran. 

Nagyakapan kami sabay nagtatatalon-talon.

Mga malakas na hiyawan at cheer yung nangibabaw sa volleyball court kung saan katatapos lang maglaro ng mga lalaki.

Syempre chismosa ako, nakitingin din ako. 

Malayo sila pero mukhang nanalo yung rival school namin. Pero every year namang nananalo yung school na yun sa sobrang galing nila so, we kind of expected that.

"Jess Jess Jess!" excited kong tawag sa kaibigan ko.

"Wag mong ipahalata ah pero nasa likod natin crush ko." Bulong ko sa kanya.

"Asaan?" Sigaw niya. Inirapan ko na lang siya tska medyo tinuro yung tinutukoy ko.

"Ikaw haaa may hilig ka talaga sa mga morenong chinito ah." Diniinan niya yung pagsasalita sa hilig at tinignan ako na para bang nang-aasar.

"Anong pinagsasasabi mo? wala kaya akong hilig okay?" Sabi ko at inirapan siya ng pabiro. Naguusap kami habang naglalakad patungo sa harap ng room nila Marco.

"Etong si Marco laging pa-V.I.P" Reklamo na naman niya ng nakapameywang pa.

oh here we go, again.

ALWAYS YOUWhere stories live. Discover now