3

11 1 0
                                    

"Kamusta ka naman Maya?" Pang-aasar ni Jess sa akin.

"Okay naman po Ms. Maria Jofferlyn." Sagot ko na may kasamang sarkastikong ngiti na sinuklian naman niya ako ng oh so crispy, juicylicious na "Putangina mo." and take note may kasama pa yang middle finger.

"Pero sa true lang, how's the dare? baka naman scam lang 'to balik mo tig-isang libo namin." Nanliit mga mata niya at mapang-asar na nunuri ang mga ito. 

"Aba scam man o hindi akin na pera niyo noh! nailapag niyo na eh." Pabiro kong sabi na tinawanan niya na lang din.

 Inabutan ko siya ng plato pero tinanggihan niya ito dahil daw diet siya.

"Hoi Marites hindi po nakakabusog ang chismis sa umaga. Anong diet? your physique is hot naman ah?" Tinawanan niya lang yung sinabi ko tska kumuha ng pre-packed salad sa ref tska nagsimula nang sumubo.

"Punta tayong courthouse or 'di kaya dun sa may clubhouse, maybe let's go swimming? ang boring kasi ng bahay niyo parang yung mga may ari." Umiling-iling siya at sabay ang paghatak sa akin. 

Iba talaga to manlait akala mo pinilit ko siyang pumunta sa bahay. 'Di na ako nanlaban kasi baka kaladkadin lang ako and knowing her, she'll be pestering me all day.

"Dapat pala naligo ka muna, you stink." Nagtakip pa to ng ilong! akala mo naman talaga. Inamoy ko din tuloy sarili ko. Hindi naman ako mabaho eh buti na lang at di ako pinagpawisan kanina.

"Hoy mas mabango pa rin ako sayo noh kahit di ako maligo!" I replied pero she just walked ahead of me and gestured her hands as if to dismiss me.

Panay ang pagrereklamo niya kasi sina Marco and Miggy have packed schedules dahil sa part time jobs nila and si Cora, she's out of the radar these past few days.

"Huy alam mo napapansin ko lang naging busy si Cora after nung competition. Di ba dati kasama natin yun tumambay sa bahay niyo?" Tanong niya.

"Syempre nanalo sila baka dumami lalo yung naging laban nila?" Kahit ako, alam ko sa sarili ko na di din ako sure sa sinabi ko.

"Ewan. 'Di naman ako sporty." she shrugged.

"Maya?" somebody talked kaya sabay kami napalingon ni Jess sa baba, sa may mismong play area.

I just stared at his face and alam ko pati 'tong kasama ko ay naguguluhan na din kasi nakikita kong pabalik-balik yung mga mata niya sa aming dalawa.

"Cora Eloise Singson. You know her right?" pinutol niya yung katahimikan pati yung eye contact namin kasi tinignan niya si Jess, more like asking her since di ako kumikibo.

"Sino ka ba?" defensive na tanong ni Jess habang hinahatak yung braso ko para mapalapit ako sa kanya.

"Oh sorry, akala ko kasi your friend is somebody that I know." Nakita kong ngumiti siya at parang napahiya. 

Sabay sa pag-excuse niya is niluwa ng entrance ng court yung ibang mga lalake na I suppose maglalaro din since naka-jersey sila.

Hinila ako ni Jess pauwi while giving confused glances between Dax and I. 

Paanong di ko makikilala yun? eh siya lang naman yung lalakeng gustong-gusto ko.

"May nasabi si Cora?"

"She kept a secret?"

We both absent-mindedly talked to each other na lalong nagpakunot sa noo namin. This isn't like her at all. She wouldn't keep secrets lalo na kapag about sa lalake lang.

ALWAYS YOUWhere stories live. Discover now