"Ano nang nareview mo? May mga reviewer akong naitype ko na, ibibigay ko na lang sayo tomorrow." Sa sinabi ni Jess feeling ko bumaba ang isang anghel to massage me in the shoulders.
"Alam mo, you are my savior talaga!" Niyakap ko siya ng mahigpit kahit na ipagtulakan niya ako na para bang may disease akong dala-dala.
Halos matanggal ulo ko sa pagtulak niya kaya kumalas na din ako bago pa ako mamatay.
"Let's go to a café! libre na kita" Sabi ko. Nung narinig niya yung salitang libre ay agad siyang tumayo at mabilisang nagligpit ng mga libro niya.
Basta talaga libre ang bilis! pero kapag hindi, mas mabagal pa sa pagong kung maglakad.
Halos di kami nakapagdaldalan dahil busy kami sa pag-gawa ng mga reviewer tska assignment na due din bukas. Kumalam na yung sikmura ko kaya napatingin ako sa orasan ko.
"Huy Jess eight na ng Gabi!" Sinusundot-sundot ko siya sa braso niya na nagpa-panic dahil dito ay napatingin siya sa labas at lumaki yung mga mata niya. Dali-dali niyang sinoot ang jacket niya at nag-ayos ng bag.
"Gago patay ka kay Tito!" Sabi ko habang tinutulungan siyang magligpit.
"Shit! sabi pa naman nun may importanteng ganap kami ngayong gabi." Sabi niya sa akin habang nag-aayos siya ng kanyang itsura bago magpaalam sa akin at nagmamadaling naglakad paalis.
Hindi ko naman maiwan ang mga gamit ko kaya kumaway ako at tinignan ko na lang siyang mag-abang at sumakay sa sasakyan mula sa glass.
Hindi ko alam kung nakita niya pa ba ang pagkaway ko dahil nung nakakita agad siya ng jeep ay sumakay agad siya rito.
Sana naman tama yung nasakyan niya di pa naman minsan tumitingin yun basta makauwi lang ng madalian at nang hindi na mapagalitan ni Tito.
Nung nakita kong madami-dami pa akong gagawin ay parang tumakas yung kaluluwa ko sa katawan ko.
"Grabe namang pagbuntong hininga yan, parang madami kang utang ah." Hinila niya ang upuang nasa tapat ko at naupo kahit di ko naman siya inimbitahan.
Bakit ba ngayon siya naupo dito kung kailan namang haggard ako kainis!
"Stalker ba kita? Kung nasaan ako nandun ka din." Pabiro ko siyang inirapan at nakangiting naiiling tska nagpatuloy sa mga ginagawa ko para madali na itong matapos at nang makauwi na ako nami-miss ko na yung kama ko.
"Ako? Si Gael Hugo Ocampo will stalk you? Maybe." Sa sinabi niyang yun ay nagulat ako kaya nanlaki yung mga mata ko at napatingala bigla sa mukha niya, naka-smirk siya habang nakatingin sa ibang direction.
"Maybe mo mukha mo." Sabi ko at tumayo na ako para umorder ng kape para di niya mahalata na kinilig ako dun ng slight. Umorder ako ng isang iced coffee kasi baka antukin na ako sa sobrang boring ng ginagawa ko.
Pagkalapag na pagkalapag ko nung kape sa table namin ay agad naman niya itong kinuha at ininuman.
Wala na! ang masarap kong kape may virus niya na! bwisit naman nakakailang sipsip pa lang ako eh.
Inagaw ko sa kamay niya yung kape ko at tinapon yung straw at saka ininuman sa mismong baso. Pinandilatan ko siya ng mata tska tinabi sa akin yung baso.
"Ang yaman yaman tapos walang pambili ng kape. Kuripot!" Iinom na sana ako nung inagaw niya 'to ulit tska inilayo sa akin para di ko na makuha kaya napanguso ako sa panghihinayang.
"I thought you'll help me with Cora?" Umayos siya ng upo at seryosong sumimsim ng kape.
Nagseryoso man ang mukha niya ay di niya natatago ang kinang ng saya sa kanyang mga mata. I don't know what he finds funny in this situation. Nakikita niya na ngang hirap na ako sa pagre-review .
"Ang dami ko pang ginagawa sa ngayon pero kung ise-send man sa akin ni Jessa yung ibang reviewer ay matutulungan na kita sa kanya by tomorrow. I think." Sabi ko nang hindi siya tinitignan.
Wala akong narinig na response kaya tumingala ako at nakita na tinanguan niya lang ako tska sumimsim sa iced coffee ko. Akin dapat yun eh!
"Stop the pouting you don't look cute." Tinulak niya yung noo ko then crosses his arms in his chest. Ang sungit kala mo naman pogi, well mga 50% pero mukha pa rin siyang aso.
"Mukha mo pout. Mukha kang pato." Inirapan ko siya tska nagpatuloy na sa ginagawa ko.
Gutom na gutom na ako kaso di ko na alam kung anong uunahin ko tsaka kung kasya pa ba ang pera ko.
I'm hoping there's food at home. But I know there would be none dahil wala namang tao dun. Mukhang may de lata naman sa bahay at pwedeng iyon na lang ang uulamin ko dahil tamad na akong magluto.
Sa sobrang pagod ko ay nakatulog na pala ako kung hindi pa ako ginising ni kuyang barista, di ko pa mapapansing it's already midnight.
Hinanap ko si Dax pero mukhang wala na siya dito. Di ko alam kung magagalit ako or matutuwa dahil iniwan niya ako pero iniwan niya naman akong natutulog in a public place for Pete's sake!
Napansin ko ding nakaayos na lahat ng mga gamit ko sa bag at nakalagay ito sa upuang katabi ko. Okay nawala yung pagkainis ko kay Gael ng mga 1% lang.
Tumayo ako para sana ay lumabas at makauwi na sa bahay pero may humila sa akin.
Pinaupo niya ako sa backseat ng isang sasakyan, pagkatapos niyang ilagay sa gilid ko yung mga dala ko tska siya naupo sa may passenger seat.
Natatandaan ko yung daan at alam kong pauwi na ito sa bahay namin kaya hindi na ako nagbalak na sabihin sa driver na kinidnap ako nitong mokong na to.
"Hija Kain na tayo nagpaluto si Dax kasi di ka pa daw nakakakain? Anong oras na oh, come on sit here." Pag-aaya ng mama niya sa akin. At pinagbuksan pa ako ng upuan.
I don't know if mama nga siya ni Dax kasi hawig lang sila sa labi and she is very beautiful and warm. Ito ba feeling ng may pamilyang sumasalubong sayo pag-uwi?
Is this what home feels like?
Pagkadating ko sa kusina ay may mga nakahandang pagkain na dito. Ngayon ko lang naramdaman yung kalam ng sikmura ko. Ang babango at ang sarap nila tignan naglalaway na ako akakalain siguro nila na aso na ako.
"Mrs. Acosta sabay na po kayo sa amin. Nakakahiya po kasi nagluto pa po kayo." Pag-alok ko dahil pinagluto pa pala ito ni Gael imbes na nagpapahinga na ito.
"Okay lang hija kumain na ako sa labas kanina." Sabi niya at nilagyan pa ng ulam ang plato ko.
"Napaka professional naman ng Mrs. Acosta. Tita Vivian is fine, anyways kain ka na kumakain na yung anak ko kaya sabayan mo na." Sabi niya tska umalis ng kusina para magpahinga na.
Nakakaguilty tuloy nagluto pa siya dahil sa akin imbes na nagpapahinga na siya kasi galing work.
"Hobby mo bang mangdistorbo ng iba?" Naiirita kong tanong sa kanya. Kumakain lang ito na para bang hindi niya pinagod sa pagluluto ang kanyang ina.
Nagugutom na talaga ako kaya hindi na din ako nakapagpigil na kumain.
Nakatatlong plato ako ng kanin sa sobrang sarap ng mga niluto ni Tita Vivian lalo na iyong Caldereta. Kanina niya pa ako tinititigan, simula nung nakapangalawa akong plato.
"Baka naman matunaw na ako niyan." Sabi ko sa kanya tska ko lang siya nilingon nung tumawa siya ng bahagya.
"Ang siba mong kumain kaya ang taba mo eh." Sabi niya
"Tangina mo." Inirapan ko siya tska ngumiti ng bahagya.
Binigyan niya ako ng isang basong tubig. "Dahan-dahan lang pwede ka naman mag-uwi niyan sa inyo." He said nonchalantly. Kaya tingnan ko siya at nanlaki ang mga mata.
"Seryoso?" Tinanguan niya lang ako habang tinuturo yung mga tupperware. Para akong bata na galing sa may birthdayhan sa dami kong bitbit na tupperware.
Grabe naman kasi si Tita nung nalaman na mag-uuwi ako ay dinagdagan pa ito kasi wala naman daw kakain nun sa kanila.
"Thanks sa pabaon tska sa paghatid I'll repay you, ano bang gusto mo? I can drive you to anywhere, if you want." I insisted kasi nga nakakahiya naman na ang dami niyang ginawa para sa akin simula pa kahapon tapos ako walang maibalik.
YOU ARE READING
ALWAYS YOU
Romance"Kahit anong mangyari, pagbali-baliktadin man ang mundo ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko. Kasi when I look into those hazel brown orbs, alam ko nakauwi na ako."