4

7 1 0
                                    

Di ko na inintay kung ano'mang sasabihin nya dahil umalis rin ako agad. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay biglang bumuhos ng malakas ang ulan.

Great! Ang swerte ko naman ngayon nakakainis.

Wala akong magagawa dahil malayo na yung kinainan ko tska malayo din ang bahay. Nasa gitna pa talaga ako.

Dinamdam ko na lang yung malakas na ulan at nagkunwaring nasa isang music video.

"Huh? Tumigil ka na agad? Bakit di mo pa tinuloy? basang-basa na ako eh." Parang tanga kong tanong sa hangin. Napatingala ako at payong? Wala naman akong dala.

"Hatid na kita." Sabi ni Dax. Pinayungan niya ako kahit di kasya sa amin dalawa yun at pinasuot niya pa sa akin jacket niya. Nababasa na yung balikat niya pero mukhang wala siyang pakealam dito.

"Ang baho amoy pawis ah." Totoo naman kasi ng slight kaya inasar ko na siya, pero mas dumadaig pa din yung pabango niya.

"Ikaw na nga 'tong pinapahiram." Sabi niya at nilagay ang hood sa ulo ko. 

"Basa naman na kasi ako, kung ikaw na lang nagsuot edi di ka pa nabasa." Tinitigan niya ako kaya inirapan ko siya at nagsimula ng maglakad ulit wala na akong pakealam kung nauna ako sa kanya.

"Thank you sa paghatid. Ako na maglalaba ng jacket mo sauli ko na lang if ever nagkita tayo." I said nung nasa tapat na kami ng gate ng subdivision at tumakbo na ako baka kasi lumakas pa yung buhos ng ulan.


"Cora Eloise Singson." Sabi ko nung dumating siya.

Konting pamimilit pa at sinabi niya din lahat. Simula sa pangungulit ni Dax 2 weeks before the game hanggang sa pagsabi nito na close na daw kami.

"Ang creepy niya, annoying and hindi ko siya type." Halatang ngumi-ngiwi ang mukha niya habang nagke-kwento. Napaisip tuloy ako kung tama bang tutulungan ko pa si Dax.

There are 3 possible outcomes to this: 1st, papahirapan ko lang sarili ko sa wala. 2nd, magkakalapit nga kami ng crush ko kaso sa iba naman nakatuon isip niya and last but not least, magiging sila ni Cora which I don't know what to feel.

ALWAYS YOUWhere stories live. Discover now