CHAPTER 6

32 8 0
                                    

"Go! Go! Let's Go! Let's Go! SLC!" the crowd cheered.

Nandito kami ngayon sa isang convention center. May laban sila Daphne ngayon. Basketball boys and girls ang may laban ngayon. Daphne is known for her great reflexes, among all the players. She's the fastest. 

Nakuha ng kalaban ang bola. Dali-dali naman agad umaksyon ang mga players.

"Defense! Defense!" Agad na sigaw ng mga nanonoud.

Daphne stole the ball from the tallest player!

"Let's go number 24!" sigaw ni Azalea at nilabas ang banner na ginawa.

Agad na napatingin si Daphne sa'min habang nag di-dribble ng bola papuntang ring. Agad n'yang binaling ang atensyon sa bola. Pumunta s'ya sa 3 points line at umambang mag-shoot, ngunit agad naman itong naharang ng kabilang team. 

Agad namang bumwelo si Daphne, ipinasa ang bola sa captain nila. Nabaling ang atensyon ng kalaban sa may hawak ng bola. Mabilis na pinasa ng captain ang bola pabalik kay Daphne at umaambang titira.

"Tatlong puntos galing kay Ellis, number 24!" announce ng commitee. The crowd went crazy!

Last quarter na ng game at sobrang laki na ng agwat ng puntos nila sa kalaban. In favor ang school namin. Agad namang umalis si Ysabelle sa'min.

"Alis muna ako, mag peprepare pa'ko," sabi nito at inaayos ang mga gamit. "Una na 'ko," paalam nito.

Tinanguan namin s'ya nila Clara at Azalea. Binaling namin ang atensyon sa mga manlalaro. 

"82 to 104, SLC wins!" sigaw ng commentator.

Agad na lumapit si Daphne sa bleachers para salubungin kami.

"Ang galing!" sigaw ni Azalea.

"Congraats!" pag-bati ko.

"Yabang ha," natatawang sabi ni Clara.

"Well," mayabang na sabi ni Daphne.

Agad kaming nagtawanan.

"Ellis," tawag ng captain nila.

"Go na," sabi ko sa kanya.

Binigyan n'ya muna kami ng isang yakap bago umalis.

Bumalik kami sa upuan para tignan ang opening ng mga muse. Nagpaalam si Azalea, kailangan n'ya na kasing mag-interview sa mga players. Kasali kasi s'ya sa Writer's Guild ng school. S'ya ang toka sa sports newspaper.

Nagkaroon ng 20 minutes interval  bago mag start ang mga muse. Kaya naman inaya ko si Clara sa Mcdo malapit.

"2 iced coffe milky vanilla, and fries." sabi ko sa cashier at binigay ang bayad namain ni Clara.

Bumili 'rin kami ng kanin para sa tatlo dahil panigurado pagod na ang mga 'to. Nakarating kami ni Clara sa convention na medyo maaga pa. Maya-maya ay dumating na si Daphne hawak ang duffle bag nito. 

"Kain muna," sabi ko kay Daphne ng dumating. Agad naman itong naglabas ng wallet. "'Wag na, gift na namain sa'yo 'yan." sabi ko at 'di tinanggap ang perang hawak.

"Meron 'din dapat ako bukas, ah?" singit ni Clara sa gilid.

"Kung mananalo!" sabay na sabi namin ni Daphne sa kanya. Inirapan n'ya lang kami.

"Daph, wala sila tita?" Tanong ni Clar.

"Wala, sa finals daw sila manononod," sabi nito pagkatapos nguyain ang kinakain. Tumango lang si Clar.

Kung nagtataka kayo kung ano na ang score namin ni Jagger. Hindi sa mayabang pero nagkakamabutihan na kami. Araw-araw na kaming nag-cha chat.

Nagsimula na ang muse opening. Si Ysabelle ang mag re represent ng school namin, 'di gaano ang katangkaraan n'ya, well maliit talaga s'ya. Pero bawing-bawi sa ganda. Pangatlong candidate s'ya. Agad na nag-ingay ang mga schoolmate namin ng lumabas s'ya. Hinawakan namin ni Clara ang banner na ginawa ni Azalea.

Between Distance (Between Series #1)Where stories live. Discover now