CHAPTER 2

72 12 0
                                    

Samu't saring mga palakpa ang narinig ko sa aming mga kaklase. Di nagtagal ay kami ang nakakuha ng mataas na marka. Ang bawat pag-banggit ni Clara ng mga salita ay tila tumatak sa kanilang isipan. Ang mga salitang lumalabas sa aking bibig ay tila lahat sila ay nabubuhayan.

"Ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa ngayon, Javier Paine, at Clara Carter! Bigyan ng tatlong bagsak!" ani Binibining Cabrero. "Pagbati, sainyo." anito at binigyan kami ng matatamis na ngiti. 

Kami ang unang grupo na nakakuha ng line of 9 na marka, ang sumunod sa amin ang tila magagaling 'rin.

'Di nagtagal ay dumarami na 'rin ang nakakuha ng line of 9. 4 na pares ang nakuha mula sa aming section para makasali sa spoken word poetry duet. 

Nakatanggap kami ni Clara ng mga pagpuri. Aminado kami sa sarili namin na meron kaming mga pagkakamali. Buong-puso naming tinanggap ni Clara ang mga payo na galing sa aming mga kaklase.

"Galing n'yong dalawa!" pagbati ni Azalea nang uwian na.

"Kaya nga, sana all," natatawa ngunit nahihiyang ani Ysabelle.

"Okay lang yan 'no!" Pag encourage ni Clar sa dalawa. "Bawing bawi naman kayo sa ganda!" natatawang dagdag pa nito.

Si Ysabelle at Azalea ang may pinaka may hitsura sa lahat. Papatalo ba ako? Syempre hindi!

"Excuse me," nanaray na sabi ko sa kanila. "Ako kaya ang pinaka maganda rito, wala ng iba." nakataas kilay kong sabi.

Tawa lang ang narinig ko sa apat. Maya-maya ay nagkayayaan ng umuwi. Ang tatlo, na sina Ysabelle, Azalea, at Daphne ay may service. Samantalang, kami ni Clara ay commute lang. Ngunit hindi ko sya masasabayan ng uwi dahil susunduin daw sya ng kanyang mga magulang.

"Sorry talaga," ani Clara, nakalagay pa 'rin ang telepono ang tenga, kausap ang magulang nito.

"Okay lang sis, may iba pa naman akong masasabayan." nginitian ko sya para  mabigyan ng kasiguraduhan na okay ako.

Bumaba ako sa second floor kung nasaan ang mga kaibigan ko. Si Ryleigh, sya lang pwede kong makasabay dahil ang iba ay may service. 

"Daan tayo Ice cream house, 'te." sabi ni Ryleigh nang makalabas kami ng campus. Tango lang ang itinugon ko rito.

Hindi naman kalayuan ang Ice cream house dito, nasa kanto lang sya palabas ng high-way. Dito rin kami sa Ice cream house madalas tumambay ng mga tropa ko dati na si Aira, pero nagka buwag-buwag kami dahil sa mga issue na naglalabasan sa school.

Bago pa magdilim ay inaya ko ng umuwi si Ry. Buti na lang at meron ng jeep sa tapat ng Ice cream House, kaya nakauwi narin kami agad. 

Pagkadating ko ng bahay may nag notif sa'kin sa twitter. It's the same guy who sent me a picture a few days ago!

Weirdness slowly crept into my system. 

Paano ba naman! Ang chat sa'kin ng lalaking to ay "Awit, seen." like dude? Close ba tayo?

I screenshoted what the guy texted me and sent it to my friends.

SAMAHAN NG MGA BOBONG INIWAN

Javier: This guy is creeping me out. *photo attachment*

Daphne: Ako na lang mag-chachat d'yan.

Ysabelle: Wushu! @Daphne kukuhanan mo pa'ko ng boylet, doon ka na lang sa Malcolm mo!

Azalaea: Kung ano-ano pinag se send mo baka makita 'to ni Max.

Clara: Share nyo lang?

Umirap na lang ako sa reply ni Az, at Clar. Halatang sa isang lalaki lang titingin.

Between Distance (Between Series #1)Where stories live. Discover now