REBOUND

17 0 0
                                    

Note:

This is a true story but i'll be changing the names of the characters. Kailangan kasi i-secret ang mga identity nila Haha.

-Dancerjxoxo

PAGSUKO

Ano nga ba ang sign kapag ayaw na ng isang tao sayo, kapag gusto na niyang makipagbreak sayo, at kapag nangako siya sayo pero narealize mo na puro kasinungalingan lang pala ang mga sinasabi ng taong 'yon.

Natatandaan ko pa nung araw na lumipat ako sa eskwelahan na 'yon. Sobrang hiyang-hiya ako dahil anong month na ako nakapasok dahil nagkaaberya doon sa dati kong pinapasukan na school.

Mga bandang recess nang tumigil ako sa labas ng pintuan ng room namin at doon kita nakita na nakasilip sa bintana nang classroom. Napakunot ang noo ko at tinignan ka mabuti, mga five seconds din tayong nagtitigan and after that ay umalis ka sa pwesto mo. Ewan ko kung saang parte ka nang room napunta kaya binalewala ko na lang 'yon.

Lumipas ang mga araw at naging ka-close ko ang iba kong kaklase. May isa akong kaklase na sabi may past daw kayo. Nakipagkwentuhan siya sa akin na ang sweet-sweet mo daw, tapos anong oras na daw pero magkatext pa din kayo.

Nang araw din na 'yon ay nakita kita sa guard house na nanonood ng laro ng practice ng volleyball girls. Lumapit ako kahit alam kong hindi tayo close.

"Hi!" sabi ko kaya napalingon ka.

Doon na nagsimula ang communication natin. Inaasar kita doon sa kaklase ko at dinedeny mo naman. May oras pa nga na nakita kitang dumaan sa harapan ko habang kausap ko ang mga kaibigan ko at tinawag kita at may inasar ulit. As usual, umiling ka at ngumiti. Nung araw din na 'yon sumabay ka sa schoo bus namin dahil ka-school bus ko yung kaklase mo at pupunta ka sa bahay nila dahil birthday neto. Nagkwentuhan tayo at nang makababa ka ay sabi mo ay mag-iingat ako.

Lumipas ang buwan at nagulat na lang ako dahil hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ako sayo. Kwento ako ng kwento sa bestfriend ko at iba kong ka-close about sayo. Nagkaalitan pa nga kami nung kaklase ko na sinabi sa akin na may past kayo na sabi mo bestfriends lang ang inabot niyo.

Lumipas ang ilang linggo at hindi tayo nagkausap hanggang sa naging iba ang nagustuhan ko. Foundation nun at hindi ko makakalimutan ang ginawa mo.

Pagkatapos nang programme ay nagpapicture ako doon sa pinsan nang nag-aaral sa school na sumali sa basketball. Nakita kitang nakatingin nun habang nagpapapicture pa ako sa iba at nang matapos ako ay naglakad ako palayo.

Kaso tinawag mo ako. Lumingon ako sayo at tinanong kung bakit.

"Picture tayo." sabi mo sabay kalkal sa phone mo.

Nataranta ako at Nanlambot ang tuhod. sa huli ay nagpapicture din ako kasama ka. After nang araw na 'yon ay nawala nanaman ang feelings ko sayo.

Bakasyon na at wala na akong balita sa 'yo. Hanggang sa nagpasukan ulit. Nalaman ko na may nililigawan kang new student, umiyak ka pa nga daw dito dahil binasted ka. ewan ko... hindi ako sigurado.

After 'non wala na ulit akong pake sayo hanggang sa nagkasalubong tayo sa hallway at nagkaharangan sa dinadaanan. Ang awkward sobra kaya nag-hi ako at ganun din ginawa mo.

Hindi ko na alam kung ano pang sumunod na nangyari pero pagkatapos 'non ay nagkatext na tayo... mga bandang november hanggang january. Nagkatawagan ng 'baby', binigyan mo ako ng t-shirt at binigyan kita nang mga picks ng gitara.

Naaalala ko pa nga na inaamoy ko lagi yung shirt mo dahil andoon yung amoy mo. Sobrang bango. Hanggang sa nag-karoon ng camp sa school at doon ay niyakap mo ako na ikinagulat ko.

Hanggang sa nagfoundation ulit at nung valentines day ay niregaluhan mo ako. Ang saya ko nung araw na 'yon. Ang sweet mo at sa mga past mo ay sa akin ka lang nag-effort.

February 28 kita sinagot at nang march ay grumaduate ka. Nung bakasyon lagi kang nasa bahay at lagi tayong gumagala.

That time you're my only world, my boy bestfriend, and my one and only.

Until that day came, Sabi mo may youth camp kayo sa church. Three days kayo sa bataan and sabi mo walang signal. Ako naman si tanga ay naniwala sa mga pinagsasabi mo.

After two days narealize ko na kasama mo pala siya... Yung ex mo bago ako. After three days wala ka pa ding text sa akin kahit nagtext ako sayo.

Nag-alala ako nang matindi. Nainis ako. hanggang sa kung ano-ano na ang naiisip ko. Naisip ko na baka niloloko mo ako at kayo na ulit nung ex mo bago ako.

Nagtext ako sayo at sinabing "Okay lang ba tayo?"

Hindi ka nagreply kaya mas lalo akong nainis.

Nagtext ako na makikipagbreak. Nawalan ako nang pag-asa dahil ang cold mo sa akin. Mas ikinagulat ko pa noong nagreply ka at sinabing

"Okay."

Fvck! okay?! nice ah.

Iyak ako nang iyak for three days and yung kaibigan mo na tropa ko ay kinausap ako at kwinento na may sakit ka daw at iyak ka nang iyak.

I didn't believe him though i'm still hoping that you'd really cry.

Months after wala na tayong communication but still yung mga pictures natin sa phone ko ay nandoon pa din. I can't delete them.

Lagi kong katabi yung stuff toy na binigay mo sa akin. Yung sinabi mong ingatan ko bago ka umalis papuntang bataan. After four months at pasukan na ay nagkabalita ako sayo at nalaman ko na yung pinaghihinalaan ko kung bakit tayo nag-break ay kayo na pala. Nakakagago. Nakakasakit kahit alam kong naka-move on na ako. Hindi maiiwasan na mabalik yung sakit.

Sabi nila mahal pa daw kita pero ang totoo ay galit at inis na lang ang nararamdam ko para sayo. Isang buwan nanaman ang nakalipas at totally na wala na akong pake sayo.

Yung mga tropa mo na tropa ko din ay sinasabing ikaw pa din ang gusto nila para sa akin pero lagi kong sinasabing hindi.

Isang araw nalaman ko sa isang kaibigan na ikwenento nung kaklase mo dati sa kanya na. Nung una daw patay na patay ka sa akin (Hindi sa nagyayabang ako pero yun talaga ang sinabi sa akin.) Pagkatapos daw noon ay pinaglaruan mo na lang ako.

May natanggap pa akong balita na mas lalong nagpagalit sa akin. Rebound mo lang daw ako dun sa ex mo bago ako. So nagka-sense lahat sa akin.

Iniwan ka nung ex mo- pumunta ka sa akin at pinaglaruan ako- naging cold ka-nagbreak tayo- bumalik ka sa ex mo- Rebound ako.

Pero alam mo? napatawad kita sa ginawa mo. But i can't forget what've done to me. After all pinasaya mo naman ako for one month. I know... someday... God will give me the right man for me. Yung hindi ako gagawing rebound katulad nang ginawa mo, yung hindi ako hahayaan na lang kapag nakipagbreak, yung aalagaan, mamahalin at rerespetuhin ako,at yung makakasama ko hanggang sa pagtanda... habang buhay.

Kasi hindi mo naman ako hahayaan na makipagbreak sayo kung minahal mo talaga ako diba? at dapat kung minahal mo ako ay nakipagbalikan ka sa akin... kaso hindi.

You've teach me some lessons luke... thanks for being a part of my life.

-Thine

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon