MINSAN

24 0 0
                                    

MINSAN

Palapit ko pa lang sa isang kilalang bar dito sa maynila ay narinig ko na kaagad ang malakas na sigawan at tugtog sa loob nito. maraming tao ngayon di katulad nung pumunta ako nung isang araw ay kaunti lang.

Pinapunta kami dito ni andrei. ang gago kasi nageemote dahil iniwan ni jess.

"Oh asan na si drei?" tanong ni kevin kay karl ng makita siya lang mag-isa dun sa table.

Umupo kami at nag-order habang hinihintay si andrei. Maya-maya lang ay bumalik na siya, may kasama pang babae. gago talaga. kaya iniwan ni jess eh.

"Ate... pwede umalis ka muna? kakausapin lang namin 'tong kaibigan namin." pakiusap ko dun sa babae.

"Wait... Jake. Bakit mo naman pinapaalis 'tong si Cake? Ako nang bahala sa kan---"

"Damn it! Umayos ka nga andrei! pinapunta mo kami dito at dahil kaibigan ka namin ay pupunta kami pero sana naman ayusin mo yang ugali mo!" hindi ko na napigilan yung galit ko. paano kasi pinsan ko si jess na nagkataong ex-girlfriend netong si andrei.

Syempre, naaawa din ako kay jess dahil binalewala lang siya nung tropa ko.

"Okay! Okay!" sabi niya at tinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Fine. Cake umalis ka muna."

Umalis yung babae at umupo siya sa harapan ko. Agad niyang tinungga yung isang shot nung jack daniels.

"Ano bang gusto mong sabihin?" sabi niya pagkatapos tunggain yung jack daniels.

"Ikaw. ano bang gusto mong mangyari?" balik na tanong ko sa kanya.

"What do you mean?"

"Don't fucking fool me andrei! alam kong nagpapakalasing ka ngayon dito dahil nagbreak kayo ni jess." huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. "Ano?! namimiss mo yung mga sinasabi niyang 'babe, ingat ka', 'babe asan ka?', 'babe kamusta kana?', at 'babe, mahal na mahal kita?.' eh sino ba 'tong gago na binabalewala yung pinsan?!"

"Don't start a fight jake."

"I'm not kevin! i just want him to realize what the fuck he did to jess!. Ano? mang-bababae ka pa?! eh ilang beses nang pinalipas ni jess yung pang-bababae mo ah! tapos ngayon may gana ka pang mag-emote dahil nag-break kayo?! wake up drei! you're not 15 anymore. For Gods sake! you're 22. dapat alam mo na yung ginagawa mo."

Nanahimik lang siya habang nakayuko. Sabi nila karl, lasing na daw si andrei. Naaawa naman ako dun sa pinsan ko na gabi-gabing umiiyak dahil sa pagbebreak nila ni andrei. kung bakit ba naman kasi pinakilala ko pa si jess kay andrei.

"Ano?! Mamaya susugod ka nanaman sa bahay nila tita para hanapin si jess?! para makipagusap sa kanya? nako pre! hindi kita papayagan diyan. Nung oras na nag-aalala yung pinsan ko sayo kasi tinawagan siya ni tita mildred na wala ka pa sa bahay, yun pala nakikipaglandian ka sa ibang babae! nakita pa mismo ni jess yun at saan? sa condo unit na pinagiipunan niyong dalawa! fuck it!. ewan ko ba bakit sa kagaguhan mo hindi pa din kita binubugbog sarado ngayon. Tapos anong ginawa ni jess? Wala diba? nagbulagbulagan lang siya. kasi ano? kasi sobrang bait ng pinsan ko at gago ka kaya inabuso mo 'yon."

"Calm down jake." sabi ni kevin

"I'm calm jake. i'm just giving him a lesson. Na yung taong taon niya hinintay at pinaghirapan ay binalewala lang niya in just one snap. Na yung taong lagi niyang tinitext, tinatawagan at pinaghirapan niya ay hinayaan niya lang makawala nang ganun-ganon na lang."

"Bakit?" natatawang sabi ni andrei na nagpatigil sa akin sa pagsasalita. "Masaya naman ako ah?"

"Gago! masaya? ikaw? sinong niloko mo!" sigaw ko.

"I have freedom! i can date any girl that i want! i can do whatever i want! play this damn shit, waste all my money or even didn't waste time to check that damn girl every morning."

"What the fuck did you just say?!" sabi ko sabay hatak sa kwelyo nung damit niya.

Mayaman, gwapo at gago ang lalaking 'to. kamalas-malasan nga lang at ito pa ang naging boyfriend ng pinsan ko.

"i don't need to say it again jake.. you heard it!"

"Jake.. lasing si andrei.. pagpasensyahan mo na" sabi ni karl

"No. i won't. i won't forgive this shit this time. Masaya ka ba?! masaya ka ba na wala siya sa buhay mo?! ha!"

"Let go of me! fuck!" sabi niya sabay tulak sa akin na muntikan na matumba.

"Aba gago ka pala eh!" susugod na sana ako kaso pinigilan ako ni kevin. habang si karl naman ang pumipigil kay andrei

"Pre tama na!" sabi ni kevin.

"Ikaw! magluksa ka! gago ka! kawalan mo si jess! dahil sa katangahan mo at kalibugan mo kaya nawala siya sa buhay ko kaya wala kang karapatan na maglasing at mag-emote!! Damn it! aminin mo! hindi ka masaya dahil iniwan ka ng pinsan ko!"

"Oo!!" sigaw niya "Oo!! nagsisisi ako sa ginawa ko! Oo!! nasasaktan ako!! at Oo!! karma ko 'to! pero tangina! Minahal ko siya ng totoo! nag-iisa lang siya pre!" umiiyak na siya. Eto ang ayaw ko. Na umiyak siya dahil alam kong tunay na lalaki at mahal niya talaga si jess pero anong magagawa ko kung hindi ko na siya matutulungan pang ibalik si jess sa kanya. "Siya lang ang babaeng minahal ko! at ngayon miserable ako dahil nawala siya sa buhay ko!!"

Lumuhod siya at umiyak ng umiyak. Huminga ako ng malalim at kumawala sa pagkakahawak ni kevin.

"Pasensya na pre. pasensya sa mga masasakit na salita pero yung babaeng mahal na mahal mo ay hindi makakabalik pa sayo. hindi na kita matutulungan dahil nagsisimula na si jess ng bagong buhay at masaya na siya sa bago niya. Tatlong buwan na din kayong maghiwalay at sa tatlong buwan na 'yon ay wala ka man lang ginawa kaya sorry." tumalikod ako at naglakad palayo dooon pero ng medyo hindi pa nakakalayo ay tumigil ako para magsalita.

"Yung minsan na babaeng minahal mo ay napunta na sa ibang tao na mas aalagaan at mamahalin siya."

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon