STHP (Chapter 5)

3.6K 20 4
                                    

Errie's POV

"CONGRATULATION ERRIE!" Sigaw ng magaling kong kapatid.

Naiiling na natatawa nalang ako.

"Salamat kuya." Sabi ko at niyakap siya.

"College na ang kapatid ko sa susunod na pasukan." Masayang sabi nito at ginulo ang buhok ko.

Masaya na sana ako kaso naalala ko nanaman siya.

Isang taon narin ang lumipas nang bigla itong maglaho walang nakakaalam kung nasaan siya.

"Anong course kukunin mo sis?" Tanong ni Kuya.

"Magmamadre ako kuya." Wala sa sariling sabi ko.

Sumimangot ito.

"Yan ba talaga ang gusto mo? Siya dahilan kung bakit yan kukunin ko tama ba? nasan na kaya yung taong yun? Wag na siyang bumalik mapapatay ko talaga siya." Nanggigigil na sabi nito.

1 year din ang itinagal namin nang hindi nalalaman ni kuya 19 nako at magbebente sa susunod na pasukan.

Pero sa di malamang dahilan last year bigla nalang nawala na parang bula si Demie.

Walang nakakaalam kung saan sila nagpunta ng pamilya niya.

Sobrang sakit ng ginawa niya sakin okay lang naman sakin kung LDR kami kaso bigla nalang niya akong iniwan ng walang dahilan ni wala nga kaming offically break up.

Kung saan man siya ngayon dun nalang siya at ako ang hahanap sakaniya.

Gagamitin ko ang pagmamadre para mahanap siya sigurado akong nag pari yun base sa mga chismiss na naririnig ko.

Hintayin mo lang ako at mamahanap din kita hindi ako papayag na basta mo nalang ako iniwan pagkatapos kong ibigay lahat sayo.

Hindi ako susuko lalo na't siya lang ang mahal ko tulad ng sabi ko sakaniya kung nasaan siya nandon din ako sa tatapusin ko lang dapat tapusin dito at talagang pupuntahan ko siya

THIRD PERSON'S POV

"Ilang taon nalang matatapos narin paghihirap natin." Sabi ni Sam.

"Anong ilang years, 7 years pa hihintayin natin remember 8 years ang ilalaan natin." Sagot ni Demie.

"Pwede naman pala mag-aral ng 3 years basta tapos ng Philosophy kung bachelor's degree ang kinuha sayang inaral ko takte." Sabi naman ni Lance.

Nanlulumo ito dahil hindi siya nagresearch maayos.

"Ang tanga mo sa part na yun pre dapat nagresearch ka ikaw talaga."tatawa tawang sabi ni Demie.

"Eh ikaw nga graduating na dapat sa pagpupulis noon kaso umalis ka para lang sundin gusto mo hanep ka pre bakit ba gustong gusto mo ang pagpapari?" Singit ni Sam.

"Ayoko kasi mag asawa pre mas gusto ko magisa lang ako atsaka gusto ko talagang mapalapit kay god." Sabi ni Demie.

"Ikaw bahala, desisyon mo yan basta wag mong pagsisihan."

Tumango nalamang si Demie.

Masaya siyang nakukuha na niya ang gusto niya pero pakiramdam parin niya ay may kulang sakaniya ngubit di nalang niya iyon pinapansin.

Marahil namimiss lamang niya ang mga kaibigan niyang naiwan niya.

Hindi niya maiwasang maguilty sa at makonsensya lalo na kay Errie minahal naman niya ito hindi nga lang sobra.

Iniisip niya marahil ay lust lamang ang nararamdaman niya dito.

Kahit kasi simple at hindi mag-ayos ang dalaga ay talaga namang ka akit-akit parin ito.

Napailing nalamang di Demie sa naisip at umuwi na.

6-8 years ang taon na ilalaan niya para magpari wala lamang yon kay Demie dahil masaya siya sa daang tinatahak.

Ang hiling nalamang ngayon ay maging masaya rin si Errie ng wala siya sa buhay nito.

Selfish man ang dating sa iba ngunit di nalamang niya ito binibigyang pansin sa isip niya lahat ng tao may pangarap kapag nangangarap ay walang magiging hadlang kung nais mo talagang makamit yun.

Hindi mawawala ang mga taonh pipigil at magiging dahilan para hindi mo maaaring makamit yon ngunit choice mo pa din kung hindi mo sisirain o babalewalain ang prinisipyo mo sa buhay para sa iyong pinapangarap.

Iba ang prinsipyo ni Demie sa buhay at talaga namang masasabi ng mga tao na isa siyang makasarili.

Ngunit kung malalaman mo ang mga dahilan ay mag-iiba ang tingin ng mga ito sakaniya.

Walang nakakaintindi sakaniya alam niya yun kaya hindi na lang siya nagsasayang ng oras para lang mag explain sa mga taong walang kinalaman sa pangarap niya.

Ang patungkol sa relasyon nila ni Errie ay para sakaniya silang dalawa ay kasama sa mga magkarelasyon na pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ang dalawang taong nagmamahalan magiging sila parin sa huli, masakit man ang katotohan subalit hindi mapipigilan ang mga nakatakdang mangyari.

Kailangan lamang tanggapin ang mga bagay-bagay para sumaya ka.

Sa isip ni Demie ay hindi mo kailangan ng tao o bagay para lamang sumaya basta maging kuntento kalang sa kung anong meron ka at kung ano ka.

Kaya hindi idinahilan ni Demie ang nararamdaman niya kay Errie para masabing masaya siya para sakaniya ang kasiyahan ay pag nakuha niya ang pinakamimithi niya.

Ngunit salungat namab sila ni Errie ng paniniwala kaya naman si ginagawa ng dalaga ang lahat para mahanap na agad niya ang taong nagpapasaya at kukumpleto sa buhay niya.

Gagawin niya ang lahat makuha lamang ito.

Kahit na pa kasalanan sa diyos ang gagawin niya.

Sa isip ni Errie ay walang mali pagdating sa pag-ibig nagiging mali lamang ito pag hindi mo ipinaglaban.

***

Please vote and comment.

JAVSSV

Seducing The Hot Priest 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon