Chapter 7 (STHP 2)

3.3K 23 0
                                    

Errie's POV

I don't know what to do.

Pabalik-balik ako sa hagdan nagiisip kung baba ba ako or hindi  nag bell na kasi ang isa sa mga sister.

It means breakfast na at ang patakaran ay hindi pwedeng pinagpapaliban ang pagkain.

Paano ako baba kung yung taong nanakit sakin ay nasa baba lamang.

Ang awkward naman nun.

"Oh Errie bakit nandito kapa?" Sister asked.

"Ahm, kasi sister diko po alam kung natatae ako hehe masakit po kasi tiyan ko." Pagsisinungaling ko.

Juskoo.

Bawas points nanaman ako kay lord at alam kong lalo pa yung mababawasan.

Patawarin sana ako pero gaganti ako sa pang-iiwan sakin ni Demie.

Di pwedeng ako lang ang nasaktan dapat siya rin.

Napangisi ako sa mga naiisip.

Bumaba nako at naglakad na parang wala akong pake sa presensya niya pero sa totoo lang parang anytime mawawalan ako ng balanse.

Tinignan ko siya mula sa gilid ng aking mata mabuti nalang at malinaw abg vision ko kaya nakita ko ang bahagyang pag-awang ng kaniyang bibig.

Umupo ako sa isang lamesa na medyo may kalayuan sakaniya at nakalikod baka kasi di ako makalunok maayos at mabulunan dahil siguradong tititigan ko siya hanggang sa matunaw.

Habang kumakain ay para akong nasa hotseat di ako nagpapahalatang balisa pero sa totoo lang kanina ko pa gustong umalis dito sa dining area.

"Oh, dahan-dahan baka mabilaukan ka."

Muntik ko ng ibuga kinakain ko dahil biglang may pumuna sakin sister din siya pero nakalimutan ko na ang pangalan niyan lahat kami dito sa lamesa ay baguhan maraming lamesa dito sa orphanage nakahiwalay ang sa mga bata sa mga matatandang madre kasama na doon ang pari, at nakahiwalay naman kaming nga baguhan.

"Pasensya na kailangan ko kasing magmadali dahil may pinapagawa si Mother Superior."

"Pero baka mapagalitan kanaman kasi diba sabi wag daw minamadali mga bagay-bagay lalo na ang pagkain." No choice ako kundi pilitin nalang lunukin ang kinakain habang hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, sino ba namang hindi magiging ganito kung kanina mo pa napapansin na nakatingin dito si Demie-este Father Demie.

Bakit ba kasi ang rupok ko? Galit ako sakaniya, galit ako. Huminga ako ng malalim at inalala ang nakaraan.

"Uy, okay ka lang ba talaga? Kanina pa kita tinatawag nagbell it means kailangan na natin mag rosary." Sabi ng isang sister din na diko pa alam ang pangalan.

Nginitian ko ito at tumango.

"Sige susunod ako." Ngumiti naman ito at sumunod sa iba.

Bakit ba kasi dito pa? Hindi pako handang harapin siya pero naalala ko siya nga pala dahilan kung bakit naging madre ako.

Bakit ganon? Bakit parang nawala lahat ng galit at napalitan yun ng pangungulila? Bakit?

Lutang na sumunod ako sakanila kaya naman diko napansin na nakatayo pala sa harap ko si Demie.

Hindi ako sanay at naiilang akong tawagin siyang pari.

"Sorry po." Cold kong sabi at mabilis na naglakad ulit.

Pero napatigil ako nang hilain niyako pabalik.

"Wag kang aalis basta-basta ng hindi pakita napapatawad."

Wow. Ako pa ngayon ang naiwan nalang basta-basta? Really?

Ngumiti ako ng pilit at peke mukha siguro akong tanga pero wala akong pake.

"Oh, sorry FATHER, dipo ako basta-basta ng IIWAN nalang ng walang dahilan, nagmamadali NAPO kasi AKO dahil mag rorosary papo KAMI." Sarcastic kong sabi at binangga ang balikat niya.

Lalong namutawi ang galit sa dibdib ko. Ang kapal ng mukha niyang sahihin sakin ang mga salitang yun, pero di manlang niya naalala na siya ang gumawa ng ganon.

Tss. Grabe na talaga mga lalaki ngayon, babae pa talaga laging may problema satuwing may argument really?

Pumasok nako sa loob ng chapel para sumali sa rosary, pero nagulat ako ng may nagtakip ng bibig ko at hinila ako papasok sa confession room.

Magwawala na sana ako pero nakita kong si Demie lang pala ito.

"Anong ginagawa mo?" Bulong ko sakaniya.

"Kailangan natin mag-usap." Seryoso na sabi nito

"Pwede naman tayong mag-usap ah pero di ngayon, baka makahalata sila." Singhal ko.

"Dinaman nila alam, atsaka wala naman tayong ginagawang masama mag-uusap lang naman tayo, unless may balak ka sakin na masama?." Nakangising sabi niya.

Aba't? Makal talaga mukha neto nanggigigil ako ang sarap tirisin.

"Excuse me? Ako may balak na masama sayo? Are you kidding? For your information ikaw ang humila sakin dito out of nowhere dahil gusto lang akong makausap." Sarcastic kong sabi.

"Gusto ko lang mag explain." Pagseseryoso nito ulit.

"Wala na tayong dapat pag-usapan matagal na yon. Atsaka wala nakong pakialam sayo kaya pwede ba kumilos tayo ng professional base sa pinili nating direksyon." Malamig kong sabi.

Kapag pinaguusapan ang nakaraan nagiging manhid nako dahil sa naramdaman kong sakit noon na siyang nagpatatag sakin ngayon.

Mas matimbang parin ang galit ko at oo dinako magsisinungaling sa sarili ko mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon ni walang nagbago sa damdamin kong iyon.

Kaya lalo akong namumuhi sakaniya dahil sakaniya ko lamang ito nararamdaman naiinis ako dahil kahit kailan hindi ko siya nagawang palitan.

Ang unfair lang.

Nagulat ako ng punasan niya ang pisngi ko, hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Totoo nga ang sabi nila, tulak ng bibig kabig ng dibdib.

Dahil, alam kong nakikita at nararamdaman niya ngayon na mahal ko parin siya.

Akala ko kasi handa ako na makita siya kung sakali mang aksidente lang ang pagkikita namin, at makikinig ako sa kung ano mang rason niya.

Pero bakit ngayon naduduwag ako, ni ayoko marinig ang sasabihin niya.

Siguro nga hindi pako handa, siguro nga all this time mahina padin ako pagdating sakaniya.

"Shh." Pag tahan niya saakin at akmang pupunasan muli ang mga luha kong di maawat, pero tinampal ko iyon.

Sobrang sama ng loob ko at satingin ko ay naipon yun.

"Nung araw na iniwan moko, I promise to myself na dikita iiyakan or kubg sakali man hindu ko ito ipapapunas sayo, ayoko ipapunas sayo dahil unang-una ikaw ang dahilan nito, pangalawa wala kang karapatan at ang panghuli, dimo deserve na mahawaka o makita manlang ang mga luha kong ito." Sabi ko at iniwan siya doon.

***

A/N

Sorry ngayon lang ulit nakapag update naging busy kasi sa pag-aaral, at dahil sembreak na namin expect niyo na makakapag ud na ulit ako ng maayos.

Maraming salamat sa matiyagang paghihintay nawa'y magkita-kita pa tayo hanggang sa dulo neto.

Please vote and comment for motivation tell me if you like it.

Seducing The Hot Priest 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon