CHAPTER 3: SHOCKED

11.3K 299 95
                                    

ALEXIS’ POINT OF VIEW


“Bye Ate, salamat sa paghatid.” Sinara ko na yung pinto ng sasakyan ni Ate at inaantay ko siyang maka-alis bago ko naglakad papasok sa campus.

“Nice to see you again, Miss Alexis!”
Nag-salute pa siya sa’kin, kaya natawa ako. I just saluted back at him.

Close ako kay Kuya Roben dito sa campus dahil siya ang na-aabutan ko tuwing nala-late ako ng uwi dahil sa training.

He checked my I.D. and nung nakita niya na, he gave me a thumbs up bago ako pinapasok sa loob.

“Salamat Kuya.” Ngumiti si Kuya at tumango.

Naglakad na ako papasok ng campus. Marami-rami na rin yung tao rito kahit medyo maaga pa. It’s only 6 in the morning and yung start ng class is 8.

‘Ang aga ko noh?’ Well, our coach messaged me na may meeting raw kami para sa upcoming university division tournament.

“Kanina ka pa ba?” Nagulat ako nang biglang nagsalita si Ranzi kaya napahawak ako sa dibdib ko.

Putspa, nagulat ako sayo!” Binaba niya yung hood ng jacket niya at hinampas ako sa balikat.

“Tingin mo sa’kin? Multo?” Tumango ako kaya nakatanggap ako ng malakas na hampas mula sa kaniya.


“Aray, ang sakit ah! Hindi ako bola para i-spike mo.” Napahawak ako sa balikat ko na hinampas niya, grabe to. Porket spiker rin siya tulad ko, lakas manghampas.

“Ay, sorry ah. Akala ko kasi bola.” Tinarayan niya ako bago naglakad palayo.


Natawa na lang ako bago tumakbo para sundan si Ranzi. Ang bilis niya talaga magtampo, para siyang jowa na gusto ng suyo eh.

“Ano raw pag-uusapan natin nila Coach?” Naglalakad kami papunta sa building namin.


“Malay ko, ako ba si Coach?” Napa-
simangot ako nang nakatanggap ako ng pilosopong sagot mula sa kanya.


Habang naglalakad kami ni Ranzi sa corridor papunta sa kabilang building, nakita ko si Ash Lee sa di kalayuan.

Lumabas siya ng library na may hawak na makapal na libro. ‘Aga niya mag-advance study ah?’

Sipag niya pero ma-attitude talaga siya. Ayaw niya ng magulo, ewan ko ba, mainit ulo niyan palagi.

Pinaglihi siguro sa sama ng loob, magandang sama ng loob, ganun.
Tama lang naman siyang maging presidente ng campus.


Kilala ko na siya since kindergarten dahil pareho kami ng pinapasukan at naging student council president rin siya nung high school.

Bossy rin siya kaya siguro takot mga members niya sa kanya.

“Smith.” Napatigil kami ni Ranzi sa paglalakad ng biglang akong tawagin ni Miss President.

Napalunok ako bago tumingin kay Ranzi na nakatingin kay Ash Lee. Bigla akong siniko ni Ranzi kaya napatingin din ako kay Ash Lee.

Ang Masungit Na President (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon