ASH LEE’S POINT OF VIEW
Nakarating ako sa campus ng around 5:40am. Kaunti palang ang mga student kaya hindi siksikan dito sa gate.
“Good morning, Miss Pres.” Tumingin ako kay Kuya guard na joyful na bumati sa’kin.
“Morning.” Chineck ni Kuyang guard yung I.D ko at pumasok na ako. Dumiretso ako agad sa hall papunta sa library dahil may hihiramin akong libro.
Pagdating sa library ay agad akong pumunta sa librarian para ibigay ang library card ko.
“Aga, Miss Ash Lee ah?” Ngumisi yung student na nasa librarian counter pero tinignan ko lang siya.
“Just take it. Babalik ko naman tong libro.” Umalis na ako pagkatapos kong sabihin yun at dumiretso ako sa mga bookshelf, naglakad-lakad ako papunta sa dulong part ng library.
Tumingin ako sa mga biology book na mga nandito dahil nasa mood ako magbasa about sa anatomy. Kahit malayo sa course ko binabasa ko pa rin, basta anything regarding
academics.Habang nagtitingin-tingin ako ng mga book, bigla namang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa taong yun.
“Sabi ko na eh, makikita kita dito.”
Tinaasan ko ng kilay si Henry na nakangiti sa akin na parang manyak.
‘Ew.’“Excuse me?” Tinignan ko yung kamay niya na nasa braso ko at tinapik ko ito.
“Oh, c’mon Ash, ayaw mo ba talaga sa’kin?” Tinignan ko yung kamay niya na nasa braso ko at tinapik ko ito.
“Oh, c’mon Ash, ayaw mo ba talaga sa’kin?” Ngumisi ako at tinarayan ko siya.
“Oh please, I have standards, at wala akong pakialam sayo.” Natawa siya sa sinabi ko. Nice, ginawang joke yung totoong sinabi ko.
“Oh, my dear Ash. Sa dinami-dami ng nagkakagusto sa’kin, tapos ikaw? Hindi ka man lang matablan ng charm ko.” Tinignan ko siya na parang nandidiri.
“Do I look that stupid para magustuhan ka? No way, wala nga akong pakialam sayo.” Hinawi nya yung buhok niya kaya inirapan ko siya. Papa-gwapo pa sa harap ko hindi naman gwapo.
“Hay nako, Ash. Ako na nga tong lumalapit sayo bakit ba ayaw mo?”
Natawa ako ng sarcastic sa kanya ng sabihin yun. ‘Ay wow? Am I supposed to be grateful?’“You’re wasting my time with this nonsensical talk. Umalis ka nga dyan.”
Tinulak ko siya at kinuha ang libro na nahanap ko na kanina. Umalis na ako at iniwan ko siya doon.Lumabas na ako ng library at nag
lakad paalis. Bigla naman akong napatingin kay Alexis na hindi kalayuan sa kinaroroonan ko.
Napatingin ako sa sapatos niyang hindi naka-ayos ang sintas.“Smith.” Napatigil sa paglalakad si Ranzi nang marinig niya yung boses ko.
Tumingin siya sa’kin kaya sumenyas ako na tawagin si Alexis. Siniko naman niya si Alexis at tumingin ito sa’kin bago tumingin sa paligid na para bang hinahanap kung iba bang Smith yung tinawag ko. ‘Stupid.’
“Stupid, wala naman atang ibang Smith na nasa corridor na to.” Napa-
ngiwi siya sa sinabi ko.“Bakit po, Miss President?” Tinignan ko yung sapatos niya.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Na President (UNDER REVISION)
Romance"We come to love not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly." - Sam Keen More frequently than not, two people are attracted to each other in the opposite way. Alexis, a top volleyball player, had a major cr...