CHAPTER 1: SMITH

25.1K 508 168
                                    

ALEXIS POINT OF VIEW


“Alexis! Bumangon ka na dyan, umaga na!” Habang nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko ay naririnig ko ang mala-naiinis na tawag ni Mama.


“Bwisit ka, bumangon ka na diyan! Hirap-hirap mong gisingin tuwing umaga na lang.” Hinila ni Mama ang kumot ko kaya naramdaman ko yung lamig na nagmumula sa aircon.


“Ma... Shhh...”

Agad ko namang pinagsisihan ang mga salitang lumabas sa bibig ko, dahil bigla akong nawindang sa isang malakas at nakakagulat na tunog mula sa kalderong nahulog sa sahig. Lubos na nagising ang diwa ko kaya napaupo ako at napahawak sa dibdib ko.


Mabilis ang tibok ng puso ko dahil naalipungatan ako sa gulat. Tinignan ko kaagad si Mama na nasa gilid habang nakataas ang kilay.

“Ma! Nagulat naman ako, grabe ka sa’kin aatakihin ako sa puso niyan eh.” Tinarayan ako ni Mama nang magreklamo ako sa kanya.


“Aba, ano? Palagi ka na lang ba aasa sa’kin Alexis, ang tanda mo na hindi ka pa rin magkusang gumising nang mag-isa.” Napasimangot ako dahil sa sagot ni Mama.

Palagi talaga akong nakakatikim ng ratrat na parang machine gun kay Mama eh. Eto na ata talaga yung alarm clock ko tuwing umaga.

“Simula bukas, bahala ka na sa buhay mo. Mag-alarm ka ng marami kung ayaw mo ma-late. Aga-aga umiinit ulo ko sayong bata ka eh.” Napakamot na lang ako ng ulo noong nagwalk-out si Mama.

“Ano pa bang bago Alexis?”Bumangon na ako pagkatapos kong itanong yun sa sarili ko.

‘Tama naman kasi, ano pa bang bago?’
Palagi naman si Mama ganyan, pero in the end ginigising niya pa rin ako. Mahal ako ni Mama eh, kaya kahit mainit ulo niya sa’kin, caring pa rin siya.

Aminin niyo, ganyan rin mga nanay niyo. Kahit gaano pa sila magalit at kahit gaano pa katigas ang ulo natin, mahal pa rin tayo ng mga parents natin, kaya ikaw? Magpakabait ka na sa parents mo. Be grateful that you have parents like them.

Pagkatapos ko maligo ay nagpalit na ako ng uniform namin. Inilagay ko na yung jersey ko sa bag and nagbaon na din ako ng extra clothes. Just in case magtraining kami ngayon, minsan kasi ganun si Coach kahit first day.

Kailangan rin kasi maguniform dahil strict na ang bagong President ng University, knowing her super strict and perfectionist siyang tao. Gusto niya ang masunurin kaya kailangan talaga sumunod sa patakaran ng school. Ang sungit talaga nun, akala mo sinong Boss.


Nagtali na ako ng buhok habang nakatapat sa salamin. Laging ganito yung hairstyle ko, high bun, dahil mainit lalo na’t athlete ako. Pawisin at laging haggard pero pogi ang itsura ko, hangin self, pwede na magkatornado.

Kanina pa ako dumadaldal dito sa inyo, tapos hindi niyo pa ako totally kilala. Wag ganun. Okay!

Let me introduce myself. I’m Alexis Kai Smith, 20 years old born on 28th of December. I’m a 3rd year college student, and currently taking business administration as my course.

‘Bakit nga ba ako nag business Administration?’

Hindi ko rin alam eh, siguro dahil bata pa lang ako gusto ko nang mag-take over sa company ni Dad. Hangang-hanga kasi ako sa kanya, he’s the kind of guy who’s every woman’s dream kasi and for me, he’s my superhero.

Ang Masungit Na President (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon