☕SHIN RYUJIN☕
"CONGRATULATIONS, RYUJIN!!!!" they all shouted as I entered the bar.
"Thank You so much guys! Thank you for coming!" I replied. I hate long messages kaya iyon lang sinabi ko at hindi na nagspeech pa saka nagtungo na ako sa kung nasaan ang mga girls.
"Congratulations, Ryujin eonni! Grabe nakaka-proud ka talaga!" bungad ni Yuna ng makaupo ako sa pa-circle na couch.
"Thanks!" nakangiting sagot ko.
"Wala pa ba ang mga boys?" tanong ko sabay hablot ng isang baso at sumipsip ng kunti.
"Wala pa eh. Ewan rin ba't ang tagal." sagot ni Chaeryoung sabay shrugged.
"Oyy, bakit mo tinatanong? Excited ka makasama yung isa don no?" kantyaw ni Lia kaya natigilan ako at nagkatinginan kami ni Yeji. Yeji just pressed her lips together and averted her gaze away.
"Tigilan nyo nga ako." wika ko nalang at nagtawanan sila.
"Ano na nga pala balita doon sa Just Light mo eonni?" tanong naman ni Yuna.
I just shrugged.
"Di pa rin kayo magkakilala?" tanong ni Chaeryoung pa.
"Mamaya magkakakilala na sila." nakangising wika naman ni Yeji kaya napairap nalang ako sa kanya.
"Wee? Pupunta sya dito? Oh my!" excited na wika ni Lia.
"Di nyo ikakatuwa ang pagkikilala nila sa isa't isa. Sinasabi ko sa inyo." natatawang wika ni Yeji kaya napa-smirk nalang at nailing.
"Ano ibig mong sabihin mo eonni? Don't tell me kilala mo na yun?" tanong ni Yuna.
Yeji just shrugged kaya napailing nalang ulit ako.
Napatingin naman ang lahat saakin kaya binigyan ko nalang sila ng isang smirk na syang ikinainis nila dahil excited daw silang malaman kung sino. Mga ulol talaga!
"Hi, girls!"
Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko ang mga lalaki. Puro sila fresh tingnan at ang gaganda ng ngiti maliban doon sa isa na ang bugnutin tingnan.
"You came!" bungad ko sa kanila.
"Of course. Sorry lang kung medyo na late kami noona. Si Yeonjun hyung kasi bagal kumilos. Halos kaladkarin na namin." paliwanag ni Kai.
Napatingin naman ako kay Yeonjun na tinaasan ng kilay si Kai.
Nginitian ko nalang sila. "That's fine."
Naupo na sila sa couch at kumuha ng mga inumin nila sa mesa.
"Congrats nga pala, Ryujin. Grabe ubos na talaga bilib namin sa'yo." wika ni Soobin kaya napatawa lang ako.
"Oo nga, congrats noona! Idol na talaga kita!" wika naman ni Taehyun.
"Congrats noona!" bati ni Kai.
"Congrats Ryujin. Master talaga! Nasa iyo na talaga ang lahat. " wika naman ni Beomgyu.
"Ano ba kayo! Easy lang non eh. Ako pa." I joked at nagtawanan kami.
"Congrats."
Napahinto kaming lahat nang magsalita si Yeonjun. Seryosong nakatingin lang siya saakin.
Bigla naman akong kinabahan. Feeling ko ang dami-dami kong kasalanan sa kanya. Naguguilty ako sa mga ginawa ko sa kanya. Pero that's enough. Itatama ko ang lahat ng iyon ngayong gabi.
"Thanks." sagot ko at nginitian sya. As much as I tried to smile in a normal way ay isang awkward smile pa rin ang lumabas.
"At dahil sa pagkapanalo ni Ryujin, cheers!" sigaw ni Yeji kaya nalift up ulit ang atmosphere at balik sa saya naman.
BINABASA MO ANG
coffee & chill ¦ ryujun
Фанфикшнwherein two people who parted ways found each other again without realizing it. ⚘ ryujun au ⚘ taglish ⚘ 032520 - 033120
