43rd

104 7 0
                                        

SHIN RYUJIN ☕

Bumalik na ako sa loob habang sinusuot ng maayos ang jacket. Pagkapasok ko ay bumalik na ako sa table namin at nakita ko na nandoon na ang tatlong girls. Hindi ko naman mahagilap kung nasaan ang mga lalaki. Baka nagsiuwian na.

"Saan ka galing, Ryu?" tanong ni Chaeryoung ng makaupo ako.

"Nag-usap na kayo, Ryu?" tanong naman ni Yeji.

"We already did." sagot ko saka nginitian sila.

"Nino? Ba't wala kaming alam?" tanong naman ni Chaeryoung.

"Ni Just Light ba? Nagkita na kayo? Nagkausap? Nasaan sya? At wait.... kung tama ang pagkakaalala ko ay kay Yeonjun yang jacket diba?" sunod-sunod na tanong ni Lia.

Napabuntong-hininga nalang ako saka napatango.

"Oo. Just Light is Yeonjun." I confessed.

"ANO?!" gulat na tanong ng dalawa.

"Pero teka.... Paano?" tanong ni Chaeryoung.

"I don't know. Tadhana, maybe?" I shrugged saka uminom.

"Oh, ano naman sabi ni Yeonjun?" tanong ni Yeji.

"Wala. He didn't said anything. And besides I'm not seeking for it, ma-explain ko lang ang lahat ay okay na ako." sagot ko. Napahagod naman si Lia sa likod ko kaya napangiti ako.

"Okay ka lang, Ryu?" tanong ni Lia.

Tumango lang ako saka uminom ulit.

Ewan? Bakit ganito? Nasabi ko na naman sa kanya ang dapat linawin ko. Dapat makakahinga na ako. Dapat gagaan na kalooban ko. Pero bakit parang napakabigat?

Ilang minuto pa kami nag-stay doon bago naisipang umuwi. Pagkarating ko sa dorm ay agad na nagpaalam si Lia na matutulog na. Hindi ko na sya pinansin at dumeretso ako sa kusina namin.

Without having my full consciousness ay gumagawa na pala ako ng Dalgona Coffee na itinuro ni Yeonjun saakin.

Napaupo naman ako sa upuan sa mesa at napatingin sa cellphone ko. Sa profile nyang Just Light na hindi na nakamatch saakin.

"Sabi mo gagawan mo pa ako ng Dalgona Coffee kapag nagmeet tayo. Malabo na ata yun..." bulong ko sa sarili ko.

Tinitigan ko naman ang picture na nilagay nya doon. Medyo blurry nga at hindi masyado kita ang mukha pero ngayon ko lang naisip nga siyang-siya nga ito.

Kaya rin pala niya sinabing may kilala syang isang taong pink ang buhok dahil ako pala yun noon. Tas sa mga sinasabi nyang may isang tao syang naaalala kapag nagkukwento ako sa kanya, yun pala ako yun dahil nakuwento ko ang mga iyon noon. Hindi man lang ako nagtaka. Ang tanga ko.

Kung di rin lang kasi ako siniraan ni Yerin Wang eh di mangyayari ang lahat ng ito!

[FLASHBACK]

Nandito na kami sa JYP Academy. Dito gaganapin ang annual tournament ng chess. Sayang nga lang at kami lang players ang nandito na taga BHL High at ang mga nanonood saamin ay taga JYPA lang, hindi tuloy makapanood mga kaibigan ko. Pero okay lang yun. Ipapanalo ko pa rin to para sa kanila.

"Coach Namjoon. Sino po ba ang unang maglalaro saamin?" tanong ni Felix na syang ka team ko sa Rookie Guild.

"Since there are 4 sets and two players each team. Sa first set ikaw Felix at Yujin, sa second naman si Yerin at Daewhi, third set kayo Yedam at Junkyu, and 4th set kayong ace, Yohan and Ryujin. Ipanalo natin 'to ah? Yohan, Ryujin? Wag nyong bibiguin ang BHL High. Clear?" wika ni Coach at napatango lang kami.

coffee & chill ¦ ryujunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon