☕ SHIN RYUJIN ☕
Napabuntong-hininga ulit ako habang nakatitig sa spaghetti ko. Natatakam ako tingnan actually pero wala akong gana. Ewan, di ko maintindihan ang sarili ko.
"Okay ka lang Ryujin eonni?" tanong ni Yuna kaya napahinto ako at napatingin sa kanila. Nakatingin silang lahat saakin at halatang nag-aalala.
"Ah.. Oo okay lang ako." sagot ko saka sumubo na ng spaghetti ko.
"Pero grabe. Di talaga ako makapaniwala. Grabe ang tadhana. Talagang pinaglalaruan kayo eonni." pahayag ni Yuna. Napatango naman ako.
"Maybe it happened para bigyan ako ng chance na maipaliwanag ang lahat." I shrugged.
"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ulit, Ryu? It's been a week already." tanong ni Yeji.
Umiling naman ako. "Sa totoo lang iniiwasan ko na nga sya eh."
"Bakit naman?" tanong ni Lia.
"Wala. Uhm.. moving on?" I shrugged at kita kong napailing sila.
"Eh hindi pa nga kayo nag-uusap ulit eh." kontra ni Chaeryoung.
"Wala na namang dapat pag-usapan eh. It was cleared already. Wala na. At tanggap ko na. I won't fight or chase him anymore. I don't deserve to beg cause it was me who caused him pain afterall." wika ko at napabuntong-hininga naman sila.
"But won't it better kung at least aamin ka sa kanya? To have that inner peace?" tanong ni Lia.
Napailing ulit ako. "There's no need. Some things are better left untold."
"Sure ka bang okay ka lang don, Ryu?" tanong ni Yeji.
"Oo naman. Diba sabi ko whatever is the consequences ay tatanggapin ko? Di ako weakshit no!" sagot ko at bahagyang napatawa naman sila.
"Yan. Balik ka na naman sa sarili mo, Ryujin. Di tulad nong kanina na matutunaw nalang spaghetti mo sa sobrang titig mo." natatawang wika ni Lia kaya napatawa na lang rin ako.
"Excuse me girls, pwede kaming makishare ng table at makisali sa tawanan nyo?"
Napalingon kami sa gilid at nakita namin ang limang lalaki na ang laki ng mga ngiti. Maliban na naman sa isa na nakapoker face lang.
"Sure." sagot ni Yeji.
"Yun, thanks!" pasalamat ni Beomgyu at nagsiupuan na sila sa tabi namin.
Napatingin naman ako kay Yeonjun na nakatingin rin saakin bago maupo. Agad akong napaiwas at kinuha ang cellphone ko at nagbusy-busyhan.
"Ano pinag-uusapan nyo?" tanong ni Kai.
"Some random stuffs." sagot ni Yuna.
Napapasulyap naman ako kay Yeonjun at kita kong napapatingin siya saakin. Ewan, naiilang ako. Hindi ko kaya 'to. Hindi ko talaga kayang kasama siya. Hindi pa sa ngayon.
Agad naman akong napatayo dahilan para maagaw ko ang atensyon nila at mapatingin silang lahat saakin.
"Oh, Ryujin noona? May problema ba?" tanong ni Kai kaya napaiwas naman ako ng tingin sa kanila.
"Ah.." Ano ba sasabihin ko?
Napatingin naman ako sa cellphone na hawak ko kaya medyo itinaas ko ito. "Pinapapunta ako ni coach."
"Ayy ganon ba, sayang. Di pa naman tayo masyado nagkakakwentuhan dito oh." wika ni Beomgyu.
"Sa susunod nalang. Sige mauna na ako. Enjoy your lunch. Excuse me." wika ko at nagmadali na akong umalis.
BINABASA MO ANG
coffee & chill ¦ ryujun
Fanfictionwherein two people who parted ways found each other again without realizing it. ⚘ ryujun au ⚘ taglish ⚘ 032520 - 033120
