Chapter Seventeen: Friendship Over

221 4 76
                                    


LULU

Ano nga ba ang pagkakaintindi ko sa 'Friendship?'
Madami akong naging kaibigan mula sa dati kong mga school pati narin sa ibang lugar na napuntahan ko. Masasabi kong pede mong kaibiganin ang mga taong dumaan sa buhay mo.

Pero ang tunay na kaibigan ay yung taong palaging nandyan sa lungkot at saya na pinag-daanan mo, yung taong papatawanin ka sa gitna ng problema mo, yung taong handa kang pakinggan sa mga hinaing mo sa buhay. Best example is my Bestfriend Jesselin.

She's not my bestfriend for nothing. Jesselin knows all of my secrets, she knows all of my sorrows, all of my flaws kahit nga kiliti ko sa katawan ay alam din nya. Even my favorites alam din nya as in lahat ay wala akong tinago sa kanya at ganoon din sya sakin. We treat each other as true sisters.

Well, for Shiro naman hindi ko sya masasabing Bestfriend ko but he's my good friend. Madami pa kong hindi alam sa kanya at ganoon din sya sakin. Pero bakit ngayon ay nagpaparamdam sya ng kakaiba sakin? Yung pakiramdam na hindi ko dapat maramdaman sa kaibigan ko lang?

Napailing nalang ako, imposible ang iniisip ko dahil una sa lahat ay hindi nya ako type. I'm not smart like his ideal type but I can be Elegant. Wtf I'm even thinking?! Lulu, mahal mo si Dylan okay? Sya lang dapat ang iniisip mo!

"Lulu here!" nakita ko ang pagkaway ni Ruby kaya naman tumungo ako sa table nya.

"Sorry nalate ako medyo traffic kasi" agad kong sabi sa kanya paglapit ko sa table nya. Malapit-lapit ang shop na ito mula sa bahay pero need pa din sumakay para makapunta dito.

Umiling lang si Ruby.

"It's fine Lulu, have a seat" kaya naman umupo ako sa upuan sa tapat nya. Napatingin ako sa paligid namin at halos lahat ng nasa shop ay nakatingin sa table namin.

"Ang ganda ganda naman nya! Model ba sya?"

"Right! She's Ruby! The model of Chanel!"

"Really? Kaya pala familiar sya! Nakita ko ang billboard nya sa New York!"

"Ang ganda ganda nya sa personal! Ang swerte natin at nakita natin sya!"

Ang iba naman ay kinukuhanan ng litrato si Ruby, she's really popular like Kuya Kevin na kahit saan magpunta ay talagang may makakakilala sa kanya.

Nag-order naman ako ng Blueberry Cheesecake Milktea since ito daw ang best seller sa shop na ito. Napatingin ako sa kabuuan ng shop. Maaliwas dito at ang ganda ng ambiance. Simple lang ang design ng shop pero malaki ang space nila.

Matagal na naming pinaplano nila Bessie, Ivy at Joy na magpunta sa XOXO which is pangalan ng shop na ito. Sikat kasi ang shop na ito kahit na kakabukas lang nila few weeks ago.

Napukol naman ang tingin ko kay Ruby na iniinom ang lemonade nya. Hindi alintana sa kanya ang pagkuha ng pictures ng mga tao sa paligid namin. Para ngang gustong-gusto nya pa iyon at mukhang sanay na sanay sya sa atensyong nakukuha nya.

"Ang ganda ganda rin ng babaeng kasama ni Ruby!"

"Oo nga! Baka parehas silang model!"

Napayuko naman ako sa narinig ko at napansin kong parang naibuga ng kaunti ni Ruby ang iniinom nya.

"Here tissue!" agad kong abot sa kanya ng tissue sa may table na agad nya namang kinuha at marahan na ipinunas sa bibig nya.

"Thanks for that Lulu" tumikhim sya at nakangiting tumingin sakin.

"So, let's plan" napakunot ang noo ko.

Prettyboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon