Chapter 16

191 12 0
                                    

AMELIA P.O.V

Sakay sakay ako ngayon ng karwahe kasama si Yessa na sobrang daldal pero hindi ko na pinapansin dahil may kasalanan nga sya saakin.

Ngayon ang alis namin para sa Hunting hunting nayun sa forest pero wala akong pake!

Nakatingin ako sa bukas na bintana ng karwahe at nakatingin ng masama kay Hayden na sakay ng Itim na kabayo. Tsk.

"ARGHHH!" pinadyak ko yung paa ko, nagulat naman si Yessa kaya inirapan ko din sya.

Naalala ko na naman ang nangyari noong isang araw, Ang bwst na Hayden! May araw talaga sya saakin!

"....Gawin mo akong Kasintahan, Hayden" nakita ko ang paglakbay ng gulat sa mukha nya kaya ngumuti ako ng malapad.

"Ano? Ulitin mo nga, Melina" walang ekspresyon na sabi nito

"Hindi ko inuulit ang sinasabi ko, Hayden" It takes Courage kaya! At alam ko naman na narinig nya ako.

"Kung ganun bumalik kana sa kw...."

"Gawin mo akong Kasintahan" putol ko sa sinabi nito pero binalingan ulit nya ako na para bang wala syang narinig.

"Wala akong narinig na sinabi mo, Melina, Pumunta kana sa Kwarto mo" sabi nito pero kinunutan ko lang sya ng tingin. Ano sa tingin nya ang ginagwa nya?

"Alam kong nari...."

"Binibigyan kita ng pagkakataon para bawiin ang sinabi mo Melina" bakas sa boses nya ang irita, Sya pa ang may ganang mairita ha!

"Hindi ko babawiin yun Hayd...." Arghhh bat ang hilig nyang mamutol?!

"Wala. Kang. Sinabi. Melina, Good morning" yumuko ito bago ako tinalikuran pero nakita ko pa ang pagpula ng tenga nya.

Kinuha ko ang unan nya sa kama at walang pag aalinlangan na tinapon ko sa kanya yun pero nakaiwas ito. Arghhh!

"EDI WAG!" malakas ko na isinirado ang pinto nya pero hindi malakas ang tunog na nalikha. Bwst sya! Nakakhiya kaya!

Binuksan ko ulit yun nakita ko pa syang nakatingin sa pinto habang nakakunot ang noo, Mabilis ko binalibag ang pinto na nag likha ng malakas na tunog. HE DESERVES IT!

Napahalumbaba ako sa karwahe dahil medyo naging rough na ang daanan.

"Grabe ang taw...." Pinilig ko ang ulo ko papunta kay Yessa. Ang ingay ingay nya kasi mula kanina pa! Hindi ba nauubusan ng laway to?

"Tumahimik ka nga" inirapan naman nya ako.

"Ayy badmood?" Wala kasi dito sa karwahe namin si April dahil nandun sya sa kabila, You know para lang to sa mga Prinsesa Kuno.

Amelia, The tuned in PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon