Chapter 18

301 18 5
                                    

AMELIA P.O.V

Hawak hawak ko ng mahigpit yung panyo na tinahi ko habang hinihintay si Hayden na lumapit saakin.

"Nervous?" Kanina pa tong batang to sa pagtutukso saakin ha!

"Tumahimik ka dyan, Kung hindi babatohin kita" banta ko dito nag sign naman ito natatahimik na. Good.

"Ano ba yang tinahi mo? Bat di mo pinapakita saamin?" Tanong ni Yessa kaya inirapan ko lang sya, Exclusive for Hayden lang to no. Medyo tinupi ko yun para hindi makita ng iba.

"Nandyan na si Prince Hayden" bulong ni April saakin at ngumuso sa kabilang dako kaya napabaling ako dun, at puteks nag slow mo sya! habang nakasakay sa isang itim na kabayo, Nakalugay ang buhok na itim na itim habang sout ang mga nakakasilaw na gintong equipments nito.

Lumapit ito saamin habang nakatingin saakin, SAAKIN! aishh napaiwas ako ng tingin nang tumama sa palubog na sinag ng araw ang berdeng mata nya.

"Melina.." bumaba ito sa kabayo nya at naglakad papunta saamin, nang makalapit na sya saamin binati kaagad sya ni April at ng kapatid nya habang ako naman ay naiwang tulala sa gwapong mukha nya.

"A-h eh..." Stop stuttering you FOOL!

Tumikhim muna ako at tinaasan sya ng noo at inirapan sya. May kasalanan sya sayo, Remember?!

"Dahil wala akong choice ay ginawan na kita" sabi ko at nilahad ang gawa ko sa kanya. Sumilay ang ngiti nito na bigla namang nawala.

"Okay then" kinuha nito ang panyo at binuklat sa harapan ko mabilis naman akong pinamulahan ng mukha, Dahil shit nakakahiya lang!

"Ano ito, Melina?" Sumimangot ang mukha ko at namula dahil sa hiya, Goosh naman Hayden no need to ask me that!

"Pinaghirapan ko yan tapos tatanugin mo ako kung ano yan?!" Naiinis na sabi ko sakanya. Arrggh. Okay fine kahit ako sa posisyon nya hindi ko rin alam kung ano yan.

"Sinisigurado ko lang kung ito ba talaga ang nasa isip ko" mahabang lintaya nya kaya umirap ako, nakakunot ang noo nito saakin

Ba't mukhang problematic pa sya sa design ko kesa kung ano yun!

"Ano bang na sa isip mo?" Hamon ko dito.

"It's a donke --" napatampal ako sa noo ko.

"Its a round HANDKERCHIEF, HAYDEN! A ROUND HANDKERCHIEF WITH AN EYE AT THE CENTER!" naiinis na sabi ko, DONKEY?! for Pete's sake ang layo sa donkey yan!

"I know, I know!" Tinaas ni Yessa ang kamay nya, Hay buti pa si Yessa

"It's a hors --" Say what?!

"IT'S NOT!" naiinis na sabi ko, Come to think of it, Pabilog ang shape ng panyo tapos may circle na mata sa gitna!

"Then just tell me" bumuntong hininga si Hayden at hinilot ang noo nya, Naiinis ba sya?! Ako dapat ang maiinis sa kanya dahil hindi nya ma-gets kung ano ba yun!

"Bakit?" Naiinis na tanong ko at binawi ang panyo ko at tinignan iyon ng maayos, mukhang cyclops naman ha?!

"I just dont get it....." Pinikit ko ang mata ko at kinalma ang sarili ko, Marami akong sugat sa daliri dahil nga for only four hours lang ang ibinigay na time saamin then sasabihin nya na hindi nya gets?!

Amelia, The tuned in PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon