Chapter 8

320 22 1
                                    

Amelia P.O.V


"Ang akala ko po kasi maliligo lang po sya pero ilang oras na pero hindi parin sya lumalabas"

"Melina" unti unti kong minulat ang mata ko nang maramdaman ko ang mahinang tapik sa pisngi ko.

Pagmulat ko ay bumungad saakin ang pamilyar na mga mata. Hayden.

Mabilis akong bumangon at inaayos ang pagkakatayo ko. Gooshh tulo laway pa siguro ako. Pasimple kong pinunasan ang pisnge ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at tingnan sya.

"Ako dapat ang nagtatanong sayo nyan bakit dito ka natulog?" Balik tanong nito saakin kahit nagtataka ay luminga linga ako.

Aishh. Napatampal nalang ako nang noo, Nandito pala ako sa Cr!

"Nakalimutan ko" sagot ko at binalingan ang pinto ko at sa sobramg gulat ko ay napaawang nalang ang labi ko

"SINONG SUMIRA NANG PINTO KO APRIL!?" tanong ko kay April na nasa harapan nang pinto, naging malikot naman ang mata nito.

Napalingon ako sa Prinsipeng printeng nakatayo habang nakataas ang kilay.

"Sa susunod kasi wag sa palikuran matulog" sagot naman nito kaya di makapaniwang tingin ang binigay ko dito pero nag kibit balikat lang ito.

"Ang sabi ko sayo wag kang umiyak" sabi nya bago nag lakad papuntang pinto.

"Mag bihis kana at mag uusap tayo pagkatapos" tumango naman ako bago sya umalis.

Nag patulong na ako kay April sa pagbibihis dahil marami talagang Garments sa pagsosout nang punyetang damit na to.

Nang matapos kami ay lumabas na ako, Hindi na ako nagulat nang makita ko itong nakaupo sa Balkonahe nang kwarto ko.

"Ano na?" Tanong ko at umupo sa harapan nya.

"Mag hahanda lang po ako nang meryenda, Ano po ang sa inyo Crown prince? Young lady?" Tanong ni April nang may maalala ako.

"Wag na ako April ito nalang ang Crown Prince" turo ko sa Crown prince na prenteng nakaupo.

Tumaas ang kilay nito bago sinabi ang gusto nya.

"P-pero young lady hindi kapa po kumakain mula kanina" sagot ni April pero sinamaan ko lang ito nang tingin.

"May nag sabi saakin na BABOY na ako April kaya hindi ako kakain" sabi ko habang nakatingin sa Prinsipe, Tumaas ang dalawang kilay nito bago uminom nang chaa.

"Sinabi ko bang baboy? Kumain kana nga, Biro lang yun" sagot nya kaya naman sinamaan ko ito nang tingin.

At talagang! Hindi ba nya alam na hindi maganda mag biro sa mga babae nang ganun?!

"Bakit may ice cream ba dito na rocky road ang flavor? May pizza ba dito?! Ha?!" Nang nangunot lang ang noo nila ni April ay bumuntong hininga nalang ako. Gusto ko nang kumain nang pagkaing tao!

"Kape nalang April" sabi ko kaya dismayadong umalis si April.

"Diretsohin mo nga ako Hayden, Bakit nyo ako dinala dito?" Tanong ko pero mukhang nagulat naman ito nang tinawag ko ito sa pangalan nya. Eh ano naman?

Amelia, The tuned in PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon