Chapter 7

339 26 0
                                    

Amelia P.O.V

"Ano ka ba April!" Hinila ko ang kamay ko na hinihila nya din, Ano ba ang problema ng babaeng to?

"Y-young lady, Mapapagalitan ako nito eh" sabi nito at hinila ulit ang kamay ko.

"O kaya ay maparusahan ng k-kamatayan" Natigilan naman si April sa sinabi nya. Arghh. Napatampal nalang ako sa noo ko.

Sya lang naman ang tumatakot sa sasarili nya eh.

"Ano ka ba?! Wag ka ngang mag isip nang ganyan!" Ano ba ang iniisip nang babaeng to, Ang sabi ko kasi sa kanya na dalhin nya ako sa Ilog na alam nya pero ayun nag hysterical!

I mean, Mainit dito, walang electricity! Napag planuhan ko na mamasyal at ayon kay April maganda ang ilog sa likod nang Kaharian ng Elbanian then nang sabihan ko na gusto kong pumunta dun bigla nalang sya naging ganito.

"Ikaw nag sabi saakin na maganda dun ha? Tapos pipigilan mo ako" sabi ko, umiiling iling naman ito at maiiyak na.

Hay naku naman Apriiilll.

"A-ako nga po nag sabi pero hindi ko po alam na pupuntahan mo po yun, Young lady naman ehh" sagot nito, Natawa naman ako sa mukha nito, ano bang babaeng to.

"Ganito nalang... Hmmm" Nag isip muna ako nang paraan ko para mapapayag ko tong si April.

"Bawal ka nga pong umalis dito, yun ang bilin nang Emperor at Empress bago sila nag lakbay papuntang Sera" paliwanag nito kaya naman tumango tango ako na para bang naiitindahan ko.

Pero wala akong pake bakit nanay at tatay ko ba sila, okay lang sana kung si Daddy eh.

"Wala naman sila diba?" Udyok ko, Nanlaki ang mata nito.

"Hindi nila malalaman yun, Sige na. Babalik kaagad ako" sabi ko.

"Pupunta dito ang katulong mamaya para mag hatid nang pagkain mo po, kapag.. kapag malaman nila na wala po kayo dito magsusumbong sila" napabuga ako nang hangin.

Ano ba yan ang gusto ko lang naman ang mamasyal, napahiga ako sa kama at nag isip isip nang may maisip ay agad agad akong bumangon.

"Mag panggap ka na ako, Humiga ka dito" maiiyak iyak ito na sumunod saakin kaya naman napatawa ako.

Ang kulit naman ni April! Eh mag kasing edad lang naman kami.

"B-balik ka po agad" Nag paalam na kaagad ako sa kanya pero pag bukas ko nang pinto ay nagulat ako na.....

WALANG KNIGHTS! OHHHYAAAH!

Nag tatakbo kaagad ako pero napapatigil din kapag nakakakita ako nang mga picture frame sa Wall.

Wooow mas malaki ata ang kingdom nila saamin eh, napatigil ako sa isang frame na isang boung pamilya.

Lima silang lahat ang nandun at ang umgaw talaga nang pansin ko ay ang Crown prince, agaw pansin ang kagwapuhan nito haysst.

Wait lima sila, May dalawang babae na katabi ang hari I guessed may crown Kasi, tapos sa ilalim nakaupo ang Crown Prince at isang batang lalaki na 15 y/o siguro. Wait dalawang babae? Kabit? Well hindi naman nakakagulat yan talaga ang aasahan mo sa mga hari eh.

Amelia, The tuned in PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon