A R I A . S .
"Alam niyo? Mas magandang magsalita kaysa tumingin lang," sabi ko nang mapansin na kanina pa sila sumusulyap sa akin.
"Ayos ka na ba?"
"Yeah."
"Wala kang dinadama?"
"None."
"Sure ka?"
"Yeah."
"Ayos na talaga siya kuya..." napailing nalang ako sa binulong ni Brielle.
Pagkatapos naming kumain, pumunta kaming tatlo sa living room. Gaya ng nakagawian, kaniya-kaniya kaming buhay. Si kuya nagp-ps4, si Brielle scrabble ulit, tapos ako reading different articles sa phone ko.
Ayos na 'to, walang nagsasalita sa amin. They know how I hate talking. Pansin ko nga lang na iwas sa akin si kuya. Psh, natakot ko ata kahapon? Ang daldal kasi, tinignan ko lang naman 'e. Simple lang naman ng tingin ko di'ba?
"Huh?" sabay kaming napatingin ni kuya kay Brielle.
"Nagmessage sa akin si Ryu," hearing his name makes me sick, pwe.
"Ryu? Transferee niyo 'yan diba?"
"Yeah. He messaged me about Aria. Sabi niya-"
"Tell him that I don't want to hear anything from him," I said and went to my room. Rinig ko namang tinatawag nila ako pero binalewala ko nalang ito.
This is the most hectic situation I've ever experienced. Hindi ko na-imagine na mangyayari 'to nang dahil sa isang buwisit.
Kung noong isang araw, sobra ang konsensiya ko, ngayon wala na. Ang sarap bawiin ng mga pinagsasasabi ko dati na nakokonsensiya ako sa nangyari kay Ryu. Buti nalang tinapunan ko siya.
Nadumihan naman pangalan mo.
Yeah right.
[1 new message from Jilly Anne]
open|closeJilly Anne
09*********tuloy?
oo
asaan ka na?
nasa bahay palang, hehe
diyan ba sa may riverside malapit
sa inyo?yep
doon tayo sa may convinience
store ni titaok ok
mag-aayos na ako
same
"Yow miss president!" napahinto ako sa pagbukas ng refrigerator nang makarinig ako ng malalim na boses.
"Hey."
"Bibili lang ako ng makakain. Doon ba tayo sa labas?" tumango nalang ako sa kaniya at kumuha ng strawberry milk at binuksan ito. Hindi ko na babayaran, libre naman ako ni tita ngayon.
Lumabas ako ng convenience store at umupo sa may pangdalawahang lamesa. Umupo naman sa harap ko si Jill at nagsimula nang magsalita habang kumakain ng chips na kinuha niya.
"Sa akin mo talaga iaasa?"
"Siyempre. Kanino pa ba? 'E ikaw lang naman vice president."
"Hindi ko magagawa 'yang hinihiling mo."
"What do you mean?" huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
"While you are suspended, may papalit sa puwesto mo."
"Teka! Wala 'yan sa usapan namin ni Mr. Smith!" hindi makapaniwala kong sambit. Wala naman talaga sa usapan namin 'yan. I mean, wala siyang sinabi sa akin na ganiyan.
"Hindi niya ata napaalam sa'yo. Alam na kasi ng buong student council."
"Kailan pa?"
"Noon pa."
"At wala man lang nagsabi sa akin?!"
"Hehe, sorry na."
Unbelievable. I felt betrayed.
"Who is it?"
"Huwag magugulat ha? The one you toured in the campus, Ryu Smith."

BINABASA MO ANG
The Dyad's Dance ' ep.1 || ON GOING
Storie d'amore₍ 📣 ₎ synopsis "You will pay for this!" "Sorry na nga, 'e!" ↬A story in which ; the student council's president accidentaly spilled some hot coffee into the principal's son. ↬full moon high epistolary 📁i. mysticyangiel↫ - {☕.}