Type: Wawaluhing Tula
Medium: TagalogSa pag sayaw ng el bimbo,
Tuluyan kong napag tanto,
Totoong laman ng puso,
At ikaw na nga mahal ko.Sabay sa indak ng paa,
Ang dulot sakin ay saya,
Kasabay nitong musika,
Lumiwanag aking mata.Umindak ka sa tugtugin,
Tuluyan ng inalipin,
Nang mata mong nag niningning.
Di takot saan man dalhin.Wag sana matapos sayaw,
Mawala sakin ay ayaw,
Ikaw lang ang naka pukaw,
Sa aking damdaming ligaw.