Paalam Mahal

25 1 0
                                    

Medium: Tagalog

Isang gabi na naman ang nagdaan,
At pangungulila sayo ang nararamdaman,
Mahal, nasaan na ang dati nating pag mamahalan?
Bakit ang tanging natira ay pamamaalam.

Mag sabi ka mahal ako ay mag-hihintay,
Dahil pag ibig ko para sayo ay walang kapantay,
Handa ihinto pag ikot ng mundo para ikaw ay muling maka-sabay,
Para pag-ibig natin di na muling sumablay.

Ngunit, sandali ako nga ba ay may hihintayin?
Ikaw nga ba ay muli pang darating?
O baka naman ikaw ay nasa ibang piling?
Mag sabi ka mag salita wag mo ko ganituhin.

Sabihin mo sa akin at maluwag ko tatanggapin,
Kahit ikaw ang tangi kong hiling sa mga bituin,
Kung ang kasiyahan mo ay di na sa akin,
Mahal ikaw ay maluwag kong palalayain.

Baka nga tulad ng isang kanta,
Pinag tagpo ngunit di tinadhana,
Kung hindi tayo ang tinakda ni Bathala,
Kamay mo pati na rin ang pag ibig ko ay bibitawan na.

Bibitaw kahit mahirap, bibitaw kahit masakit,
Bibitaw kahit ayaw, bibitaw ng naka pikit.
Dahil baka di ko magawa kung ang mata ko ay naka buka,
Baka sa Diyos ako ay mag maka awa.

Mahal, salamat at pasensya nga pala,
Sa lahat ng bagay na ating pinag samahan,
Ito na nga ang dulo at ako ay tuluyan ng mamaalam,
Sa pag-ibig na sa akin ay habang buhay na maaalala.

Poem Collection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon