⛔ Explicit words ahead. Read at your own risk.
Isang bata na walang alam sa kamunduhan,
Bata na dapat hawak lamang ay laruan,
Bata na dapat lagi lamang naka ngiti,
Bata na dapat iiyak lang pag walang kendi.Bata.
Bata.Tangina !
Bata lang yun
Kaya ba nagawa mo siyang pag samantalahan?
Dahil sa bata lang siya
At ikaw ay nakakatanda?Yun na nga eh ang tanda mo na,
Ano ka ba naka droga?
Na hindi alam ang mali at tama,
Kaya sa tawag ng init ng laman ikaw ay nag padala.Dapat sa mga nang aabuso,
Putulan ng Tarugo,
Balatan ng buhay ang manyakis,
At hayaan kagat kagatin ng ipis.Bata
Dalagita
at ngayon kahit matanda.Walang pinipili na edad para ikaw ay magahasa.
Walang pinipili na edad para ikaw ay abusuhin.
Mga taong hayok sa pag papakasa,
Kaya kahit ayaw ikaw ay pwepwersahin.Sayo binibini .
Binibini na nakaranas ng hindi magandang karanasan,
Pag pasensyahan mo muna ang mga taong kinain ng kamunduhan,
Na handa mang baboy ng iba para lang masagot ang tawag ng kanilang laman.Hayaan mo binibini.
Hindi mo man makuha ang hustisya dito sa mundong ito,
Meron Diyos na mag huhukom sa kanila at sinisigurado ko,
Ang hustisya ay tuluyan ng mapapasaiyo.Tatagan mo lamang,
Wag hayaan na ikaw ay tapak-tapakan,
Mag pakatatag dahil ang kasiyahan,
ay unti unti mo din makakamtan.