Chapter 16: She's Back

3.7K 149 0
                                    


Disha's POV

Alalang-alala ang lahat nang magising ako. Ilang linggo rin akong nakatulog. Hindi ko din alam kung anong nangyari pero sa tibgin dahil iyon sa napanaginipan ko. Totoo ba ang lahat ng iyon? Talaga bang ako pa rin ang babaeng kasama ng mga magulang at kaibigan ko? Ako pa rin ba iyon?

"Kamahalan, nais po kayong makausap ng Inang Reyna." napalingon ako kay Weyla nang magsalita ito. Tumango na lamang ako at sumama sa kanila patungo sa silid ng Inang Reyna.

Gumawa ako ng bagay na hinding-hindi matatanggihan ng Hari. Wala na akong ibang paraan kung hindi ang makabalik sa palasyo at alamin ang katotohanang nakatago rito. Wala na akong oras at paubos na ito.

Four days ago, pinatawag ko ang Heneral upang iparating sa Hari na nais ko itong makausap. Hindi naman ako binigo ng Hari kaso nga lang dalawang araw pa ako naghintay para lamang makausap siya ng pribado. At ngayon dalawang araw na kaming naririto sa loob ng palasyo. Hindi pa ako opisyal na nakabalik pero okay na sa akin at least nandito na ako sa loob. Darating din ang araw ibabalik din ako ng Hari sa dapat kong kinaroroonan, iyon ang sabi niya. Deserving naman ang Reyna na maiangat ang dignidad at pagkatao niya lalo na ang anak nitong ipinagkait sa kaniya.

Umayos muna ako ng tindig bago nila pinaalam na naririto na ako sa bukana ng pinto ng silid ng Inang Reyna. Pumasok na ako nang pahintulutan na ako ng Inang Reyna. Nagbigay-pugay na muna ako bago ako humarap sa kaniya sabay upo sa kaniyang harapan.

"Magandang umaga, mahal na Inang Reyna." bati ko. Ngumiti lamang sabay tango ang Inang Reyna.

"Iwanan niyo muna kami ng aking mahal na Reyna." utos nito at agad din namang umalis ang lahat ng tagapagsilbi kasama na ang dalawang bata. Ngumiti siya sa akin nang wala na ang lahat.

"Kamusta ka na, mahal kong Reyna? Alam mo, natutuwa akong nagbalik ka na. Sana ay bumalik na rin ang lahat sa dati." pangunguna niya na siyang ikinangiti ko.

"Sana nga po, Kamahalan." tugon ko sabay ngiti.

"Nga pala," napatingin ako sa kaniya. "Nagtataka lamang ako kung paano mo napapayag ang Hari? Isang magandang sinyales ito alam mo ba iyon? Mukhang tama rin ang lahat ng sinabi sa akin ng Shaman bago ako umuwi dito. Pero...alam mo, may iba pa siyang sinabi sa akin maliban sa pagbabalik mo sa kaharian...ah, basta, hayaan na lamang natin dahil hindi ko naman nauunawaan ng lubusan." sabi niya. Na-curious tuloy ako kung ano'ng hindi niya maintindihan sa tinutukoy nito. At lalo na ang tinutukoy nitong shaman, sino ito?

"Nananabik tuloy ako sa nais niyong ipaalam sa akin,  Kamahalan. Sino po ba itong tinutukoy niyong Shaman, Kamahalan?" tanong ko.

"Isa siyang Shaman ng kaharian at batid kong kilala mo na ito, hindi ba?" bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Kilala ba ng Reyna ang tinutukoy ng Inang Reyna?

Nagulat ako nang bigla itong nagsalita muli. Sasagot pa sana ako.

"Ah! Oo nga pala, nagpadala ako ng mensahe sa kaniya agad-agad nang malaman ko ang nangyari sa iyo. Nasa isang maliit na isla siya ngayon at doon nagtuturo. Sa tingin ko ay nakarating na sa kaniya ang sulat na ipinadala ko. Inaasahan ko ang pagdating niya sa makalawang linggo." dugtong niya.

"D-Darating po ito?" nauutal kong tanong.

"Oo, lalo pa't may nais akong malaman sa mga nangyayari sa iyo. Nakakapagtaka lamang kung ano at bakit nangyari sa iyo ang bagay na iyon?" takang tanong nito.

"Gano'n po ba? Sana hindi na po kayo nag-abala pa't ayos naman na po ako, Kamahalan. Sa tingin ko ay hindi na po mauulit ang bagay na iyon?" sabi ko.

"Naku, hindi ako papayag riyan. Nais kong maayos ang mahal kong Reyna para sa lahat. Hindi ko kakayaning mangyari ang bagay na iyon sa iyo muli. Nakakapagtataka lamang kung paano iyon nangyari. Sana'y walang pumasok na masamang elemento sa iyong katawan baka magdala ito ng panganib sa iyong buhay." pagpupumilit niya. Napalunok na lamang ako at nag-iisip ng kung anong dapat kong gagawin.

Win Back The CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon