Have you been saved by someone when you got into trouble, not just once but every time you are in trouble? Do you find it ridiculous when I told you that I fall in love with my savior? Not just a simple savior since he is the campus bad boy. Do you want me to tell you a story? A story on how I fell in love with the campus bad boy.
Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Kimberly na kaibigan ko. First day of class namin ngayon at hindi ko inaasahan na mabubungaran ko siya ng ganito. Tumatakbo siya ngayon na para bang may humahabol sa kanya.
" Joyce takbo dali!" sigaw niya sakin at pilit akong hinihila.
" Bakit naman ako tatakbo?" nalilitong tanong ko sa kanya. Hindi na niya kailangang sagutin yun dahil nakita kong tumatakbo na sa direksyon namin ang isang matabang lalaki na mukhang siya ang humahabol kay Kimberly.
" Nahanap rin kitang babae ka." Sabi nung lalaki na ang tinutukoy ay si Kimberly.
" Bakit mo siya hinahabol?" harap ko dun sa lalaki. To tell you, kilala akong boyish dito sa school. Well sila lang ang nagsasabi nun, but to tell you I'm so girly as heck inside. Napaatras siya dahil sa ginawa kong paglapit sa kanya. Actually I know how to fight, pero syempre sa mas maliit lang sakin o kaya kasing laki ko lang. Sa kaharap ko ngayon ay wala akong laban dahil mas malaki siya sakin.
" Wag kang makelam dito miss, hindi ikaw ang kailangan ko." sagot sakin ng lalaki na tinulak ako sa balikat. Syempre napaatras ako.
" Hindi ako makeke-alam kung hindi mo rin pakekelaman ang kaibigan ko." nagtatapang tapangang sagot ko sa kanya.
" Aba mayabang ka ah." Ngingis ngising sabi niya sakin. " Kilalanin mo binabangga mo miss, baka sa ginagawa mo mapahamak ka."
"Matapang ka lang kasi babae ang kaharap mo." Pangungutya ko sa kanya. Bigla ay nagdilim ang mukha niya at mukhang nainis ko siya. Nagulat ako nung may kinuha siyang isang tubo sa gilid na di ko malaman kung bakit merong ganun dun. Balak sana niya akong hampasin nun pero agad akong nakayuko.
" Joyce!" gulat at puno na pag aalala na sigaw sakin ni Kimberly.
" Run!" utos ko sa kanya. Nag aalalangang tumakbo siya na lilingon lingon pa sakin. Hindi ako tanga para manatili pa dito ngayong may hawak siyang tubo. Ang kaso kasi ay tinatapakan niya ang sintas ng sapatos ko kaya hindi ako makatakbo. Balak na sana ulit niya akong hampasin , for sure tatamaan ako nun at wala na akong takas. Pero bago pa man ako matamaan nun ay may tumulak sa kanya. I was saved by that guy.
" You never change, hanggang ngayon ay ang hilig mo paring labanan ang walang kalaban laban sayo. Natatalo ka na ba ng mga lalaki at pati babae ngayon ay kinakalaban mo na rin?" rinig kong sabi nung lalaking tumulak dun sa may hawak ng tubo. Narinig ko nalang na nabitawan nung lalaking mataba yung tubong hawak niya.
Napalingon ako sa kinaroroonan nila at nakita kung anong hitsura nung lalaking nagligtas sakin. Nakatagilid siya kaya ang tanging nakikita ko lang ay ang katangkaran niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabunan ito ng medyo may kahabaang buhok niya.
" Joyce!" tawag naman ng kung sino mula sa likuran ko kaya napalingon ako dun. It was my two cousin Jeff And Rodney, kasama nila si Kimberly habang sa likod nila ay ang ibang mga estudyante na gusto makiusyoso.
" Ayos ka lang? nasaktan ka ba? May masakit ba sayo? " Nag aalalang tanong sakin ni Jeff.
" Ayos lang ako." Agad na sagot ko sa kanila. Bigla ay nagsimula ang bulong bulungan sa paligid. All I can hear clearly is the name " Jake " that they keep on mentioning. Napatingin ako kung saan sila nakatingin. Ganun rin yung dalawang pinsan ko. Nakatingin sila dun sa lalaking nagligtas sakin. Sakto namang paglingon ko sa kanya ay nakatingin rin siya sakin kaya dun ko agad siya nakilala kung sino siya. Dun ko lang narealized kung sino yung binabanggit na pangalan ng mga tao sa paligid.
YOU ARE READING
One Shot Love Stories Compilation
Historia CortaCompilations of One Shot Stories, May talk about love, friends, family, and many more
