Sa henerasyon na kinabibilangan ko ngayon madali nalang mahanap ang taong naka tadhana para sayo. Well, para sa iba oo pero hindi para sakin. Ang mga bawat dalaga at binata kasi ngayon ay nakikilala ang taong nakatadhana sa kanya kapag napangalanan na siya.
What do I mean na napangalanan is when you are already at your teenage stage, may pangalan na lalabas sa kung saan mang parte ng katawan mo. It may be at your wrist, chest, back of your neck, near the ear and many more. Ang lumabas na pangalan sayo ay yun ang nakatadhana sayo ganun din sa taong nakasulat sa katawan mo. Kapag napangalanan ka na ay ibig sabihin ay hindi ka na pwedeng makipag relasyon sa iba.
I was Named at the age of 16, nakaukit ang pangalan niya sa pulsuhan ng kamay. Tatlong taon na ang lumipas ay hindi ko pa rin mahanap ang may ari ng pangalan na nakaukit sakin. I tried to search at the internet, pero sobrang daming lumabas na kapareho ng pangalan niya. I'm not sure which one of them is him. Ang tanging pag asa ko lang na malaman kung sino siya ay kung malapit siya sakin. That name on my wrist will shine and I will feel spark as well, a sign that he's near me. By the way his name is Jacob Ricaffort. And I wanna tell you a story, a story about my journey on finding my destiny.
Naglalakad ako sa hallway ng school ng biglang inakbayan ako ng dalawa kong kaibigan. It's Jessa And Blake, and to tell you they are already both named just like me as well. Ang pinagkaiba lang ay nahanap na nila kung sino ang nakatadhana sa kanila habang ako ay hindi pa.
To make things short, sila lang naman ang nakatadhana sa isat isa. Blake got Jessa's name while Jessa of course got his name. Parehong nakaukit sa bandang leeg ang pangalan ng isat isa, it's currently shining dahil magkasama sila. Hindi pa nila alam na napangalanan na ako. Tinago ko kasi mula sa kanila yun. Tinatakpan ko ng bracelet na gawa sa tela ang wrist ko para hindi nila mapansin ang pangalan dun.
" Darating pala yung pinsan kong lalaki. He planned to transfer here in our school. Makikitira rin pala siya sa dorm house natin simula next week. He will be using the room next to you." Biglang sabi sakin ni Blake.
" What??? Hindi niyo man lang sinabi agad sakin?" gulat na tanong ko sa kanila.
" Well, sinasabi na naming ngayon, may problema ba?"
" Can't you see how messy our dorm right now?"
" My cousin know me well, alam niyang talagang makalat ako sa bahay." Walang pakelam na sagot niya sakin.
" Geez!" iritang sigaw ko sa kanya kasabay ng pag bato ng nakuha kong bote ng tubig na naiwan sa lamesa ng canteen.
" Ouch!" reklamo niya ng tamaan ko siya, " Can you stop acting like a gangster? Baka matakot mo pinsan ko pag dating niya dito. Try to act more girly can you? baka sakaling magustuhan ka ng pinsan ko. hindi ka pa naman napapangalanan diba?" biro niya. Natigilan ako sa huling sinabi niya, well at some point parang ganun nga ang kalagayan ko. Napangalanan na ako pero wala naman akong kaide- ideya kung saang lupalop ko siya makikita at mahahanap. " Gwapo pa naman yun, syempre magkamukha kami. I wonder if he is already named? Pag hindi pa, irereto kita sa kanya." Dugtong niya pa.
" Tigilan mo nga ako, bumili ka nalang ng pag kain ng matahimik ka." Pagtataboy ko sa kanya. Agad naman niyang kinuha sakin yung pera ko at dali daling pumila dun sa counter para bumili ng pagkain.
" Walang araw talaga na hindi kayo ng babangayang dalawa ni Blake." Maya mayang sabi sakin ni Jessa.
"I'm more surprised on you. Pano mo nagawang tiisin yung mokong kong kaibigan? He is way too irretating as heck. Tapos parang wala lang sayo." Di makapaniwalang sagot ko sa kanya.
YOU ARE READING
One Shot Love Stories Compilation
Cerita PendekCompilations of One Shot Stories, May talk about love, friends, family, and many more
