In every stories most of the time when people got bullied in their love story, they fall in love with their savior. But I guess I'm different from them. It's because in my story, I fell In Love with my Bully.
Naniniwala ba kayo sa kasabihang " The more you hate, The more you love"? Dati ay hindi ako naniniwala dun. I find it ridiculous when you would fall in love with the person you hate the most. Yung tipong walang araw na hindi kayo nag bangayan. Walang araw na hindi ka niya kinulit at pinahiya. Walang araw na hindi ka niya sinaktan, then all of a sudden you will fall in love with him?. Those are the things that I think are all nonsense. Pero dati yun, dati yun nung hindi pa ako nahuhulog sa kanya.
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school namin papunta sa locker ko. I need to get my book for our first subject. Agad naman akong nakarating dun at dali dali kong kinuha yung libro ko. I was about to close the door of my locker when someone already slam the door to close it.
" What the hell Tyler!" mag kahalong inis at gulat na sigaw ko sa kanya.
" Well good morning to you too." Sagot niya sakin na nakaplastar sa mukha ang tuwa ng makitang nainis niya ako. He's been doing this to me since day one of the class. Hindi ko alam kung bakit ako ang nakita niya para pag diskitahan ng mga trip niya. He is known as bully here.
" Ano nanaman bang kailangan mo?" walang ganang tanong ko sa kanya.
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay hinagis niya lang sakin yung bag niya kaya wala sa sariling agad ko naman iyong sinalo. Nakakunot ang noong napatitig ako sa kanya, pero hindi niya iyon pinansin at nag lakad na siya paalis.What does he want me to do with this?
Gusto kong ibato pabalik sa kanya yung bag niya pero alam kong pag ginawa ko yun ay ako ang malalagot. He is so famous here at sino mang kumalaban sa kanya ay ang mga fangirls niya ang makakaharap, while some of them are protecting him because they're just simply afraid of him dahil ayaw nilang madiskitahan ng mga kalokohan niya. Well to tell you honestly gwapo naman siya, sobra. Ang problema ay ang ugali niya. He loved to order everyone around him at ang hindi sumunod ay malalagot sa kanya. He is a typical bad boy.
Bagsak ang balikat na nagsimula na akong maglakad papunta sa room namin. Classmate ko si Tyler kaya torture ang buong araw ko pag nasa school ako dahil sa kanya. Nagulat ako ng may humila mula sakin ng bag ni Tyler. Agad akong napalingon sa kanya at laking pasasalamat ng makilala kung sino ang kumuha. It was Benedict, ang nag iisang tagapag ligtas ko mula sa torture ni Tyler sa pang araw araw na buhay ko sa school.
" Sinalubong ka nanaman ba ni Tyler?" nag aalalang tanong niya sakin. Sumabay na siya ngayon sa paglalakad ko.
" Tss, wala ng bago dun." Naka busangot na sagot ko sa kanya.
" Ang tibay mo talaga. Ikaw palang ang nakilala ko na nakayang tiisin ang pag papahirap ni Tyler." Di makapaniwalang sabi niya sakin.
" Sa totoo lang dati ay hirap na hirap ako, minsan ko ngang naisipan na gusto ko ng lumipat ng school. Kung hindi lang maganda ang paraan ng pagtuturo dito ay malamang talaga ay wala na ako dito. Nakaya ko nalang tiisin lahat ng pagpapahirap niya dahil gusto kong manatili dito."
" I will always cheer for you, Fighting!" nakangiting sabi niya sakin. Bigla ay pareho kaming natawa sa sinabi niya.
Nang nasa tapat na kami ng room naming ay binawi ko na ang bag ni Tyler mula sa kanya. Saglit pa akong bumuntong hininga bago pumasok sa room. Agad akong napaatras ng sumalubong sakin si Tyler na halatang inis.
YOU ARE READING
One Shot Love Stories Compilation
Cerita PendekCompilations of One Shot Stories, May talk about love, friends, family, and many more
