PnB - 1

3 0 0
                                        

Takot.

Bakit tayo natatakot? May dahilan, minsan wala. Isa sa mga humihila sa atin palayo sa mga nais gawin talaga.

Iiyak, lalaki ang mga mata, tatakbo palayo o hindi kaya magtatago. Habang buhay magtatago.

Maraming oportunidad ang nasa ating harapan. Pero bakit madalas hindi natin kinukuha? Takot. Baka bumagsak ka at hindi makapasa, madapa, mapahiya, nakakahiya, makutya, mabato ng masasakit na salita.

Takot.
Nakakatakot.

Sa laki ng mundo, hindi lahat makikita mo. Sa ikli ng buhay, hindi lahat mararanasan mo. Gusto mo na yan? Kuntento ka na diyan? Kung madapa, tayo. Kung nagkamali, matuto. Kung may gustong makuha, galaw. Huwag palaging makinig sa opinyon ng ibang tao. Timbangin mo. Maging masaya ka para sa'yo. Huwag magpabalot sa kumot ng takot. Mainit. Alisin mo. Lumabas ka (kung importante, huwag basta-basta, may pandemya).

070220

Paalala Ng BakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon