PnB - 3

2 0 0
                                    

Ano nga ba ang batayan ng sobra, kaunti, at sulit?

Bakit may mga argumentong hindi swak pero ginagamit nang paulit-ulit?

Sa salamin tumingin ka, araw-araw iba ang timpla.

Madalas nanlulumo ang mga mata, mas minsan pa sa minsan nakikitaan ng saya

dahil kung hindi ka nagkukulang, malamang ay sumusobra.

Ano ba talaga? Sa'n ka lulugar? Alam mo na ba?

Sa lahat ng aspekto may sasabihin sila. Yung mata mo masyadong malaki. Yung kilay mo masyadong straight. Yung ilong mo, bakit ganyan? Anong nangyari sa balat mo? Yung taste mo sa art and music, hindi pasok sa panahon. Final na yan?

Ang problema ngayon, lahat napapanahon.

Pa'no ang may mga sariling panahon?

Paulit-ulit ang mga sinasabi, hindi nila napansin, napag-iwanan na pala ng panahon.

Tao. Tayo.

Tayo ang nagbigay ng sukatan at timbangan

at tayo rin pala ang magdudusa sa isinulat ng nakaraan.

May kulang ka. May tama ka. May sobra ka.

Kulang-kulang. Tamang tama. Sobra-sobra.

Kung may sinasabi pa rin sila,

bakit?

Kaya nga walang perpekto, 'di ba?

110320


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paalala Ng BakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon