Chapter Twenty

54 4 0
                                    

Andrew

Friday...

"Please from now on, dito ka na mag-stay sa condo ko. This is gonna be our place, as a couple na." sabi ko kay Harold. Nakahiga kami ngayon sa kama ko at naka-akap ako sa kanya. Nagtinginan kaming dalawa at ngumiti. Hinimas-himas ni Harold ang pisngi ko at sinabing;

"Alam mo, hindi ako makapaniwala na sasagutin mo parin ako, Drewy. Until now." sabi ni Harold. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Ako 'rin. Hindi din ako makapaniwala na darating ka sa buhay ko, Harold. Ikaw ang nagtangay sa akin papa-alis sa madidilim na parte ng buhay ko." hinaplos-haplos ko ang kanyang mukha at pinakiramdaman ito. Hindi ako nagkamali sa pagsagot sa'yo Harold. Ganito nga ang gusto ko, gantong mukha at tao ang gusto kong makita sa araw araw na buhay ko.

"Ano tulog na ba tayo?" tanong niya sa akin.

"Ikaw? Inaantok ka na ba?" tanong ko din sa kanya.

"Hindi ikaw, inaantok ka na ba?"

At hanggang sa hindi na nga kami nakatulog ng maaga dahil sa kalandian namin. "Oo na, ako na ang inaantok." sabi ko. "Good night, Harold." dagdag ko at hinalikan ang kaniyang mga labi.

"Good night din, Drewy ko."

"I love you."

"I love you more!"

"I love you more too!"

"I love you more too, forever!"

"Hindi ka talaga nagpapatalo ano?" sabi ko.

"Syempre naman!" asar niya.

"Osiya, sige matulog na tayo parang awa mo na. Ikaw na ang panalo." pagpapakumbaba ko at ipinikit na ang aking mga mata.

Saturday...

"Andrew... Andrew, gising na!" gising sa akin ni Harold.

"Ayaw ko pa, masyado pang maaga." kontra ko. Nasilaw ang aking mga mata ng binuksan ni Harold ang mga kurtina. Bwisit, naman oh?! "Huy, sarado mo muna 'yan! Sabado naman ah? Wala naman tayong pasok!" reklamo ko at nagtalukbong na ng kumot.

"Huy! Ano ka ba! Mas masaya kaya kapag umaga, tignan mo oh? Pinaghandaan pa naman kita ng breakfast." pangungulit niya sa akin at sabay na hinatak ang kumot papalayo sa akin.

"Ano ba Harold!" ungol ko. "Balik mo 'yan!" pagbabanta ko.

"Ayaw ko nga! Tumayo ka na d'yan!" pangungulit parin niya sa akin. Pero mas lalo ko siyang inasar, dumapa nalang ako at natulog kunwari. "Drewy, 'wag mo akong pilitin ah? Bili na bumangon ka na d'yan. Baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo." pananakot niya. Akala niya matitinag ako sa mga sinasabi niya, puwes hindi!

Kaya umiling ako. Naramadaman ko nalang na gumagalaw ang kama. Nakaramdam din ako ng bigat at parang may nakapatong sa akin. Ano nanaman kayang ginagawa nitong si Harold? "Aaaaah..." ungol niya. Siraulo talaga!

Lumingon ako sa aking likuran at ayun nga siya! Nakapatong siya sa akin at... basta! "Hoy! Yawa ka! Anong ginagawa mo ah?!" sigaw ko. Nakita ko kasi siya na nakapatong sa akin. Lumapit naman siya sa tenga ko at bumulong.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon