Hi, Yuan Gonzales! Happy birthday!
-06//16/20
Hi, Shannon Suayan! My loyal reader sa RPW.
Hi sa'yo Nhicaela Galang, ang pinakamagalang kong reader mula RW hanggang RPW.
(CHAPTER 32)
NAMSHEN EMERALD CRISTOBAL
"Oyan.." tawag ko nang makasalubong siya pero hindi niya ako pinansin at dire-diretso sa room nila.
Paalis na ako nang makasalubong ko si Zild na mukhang papasok palang.
"Emerald, kumusta? Hindi na kita nakita simula nang magkita kayo ni Mr. President." bakas sa kanya ang lungkot kaya napakamot ako ng ulo.
"Ah, kasi.."
Tumawa siya bago umiling.
"No need to explain. Masaya naman ako na masaya ka na, kayo. Sana hindi na matapos.." sa ikalawang pagkakataon ay lungkot ang bumalatay sa mukha niya.
Naalala ko, ang pagbabalik ni Oyan ay ang paglayo ko sa kanya..
Ayokong may mangyaring hindi maganda kaya kahit ayaw namin, kailangan namin maglayo.
Ngumiti ako bago inilahad ang kamay ko, tinanggap niya iyon.
"I guess, we need a space. Para maiwasan na rin ang gulo." aniya na sinang-ayunan ko.
Tatanggalin ko na ang pagkakahawak ng kamay namin nang may humila ng kamay ko palayo kay Zild. Nanlaki ang mata ko nang makita na si Oyan iyon.
"Sorry, mr. Salvador. 'Wag mo bigyan ng meaning, last na iyan." nakataas ang kamay na sabi ni Zild na animo'y sumusuko.
Hindi iyon pinansin ni Oyan at hinarap ako. Pinaningkitan niya ako ng mata at hindi ko maiwasan na tumingin sa ibang lugar dahil nakaramdam ako nang pamumula ng aking pisnge.
Hindi ko alam kung dahil ba ito kay Zild o kay Oyan?
"Go on your class, magsisimula na ang first sub." maawtoridad na sabi nito.
Tumango ako at tinalikuran na siya. Hindi ko rin kasi maintindihan ang nararamdaman ko.
"Namshen, congrats nga pala dahil nakasama ka sa Top 10 ng Nationals.." bati sa akin ni Tintin habang kumakain kami ng chichirya sa isang bench dito sa unibersidad.
Pinilit kong ngumiti kahit na parang bangungot sa akin ang araw na hindi ko natalo si Kuya Nemo. Sa sobrang takot ko na hindi makita si Oyan ay napagod ang katawan ko.
Pero ano nga bang milagro ang nangyari kung bakit nakabalik si Oyan? Ang mga magulang ko ba ang dahilan?
Bumalik ako sa reyalidad nang makarinig ako ng pilantik ng kamay.
"Oy, babaita.. Ang lalim ng iniisip ah." puna ni August.
Inirapan ko ito.
Akala niya ba nakalimutan ko ang ginawa niya kay Celine?
Mukhang napansin niya ang pagsusungit ko sa kanya kaya hindi na siya kumibo.
"Kumusta ang unang linggo na kasama mo na si Oyan? Parang hindi maganda.." pag-iiba ng usapan ni Tintin dahil napansin niya rin ang pag-iwas ko kay August.
"Hindi kayo nagkakamali, halata kasi na iniiwasan ako ni Oyan." napanglumbaba ako. "Simula nung tumanggi ako about sa hinala niyang nararamdaman ko, umiwas na siya."

BINABASA MO ANG
Behind His Innocence (COMPLETED)
Teen FictionNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...