Chapter 2

109 22 62
                                    

“You should be careful sometimes, Stats.”



Napayuko nalang ako sa pagpapaalala sa akin ni Mom, sobra pa din ang kahihiyan ko kanina dahil nasira ko ang bike ni Antowi at nakita niya akong umiyak ng ganoon kanina.


“Buti nalang andun si Antoine.” Maka-hulugan na sabi ni Ate. Seriously?


“Mom nasira ko ang bike ni Antowi, please paayos natin.” Kumunot ang noo nila.

“It's Antoine, anak.” Natawa naman si Ate ng ma-realize ang pronounciation ko sa name niya.


“Bulol ka pa Stats!” Namula ako at na-realize na nahihirapan nga ako banggitin ang name niya. It's just that I'm suck sometimes in names pronounciation.  Name ko lang ata ang hindi ako nahihirapan.




“Anyways, go at Glaser's house then mag-sorry ka. Magbe-bake tayo ng cupcake then ibigay mo kay Antoine.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom pero umalis na sila para mag-ready sa kitchen.



I sighed. Bakit ako pa magbibigay?



Natapos kami sa pag-bake and satisfied naman kami sa lasa. Pinagbihis na ako ni Mom at inutusan na iabot ito sa Glaser.


Pinindot ko ang doorbell at lumabas ang isa sa maid nila.

“Ano 'yun Iha?”

“Andyan po ba si Antowi?” Kumunot ang noo niya at ilang segundo na inisip kung sino iyon.

“Ah! Si Sir Antoine! Nasa kwarto niya.”


“Pwede po 'bang pakibigay nalang ito sa kanya?” Kaso baka magalit si Mom pag nalaman niya na hindi ako personal na nanghingi ng sorry.



“Ay pwedeng pumasok po at ibigay ito sa kanya? Kaibigan po ng Family ko ang pamilya nila. Dyan po kami nakatira sa harapan.” Turo ko sa aming bahay at tumango siya. Pinapasok niya ako at tinuro ang kwarto ni Antowi.




Napaka-detalyado ng bawat pasilyo ng kanilang bahay, sa pader ay mayroong painting nilang tatlo. Nasa gitna si Antowi at seryosong nakatingin sa kung sino man ang nagpi-pinta ng kanilang litrato. He looks so dashing kasi ang bata niya pa sa painting. I roamed my eyes around and ang daming mga antiques na decoration.




Huminga ako ng malalim ng katapat ko na ang pinto ng kanyang kwarto, It is a white door. Kumatok ako at walang sumagot, kaya inulit ko ito.




“Antowi?”

Doon lamang siya lumabas, gulo ang buhok, mapungay ang mga mata na pilit inaaninag kung sino ang naghihintay sa labas ng kwarto niya. He's topless at nanlaki ang mga mata ko kaya agad akong tumalikod, hindi ako sanay sa ganoon dahil si Dad ay formal na tao, lalo na at puro kami babae sa bahay.




“Sorry.” Nataranta siya at sinarado agad ang pinto, binuksan niya ulit iyon at pagbalik niya ay naka-shirt na siya.



“What brings you here?”

Naka-awang ng kaunti ang room niya kaya nakita ko ang decoration ng kwarto niya. Namangha ako sa itsura ng room niya kaya hindi ko agad napansin ang tanong niya.



“Ang ganda ng room mo Antowi.” He chuckled pero agad kumunot ang noo niya.


“Antowi?” Tanong niya. Tumango ako at humagalpak siya ng tawa, sinamaan ko siya ng tingin.



“Bulol ka pa, It's Antoine. Now, tell me that you're not a kid anymore.”

He smirked kaya inirapan ko lang siya. Tinignan ulit ang kwarto niya, binuka niya pa ang awang ng pinto at pinapasok ako.


Take me to the Infinite Space (COMPLETED ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon