Chapter 4

113 16 42
                                    

“Bakit tulala ka?”



Science subject, buti nalang at hindi na si Antowi ang substitute teacher namin ngayon. Naiilang kasi ako dahil baka magalit na naman siya kapag nakitang nag-uusap kami ni Van. Tama nga ako, kinukulit pa din ako nitong katabi ko.

“Please, hindi ka ba nadadala Van? Kahapon napagalitan na tayo.”

“Hindi mo nga ako sinipot sa practice ko kahapon.”

Nagtatampo na sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagkunwari na nakikinig sa discussion. Wala talaga ako sa sarili ngayon, iniisip ko kasi simula kagabi ang sinabi ni Antowi. Hindi ko alam kung bobo ako o talagang magulo lang ang sinabi niya.

"Whether I'm here on Earth or in the Space. I will always watch my stars from afar."

What does he mean by that? May sarili ba siyang star sa space? Kaya balak niya pumuntang moon para makita 'yun? Ang literal ko naman, pero ayoko na isipin. Sumasakit lang ang ulo ko.

“Halika, Stats. Sabay tayo mag-lunch.” Agad naman tumayo si Van. Natapos na ang klase ng hindi ko man lang namamalayan.

“Sabay kami.” Sabi ni Van pero hindi siya pinansin ni Empress, kaya hinatak na ako nito. Sumunod naman si Van, kaya ang ending kaming tatlo ang magkakasama ngayon.

Nakaupo kami ni Empress, at si Van ang umorder for us kasi gentleman daw siya. Hindi ko alam minsan kung anong takbo ng utak ni Van.

“Antoine is so hot earlier, he even try out in SHS basketball team.”

Napabuga ako ng iniinom na tubig sa narinig sa mga students na nasa kabilang lamesa. What? Nagtry out siya sa basketball team? May pa “Such a waste of time” pa siya.

“What? Kadiri ka Stats!” Nagulat ako sa reaksyon ni Emp, naibuga ko nga pala ang iniinom ko.

“Ano 'bang iniisip mo?”

Hindi ko alam kung mago-open up ako sa kanya. Tinignan ko siya ng maigi at mapagkakatiwalaan naman siya. Gusto ko ng mapaglalabasan ng mga gusto ko sabihin.

“May crush kasi ako.”

“Si Van ba 'yan?” Nang-aasar na sabi niya.

“Hindi. Si Antowi.”

“Who's that? Don't tell me, 5 years old palang 'yan.”

Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako sa naging reaksyon ko.

“Glaser.” Nanlaki ang mata niya.

“OMG!” Napatili siya at pinagtinginan kami ng mga students dahil sa ingay niya. Agad 'kong tinakpan ang bibig niya.

“Malaki ang tanda niya sa atin. Sure ka ba dyan?” Tumango nalang ako at bumuntong hininga.

“Kapitbahay namin siya. Doon ko siya nakilala.”

“Kamusta? Sinu-sungitan ka lagi noh? Bali balita na masungit daw 'yun. Wala nga daw girlfriend 'yun.”

Kumunot ang noo ko. Wala siyang girlfriend? Sino 'yung babaeng pumunta sa bahay nila noong nasira ko ang bike niya? Tsaka masungit? Hindi niya pa naman ako nasusungitan.

Nagbulungan ang mga students sa cafeteria ng may pumasok na mukhang sikat. Paglingon ko ay pumasok si Antowi na nakahawak sa bag niya at kasama ang babaeng pumunta sa bahay niya noon.

“Hindi niya ba girlfriend 'yung babae?”

“Hindi ko alam. Pero sabi daw may gusto si Ate Ady kay Antoine. Wait, bakit Antowi tawag mo kay Antoine? Bulol ka ba?”

Take me to the Infinite Space (COMPLETED ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon