OneShot:#1

63 12 17
                                    

Someday, Someway

"Celine, wait!" habol ko sa kaniya ng makita ko siyang naglalakad ng mag-isa pauwi.

"Ano ba, Bryan, kailan mo ba ko titigilan?" mataray niyang saad. Napaka-taray talaga nito, kaya in love na in love ako eh!

Napahawak ako sa baba ko na animong nag-iisip,"Hmm, kapag tinanggap mo na ko sa buhay mo," ngisi ko na ikinataas ng kilay niya.

"Ang corny mo!"

Napakamot ako sa ulo ko, "Hindi talaga kita titigilan hanggat payagan mo kong... manligaw,"

Napairap na lang siya, ang cute talaga! "Alam mo naman na bawal pa 'di ba?" 3rd year high school kami ngayon, at ayaw pa ng tatay niyang magka-boyfriend siya, pero kaya ko namang maghintay. Hindi naman ako nagmamadali, ligaw lang naman.

"Eh, magpapaalam naman ako sa parents mo, for sure hindi nila matatanggihan ang kagwapuhan ko," tinaas-baba ko ang kilay ko para magpa-cute, pero walang epekto. Grabe!

"Anong ginagawa mo dito?!" gulat niyang tanong ng makita ako sa tapat ng bahay nila, kinabukasan.

"Manliligaw," nakangiti kong sagot. Wala ng makakapigil sa'kin, buo na ang desisyon ko. Liligawan ko si Celine.

Napapikit na lang siya at tinulak ako ng bahagya, "Umalis ka na, Bry, please..."

"Hindi ako aalis dito. Kakausapin ko lang naman ang parents mo,"

"Sinabi ng-"

"Celine, sino 'yang kausap mo?" nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ng Daddy niya. Napalunok naman ako, kaya ko 'to!

"Bryan, hijo, what are you doing here?" tanong ng mommy niya ng paupuin ako nito sa sala. Mag-kaibigan ang mommy ko at ang mommy ni Celine, kaya kilalang-kilala na ko ng parents niya.

Napatingin ako kay Celine na ngayon ay hindi na mapakali sa tabi ko.

"Ah... kasi po, Tita, Tito, nandito po ako para..." nilingon ko si Celine bago tinuloy ang sasabihin. "Humingi ng pahintulot para ligawan ang anak ninyo," matapang kong sabi.

Nakita ko kung paano nag-iba ang hitsura nilang dalawa.

"Anong sabi mo, Bryan?" seryosong saad ni Tito.

"Gusto ko pong ligawan si Celine,"

Matalim niya kong tinignan bago bumaling kay Celine, "Celine, go to your room."

Nanlaki ang mga mata niya, "D-dad-"

"Go. To. Your. Room."

Ayaw pa sanang sumunod ni Celine pero tinignan ko siya na parang sinasabing kaya ko 'to.

Nang maiwan kaming tatlo ay kinain kami ng katahimikan. Nagulat na lang ako ng tumayo si Tito Lev at bigla akong sinuntok.

"Lev!" sigaw ni Tita.

"T-tito,"

Napamaang na lang ako ng bigla siyang ngumisi. "Now, you have my blessing,"

Masakit man ang panga ay nagawa kong sumagot, "P-po?"

"Ikaw naman talaga ang gusto kong makatuluyan ng anak ko, Bryan. At ang suntok na iyon, practice lang 'yan para kung sakaling saktan mo ang anak ko ay alam mo na ang kaya kong gawin. Mahigit pa roon ang gagawin ko sa'yo,"

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now