HAPPY HALLOWEEN, EVERYONE! HOPE YOU ARE SAFE.
Sorry na-late, kanina pa dapat 'to eh haks.
---
Sa buhay ng isang tao, mahalaga ang salitang pagkakaibigan. Mahalaga ang KAIBIGAN. Pero paano mo nga bang masasabi kung totoong kaibigan mo nga ang isang tao? Pero sino ba talaga sila sa buhay mo...
Agad na nagmadali si Chelsea sa pagkain ng marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono mula sa kaniyang bag. Mayroon silang lakad ng kaniyang mga kaibigan ngayon at napagplanuhang magpupunta sa Batangas.
"Kim," sagot ni Chelsea ng sagutin ang tawag ng kaibigan.
"Chels, nasa'n ka na? Anong oras na kaya, kanina pa kami dito sabi mo papunta ka na?!" mataas na tonong sabi ni Kim sa kabilang linya.
Sinabi kasi niya sa mga ito na papunta na siya kanina kahit ang totoo ay maliligo pa lamang siya ng mga oras na iyon.
"Oo, ito na sandali," natatawang aniya.
"Grabe, ang bilis!" kantiyaw ni Miles pagkadating ni Chelsea sa kanilang tagpuan.
"Sorry na, guys!" natatawang sabi niya at inirapan na lang siya ng mga ito dahil sa tagal niya.
Papunta na sila Batangas gamit ang sasakyan ni Kim. Nagkatuwaan sila na pumunta sa kung saan-saang magagandang lugar doon. Kumain din sila ng mga famous dishes doon. Hindi matanggal ang ngiti nila hanggang sa umuwi na sila sa tutuluyang hotel. Magkakahiwalay silang magkakaibagan ng kwarto dahil hindi sanay ang mga ito na may katabing matulog.
Pagkatapos maglinis ng katawan ay agad ng nakatulog si Chelsea dahil na rin sa matinding pagod. Maya-maya ay nagising siya sa ingay ng kaniyang telepono. Nakapikit niya iyong inabot ng kamay at saka sinagot.
"Chelsea?! Chelsea, tulungan mo ko! Tulungan mo ko, Chelsea! Natatakot ako!"
Napabalikwas siya sa kaniyang kama ng marinig ang boses ng kaibigan na si Jen.
"A-ano?! Anong—" naputol ang kaniyang sasabihin ng marinig ang malakas na sigaw ng kaibigan.
Tatayo na dapat siya sa kaniyang hinihigaan ng makita ang isang babaing nakatalikld nakaupo sa dulo ng kaniyang kama. Nakasuot ito ng maruming uniporme at nakalugay ang mahaba nitong buhok.
Nanlalaki ang matang napaurong siya sa kaniyang kama. Hindi matigil sa panginginig ang kaniyang katawan habang nakatingin dito.
"S-sino ka?!"
"Hindi mo ba ko naalala?" napaluha na lamang siya ng marinig ang boses na iyon.
"L-lara?"
"Akala ko kaibigan ko kayo. Akala ko kaibigan kita—Pero HINDI!" agad na humarap ang babae sa kaniya at makita niya ang nanlilisik nitong mga mata habang nakatingin sa kaniya at ang duguang mukha nito. "SINUNGALING KAYO! PINANIWALA NIYO KO! PINATAY NIYO KO!" sabi nito sa malalim na boses di gaya ng boses nitong mahinhin dati.
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Chelsea at hindi malaman ang gagawin. Takot na takot siya. "H-hindi namin sinasadya. Patawarin mo k-kami."
"SINUNGALING! INIWAN NIYO KO DOON! NANGHINGI AKO NG TULONG SA INYO PERO HINDI NIYO KO PINAKINGGAN!" unti-unti ay lumuha ito ng dugo.
"Patawarin mo ko. Maniwala ka sa'kin, gusto kitang tulungan—"
"SINUNGALING KA!"
"Tulungan niyo ko!" umiiyak na sabi ni Lara habang nakahawak siya sa isang bato roon para hindi tuluyang mahulog sa bangin.
Nakatingin lang sila sa kaniya habang umiiyak na sa takot dahil sa dilim ng paligid.
"Tulungan na natin si Lara!" sigaw ni Chelsea, pero hindi pa rin makagalaw ang mga ito sa takot. Lalapitan na sana ni Chelsea si Lara ng may marinig silang kakaibang tunog na para bang may tumatawag sa kanila.